Denise's POV
Two days pa after nung despedida night out namen nung mga co-workers ko bago ako nakaalis sa bahay.. Inayos ko pa kasi yung mga gamit.. Actually, pinamigay ko na lang sa mga friends ko.. Mga aircon, ref, TV, yung kama, tsaka kung anu-ano pa.. Hindi ko rin naman dadalhin kasi, para saan naman? Meron naman kami dun sa bahay namen sa probinsya..
Malapit na ko sa bahay.. Medio napaaga ako.. Past 1pm pa lang.. Wala kasing masyadong traffic..
Excited na kong makita ulit yung anak ko.. I'm sure matutuwa siya sa mga pasalubong ko sa kania..
Pagdating sa bahay;
"O.. Bakasyon ulet?" si papa..
"Nope.. Dito na ko papa.. Ayoko na po sa Manila.." sagot ko..
"Anyare? Bakit biglaan?"
"Stressed na ko dun.. Tsaka gusto ko palagi kitang nakikita.." sabi ko.. Then yumakap ako ng mahigpit sa kania..
"Nyeee.. Nandito lang ulit si Lorenzo, gusto mo na ulit dito.. May gusto ka pa rin sa kania 'no..?"
"Papaaa!!!"
Nakakainis si papa.. Wala naman talaga e.. Hindi naman talaga si Lorenz ang reason kung bakit bumalik ako dito.. Konti lang.. Mas malaking reason pa rin si Cal.. Tsaka yung farm.. Tsaka bored na din ako sa Manila.. Basta konti lang ung part na si Lorenz.. Basta!
After kong magbihis ng pambahay, lumabas na agad ako.. Hiningi ko kay papa yung susi ng scooter ko.. Yes.. Buhay pa ung motor ko.. Alaga din kasi ni papa..
Pumunta na agad ako sa bahay nina Lorenz..
Kumatok ako at dumungaw sa bintana si aling Agnes..
Medio nakasimangot siya.. Siguro nainis kasi naputol yung tulog.. Last week din ganito siya e.. Parang hindi na siya kagaya dati na medio natutuwa pag nakikita ako.. Ngayon parang naiirita na siya.. Hahaha.. Siguro dahil dun sa nangyari samen ni Chad dati..
"Si Calvin po?" tanong ko..
"Ay natutulog po e.. Balik na lang kayo mamaya.." medio masungit niang sagot..
"Ok sige ho.." then umalis na ko..
Naglibut-libot muna ako sa farm.. Binisita ko yung mga nagtatrabaho sa bukid.. Haha.. Feeling ko talaga artista ako pag nandito samen.. Tumitigil ang mundo nila pag nakikita ako..
Then, after 30mins, binalikan ko ulit si Cal.. And this time, nakita na nia agad ako pagdating ko..
"Titaaaaa!!!" sigaw nia at mabilis na lumabas sa bahay.. Tumakbo siya palapit saken kaso nakasara yung gate.. So tumingin siya kay Aling Agnes..
Ako na ang nagsalita.. "Hihiramin ko po sana.. Papadaanan ko na lang kay Lorenz mamaya.." sabi ko..
Hindi naman na umimik si Aling Agnes.. Binuksan nia yung gate at mabilis na yumakap saken si Cal..
Pagdating namen sa bahay..
"Wwwooooooowww..!!!" bulalas nia..
"Sayo lahat yan.." sabi ko..
"For me?"
"Yes.. For you.."
"Why so many tita?" he asked..
"E kasi.. Wala.. Namiss kita e.."
Then yumakap siya saken.. Ang sarap sa feeling..
"I've got so many toys and clothes na.. Tita Rose Ann bought me clothes and toys too.. And shoes.." sabi nia..