Nakabalik na ko sa boarding house.. Ok naman yung bakasyon ko.. Atleast medio na-redeem ko yung sarili ko sa mga ginawa saken ni Denise.. Oo, nagkita kami sa hacienda, but unlike before, wala akong pinagbigyan sa mga gusto niang ipagawa saken.. And besides, hindi naman na talaga ako nagtatrabaho sa kanila e..
Pero aaminin ko, pag nababagot ako, naiisip ko siyang itext.. Minsan nagmemessage saken si Danni.. Hi/hello lang.. Yeah, maganda si Danni.. Pero hindi ko type e..
Ginawa ko, nagpakabusy na lang ako sa school.. Making sure na matataas lahat ng grades ko.. Kailangan e.. Hindi kasi ako matatanggap sa UPLB pag mababa sa 1.65 ang GWA ko..
Then, nagbakasyon ulet ako nung sem break.. Two weeks din yun.. Pero hindi ko inasahan na nasa hacienda pala si Denise.. Nakita ko lang naman siya mula sa labas ng mansyon nila.. Ewan ko kung nakita nia ako..
Then one morning, pumunta siya sa bahay.. Naka-scooter.. Si Tiya Agnes ang lumapit sa kania..
"Ma'am Denise.. Tuloy po kayo.." sabi ni tiya..
"Sige po, dito na lang.. Ask ko lang po kung nanjan po si Lorenz.. Magpapasama sana ako.." sabi nia..
"Enchong.. Si Ma'am Denise.. Lumabas ka muna dito.." sigaw ni tiya..
Nyemas.. Ayoko sana.. Tinatamad ako.. Pero lumabas pa din ako.. Lumapit ako sa kania..
"Magandang umaga, magandang binibini.. Kamusta po? Ano pong maipaglilingkod ko..?" pagbati ko sa kania..
Ayun, ewan ko ha, pero yung itsura nia, pinipigilan nia yung ngiti.. Naniningkit na tuloy siya.. Tas namula siya.. Haha.. Epektib din pala yung mga ganung banat.. May nabasa kasi ako dati, pinakamasarap daw sa pandinig ng babae yung batiin mo siya na may kasamang konting pambobola.. Oo, pramis.. Sabi dun sa nabasa ko, kahit medio chaka si ate girl, kikiligin yun basta sabihan mo siya ng: "magandang binibini.."
Pero syempre, akmang-akma naman 'to para kay Denise.. Wala e.. Talo pa rin ako.. For me kasi, si Denise pa rin ang pinakamagandang babae.. I mean, pinay version ni Kristin Kreuk.. Isa' t kalahating taon lang ang lumipas, parang mas gumanda pa siya lalo.. Mas nagkaroon ng hubog yung katawan nia.. Nakakainis, kasi parang biglang bumabalik yung pagkagusto ko sa kania..
"Mabuti naman po, makisig na ginoo.. Nais ko lang pong malaman kung pwede mo ba akong samahang mamasyal mamaya.." sagot nia.. At lumaban ng tagalog ang mokang..
"Ipagpaumanhin mo aking binibini.. Ako'y may pinagkaka-abalahan.. Kung maari sana'y si Richard na lamang ang iyong imbitahin.." sagot ko..
"Ahhhmmm.. Ok sige.. Thank you na lang.." sabi nia.. At ini-start na nia yung motor.. She looks so diappointed.. Nawala yung maganda aura ng mukha nia.. Medio naguilty ako ng konte.. Wala naman kasi talaga akong ginagawa.. Pwede ko siyang samahan.. Ayoko na lang talagang mapalapit pa ulet sa kania..
But before nia pa mapaandar yung scooter, mabilis kong piniga yung brake sa manibela..
"Maliligo lang ako.." sabi ko..
"I thought busy ka.."
"Uhmm.. Hindi na pala ako busy.."
"Ok.. I'll be back in 30 minutes then.."
"Thirty minutes.. Pero sana, kung mamasyal nga tayo, wag ganyan yung suot mo.." bilin ko.. Kasi medio masyadong revealing yung suot nia.. Spaghetti na medio plunging.. Tas pekpek shorts..
Teka.. Teka.. Hindi sa hindi ako nagagandahan sa suot nia.. Gusto ko yun.. I mean, sino bang straight na lalaki ang ayaw nun.. But since mamamasyal daw kami, ayoko naman na mapa-away ako.. Siguradong maraming manyakis na makakakita sa kania..