Chapter 26. Finding Mommy

284 13 21
                                    


Lorenzo's POV..

After 3 years..

"Ma, magpapaalam na po sana ako.. Sa Pangasinan po muna kami titira ni Calvin.." sabi ko kay mama.. Oo, mama na din tawag ko sa Mommy ni Ria..

"Ikaw, nasa sayo yan, iho.. Pero mamimiss ko si Cal.." maluha-luha niang sabi..

"Ma, pramis po, yearly kami dadalaw ni Cal dito.. Every summer or kapag Christmas, uuwi kami dito.. Pramis po.."

Tatlong taon na din ang mabilis na lumipas.. Hindi ko alam kung naka-move on na ko.. Masakit pa rin.. Masakit kasi wala na siya.. Masakit kasi nakikita kong lumalaki si Calvin na naghahanap ng nanay.. Maaga kong pinamulat sa kania na hindi nia nanay si Jen, yung kapatid ni Ria.. Tita lang siya.. Kahit siya na halos yung nag-alaga kay Cal..  Medio awkward kasi e..

Dito ako nag-stay ng 3 years.. Ito yung bilin ni Ria.. Dito na rin ako nagtrabaho sa hotel.. Naging supervisor ako, minsan manager.. Minsan, nagto-tour guide sa mga guest.. Tumulong din ako sa pag-aangkat nila ng isda, mga tuna..

Babalik ako sa Pangasinan.. Dun ako sa comfort zone ko.. At least nandun sina Tiya Agnes.. May mapapag-iwanan ako kay Calvin kung kailangan kong umalis.. Mabait na bata naman si Calvin.. Medio makulit, malikot, pero madaling sabihan..

Pero ngayon, kailangan ko nang tuparin yung huling request ni Ria.. Hanapan ng mommy si Cal.. Ewan ko kung pano ko gagawin yun.. Pano nga ba..? Sino..? Actually, yun yung reason bakit ako babalik sa Pangasinan.. Nga lang, wala pa talaga akong maisip na "qualified".. Yeess.. Ang yabang ko dun sa part na yun..

Naisip ko, si Tiya Agnes na lang.. Ang usapan, hanapan ko ng nanay, hindi naman nia sinabing maghanap ako ng asawa e.. Hehehe..

Sana single pa si Rose Ann.. May crush yun saken nung high school e.. Hindi ko lang talaga siya niligawan kasi, nahihiya ako.. Pero kung sakali nga, popormahan ko na yun ngayon.. Di ko lang sure kung magkakagusto pa siya sa single dad.. Sana..

Si Denise kaya? Hahaha.. Noooo! Never! Siya na yung huling babaeng naiisip kong maging mommy ni Cal.. And besides, sure akong hindi siya magugustuhan ni Cal.. Malakas makiramdam 'tong anak ko.. Alam nia kung salbahe yung tao..

Actually, may isa pa kong naiisip.. Si Danni.. Wala na kong contact sa kania, pero who knows, maisama ulit siya ni Denise magbakasyon.. Baka siya pala talaga yung hinahanap kong magiging mommy ni Cal..




"Tao po.." habang marahang kumakatok sa tarangkahan ng bahay.. Wow! Ang laki na ng pinagbago.. Bakal na yung gate.. Ang ganda na din nung garden.. Concrete na yung buong paligid ng bahay.. Dati kasi yung kalahati lang.. Yung lower half lang.. Ngayon, buo na.. Tas tinaasan pa.. Mukhang bagong palit ang yero.. Nu ba nangyare? Nanalo sila sa sweepstakes?

"Aba.. May nakaisip magparamdam.. Ano? Wala ka nang matirhan kaya nakaalala ka..?" pagtatalak nia.. Pero papalapit na siya para pagbuksan kame.. Expected ko na 'to.. Ganito naman talaga 'to si Tiya Agnes e.. Taklesa, bungangera..

Pagbukas nia ng gate, nakita nia agad si Cal.. Napatingin siya saken.. Magkahalong pagtataka at pagkabigla..

"Anak mo..?" tanong nia..

"Opo.. Si Calvin.. 'Nak, bless muna kay lola.." sabi ko.. Mabilis nmang sumunod si Calvin.. Naturuan siya ng mabuti nung lola mama nia at ni Tita Jen nia ng pagmamano..

"Pasok kayo.. Pasok.." Hawak hawak na nia sa kamay si Cal.. Hindi ako nagkamali, matutuwa siyang makita 'tong anak ko..

At ayun nga, nalaman kong nasa abroad pala si Chad.. Kaya pala gumanda na 'tong bahay.. Nakwento din saken yung nangyari sa kanila ni Denise.. Hindi na ko nagtaka.. Si Denise yun e.. Ang babaeng kampon ng kadiliman..

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon