Lorenzo's POV..
Pasukan na.. Last sem ko na dito.. Pero wala akong gana.. Actually, wala nga sana akong balak mag-enroll e.. Gusto kong puntahan si Ria.. Gusto ko siyang makita.. Pero hindi pa pwede.. Wala pa kong maipagmamalaki sa pamilya nia.. Titiisin ko muna 'to.. Pramis, pag nakuha ko yung diploma ko, masabi ko lang na nakapagtapos ako ng college, pupunta agad ako dun.. Magfofocus muna ako dito.. Last sem na 'to.. Konti na lang..
Pero pano ako magfofocus? Hindi mawala-wala sa isip ko kung bakit hindi siya nagpaparamdam.. Ganun ba kalaki ang kasalanan ko? Iniisip ko na lang, mabigat nga talaga yung problema sa pamilya nila.. Ayaw nia muna ng distraction..
Sumasagi sa isip ko na baka may nahanap na siyang iba dun.. Pero hindi e.. Mahal ako ni Ria.. Alam kong mahal nia ako.. Kaya malabong ipagpalit nia ko kung kanino man..
Kaya ko 'to.. Malalampasan ko 'to.. Magkikita ulit kami ni Ria.. Sure naman ako na dadating siya sa graduation ko..
Denise's POV..
Last sem na.. Yeeessss.. Ang galing ko sa part na yun.. Akalain nio, gagraduate pala ako.. Hahaha..
So eto nga mga besh.. Si kuya Chad nio, ayun.. Damang-dama.. Nagpabili ng motor sa parents nia.. Parang tanga.. Sabi ko nga yung scooter ko na lang gagamitin namen pag may pupuntahan kami e.. Pero nahihiya daw siya..
Gusto pa nga nia, araw-araw nia kong ihahatid at susunduin.. Syempre tumanggi ako.. I have a car.. Bakit pa ako aangkas sa motor nia..? Kaso, naiinis daw siya dun sa thought na ako yung nagdadrive.. Minsan nga nagsabi siya saken na magpapaturo siyang magdrive saken.. I told him mag enroll na lang sa driving school.. Ako na lang magbabayad.. Ayoko din pagamit 'tong car ko 'no.. Lalo na pagpapraktisan.. No! Pag marunong na siya, baka pa.. Baka ipagamit ko sa kania..
And nope.. Hindi pa din kami nagkikiss hanggang ngayon.. Hanggang holding hands lang.. Minsan hug.. Kasiiiii.. Hindi pa rin nagbabago yung feelings ko for him.. Talagang friends lang kami.. Pero hindi ko alam kung pano ko sa kania sasabihin.. Ang bad ko di ba? Sa totoo lang, pinagsisisihan ko yung ginawa ko.. Bakit ko ba kasi jinowa si Chad..? Para pagselosin si Lorenz? Para saan..? May napala ba ko? Oo, meron.. Sakit ng ulo..
Araw-araw na siyang nandito sa bahay.. Tumatambay.. Naiinis na nga yung mga maid namen e.. Kasi gusto na nilang isara yung gate, pero hindi pa umaalis si Chad.. Ayaw din nila si Chad para saken.. Nayayabangan daw sila.. Eto pa, mas bagay daw kami ni Lorenz.. Hahaha..
Oo nga pala.. Gagraduate na din yung ex ko.. Sabay-sabay kaming tatlo.. Si Chad, ako, si Lorenz.. Tsaka si Pao at Danni pala..
Lorenzo's POV..
Graduation.. Cum laude ako..
Nakaupo ako dito sa assigned seat para saming mga graduates.. Tumatagaktak ang pawis sa kainitin ng paligid.. Alas-dos ng hapon.. Buti na lang may ginawang tent.. Nasa lilim kami.. Inaaliw ko ang sarili ko habang pinagmamasdan 'tong trapal na ginamit dito sa tent.. Iba't-ibang kulay.. May red, white, green, tska yellow.. Parang tanga.. Kala mo may biglang papasok na elepante e.. Mukhang sa circus hiniram 'tong tent namen..
Oo, inaaliw ko ang sarili ko.. Dahil kahit sa huling sandali bago ako tawagin paakyat ng stage, umaasa akong magpapakita saken si Ria.. Yayakap siya saken ng mahigpit.. Papalakpak siya pag tinawag na yung name ko.. Magcecelebrate kami pagkatapos.. Tas sabay na kaming pupunta sa Camiguin..
Pero wala.. Umakyat akong magisa sa stage.. Isa ako sa mga iilan na walang umattend na kamag-anak o kakilala man lang dito sa graduation ceremony namen.. Yung iba kasi, nasa malayong probinsya pa yung pamilya.. Ako, hahaha.. Wala talaga.. Hindi ko na din inabala pa sina tiya Agnes..