Lorenzo's POV..
"MEN'S DORM BULOK!!!" sigaw nung mga upper classman sa mga freshmen.. Palagi na lang yun ang maririnig mo dito pag gabi.. Ewan ko, kung para saan yun.. Asaran lang siguro.. Yung dorm kasi ng mga freshmen, kahoy lang.. Medio nabubulok na..
Nakatambay kami ni Ria sa likod ng vet dorm.. Ang init kasi sa dorm namen.. Wala na namang kuryente.. Tsaka summer na din.. March na.. Halos patapos na ang sem..
"Mahal.. Sama ka na samen.." sabi ni Ria.. Plano nia kasing umuwi sa kanila this summer..
"Baket? Gusto mo na bang ipakasal tayo ng daddy mo? Hehehe.."
"Oo.. Bakit hinde?"
Umakbay ako sa kania..
"Mahal.. Napagusapan na naten 'to e.. Di ba nga, after naten makagraduate.. Promise.. Dun talaga agad ako pupunta sa inio.. Kahit ipakasal pa tayo agad ng parents mo.." sagot ko..
"E kasi ee.. Baka makahanap ka ng iba this vacation.."
"Mahal.. Araw-araw naman tayong magtatawagan.. Wala ka bang tiwala saken?"
"Meron.."
"O yun naman pala e.. Tsaka kala ko balak mong mag-Bohol this summer..?"
"Hindi na muna.. Parang gusto ko, dun lang ako kina mommy.."
"Much better.. Kasi hindi kita masasamahan this time.. Ang dami naming outreach tsaka tree-planting.. Uubusin ko na para macredit na agad next sem.. Kesa maghabol pa ko.."
"Mahal, please.. Please.. Sama ka na.. Magpakasal na tayo.." hirit nia..
"Mahal, seryoso ka ba? Hindi pa tayo graduate.." nakatitig lang ako sa kania..
Then nakita kong umiiyak na pala siya..
"Hey.. What's wrong..? Anu bang nangyayari?" tanong ko..
"Ayoko kasing mawala ka saken e.." sabi nia.. Humihikbi pa rin..
"Mahal, bakit naman ako mawawala..? No! Hindi ako mawawala.. Bakasyon lang yun.. De bumalik ka agad.. Hindi naman ako uuwi ng Pangasinan e.. Ayaw akong pauwiin ni ate Jenna.. Madami daw kasing nagsa-summer class.. So magfu-fulltime ako sa resto.." sagot ko..
Then she burrowed her face on my chest..
"Mahal.. Tama na.. Pramis.. Pagbalik mo, nandito pa rin ako.. Ikaw pa rin ang mhal ko.. Nothing will change.." dagdag ko..
"Basta, kahit anong mangyari, promise me, pupunta ka samen.. Magpromise ka.."
"Pupunta tayo.. Pagkagraduate naten, gusto mo dun na tayo tumira e.."
"Magpromise ka na pupunta ka samen.. Magpapakilala ka kina mommy at daddy.. Tsaka sa mga kapatid ko.. Magpromise ka.."
"Oo nga.. Promise.." medio nawe-weirdohan na ko sa kania..
"Mahal na mhal kita Lorenz.."
"And i love you to.. My queen.."
Denise's POV..
The sem ended.. Jusmiyo.. Naging instant celebrity talaga ako after nung pageant.. Ang daming nagpakilala saken.. Daming friend requests.. Hahaha.. Kaloka.. Ang laki ng ulo ko..
Nagusap kami nina Pao at Danni na magca-Camiguin kame.. Then Cagayan de Oro.. Last summer na namen as college.. We'll gonna make it count..
We agreed na sa 2nd week ng April kami gogora.. Ayoko din magstay sa bahay ngayong bakasyon.. Baka magkita kami ulit ni Lorenz..
Oo, naka-move on na ko.. Pero medio masakit pa din e.. Ganun naman yata talaga yun.. Mapapatawad mo siya.. Mapapatawad mo yung sarili mo.. Pero hindi mo makakalimutan yung pain..