Chapter. 15 Ria

229 19 1
                                    

Lorenzo's POV..

All my bags are packed.. I'm ready to go.. Hindi naman jetplane.. Commute lang ako.. On my way somewhere.. Somewhere far from here.. Pero may bibilhin muna ako.. Buti may malapit na convenience store dito..

"Ate.. May sim card kayo?" tanong ko dun sa kahera..

"Nandun po ser.. Sa may kabilang istante.."

Hinanap ko.. Nagtataka kung bakit dito ilalagay ang sim card.. Pero wala.. Wala akong nakita..

"Ate, wala po e.."

"Nandun koya.. Katabi nung mga shampoo.." sagot nia..

Ay shit! Alam ko na 'to..

"Ate.. Sim card.. Yung Globe.. Yung sa cellphone.." sabi ko..

"Ay.. Ahahahahaha.. (sarap ng tawa nia..) akala ko sipgard.. Yung sabon.. Ahahahahaha.. (hala.. Tawa pa din..)"

"100pesos po.. Globe po ba?"

"Oo teh.."

Yep.. Palit palit din tayo ng sim card pag may time.. Para wala ng mangulit.. Wala ng magtext.. Start anew tayo..

First destination: Baler..

Four to five hours na byahe din to from Dagupan.. I checked my phone, 9am.. Ayos.. Maaga akong makakarating..

Nauna akong sumakay sa bus.. Nagtry umidlip habang nagpupuno ng pasahero.. Then, by 10am, nagsimula nang umandar yung bus.. Hindi ako natutulog sa byahe.. Naaaliw akong pagmasdan yung mga tanawin.. Mga palayan, mga puno, kabundukan, mga nanay na may hawak na hanger hinahabol yung anak.. Mga baklang nagsasayaw sa gilid ng daan.. Mga ganun..

Tas pag ganitong mga long rides, kadalasan napupunta yung isip ko sa "nothing box".. Oo yung para nago-auto shutdown yung utak mo.. Hindi ka naman patay o baldado, pero yung isip mo steady lang.. Nakatitig ka lang sa isang bagay pero actually wala kang iniisip.. As in wala.. Ewan ko kung ako lang ba yung may ganito.. Pero nabasa ko once, lahat daw ng lalaki, may nothing box..

Tas bigla kong naalala si ate "Sipgard.." hahaha.. Parang ngayon lang nagsink-in saken yung tinatawanan nia.. So natawa nga ako.. Pero narealize ko, napalakas pala..

Tas pagtingin ko sa gilid, babae pala yung katabi ko.. Medio judgemental yung titig saken.. Nagtataka siguro baket ako tumatawa.. Hahaha.. Napahiya ako.. So inayos ko yung hood ng jacket ko.. Para hindi ko na lang siya makita..

Pero inalis ko din.. Gusto ko pala siyang makita.. Ganda e.. Medio morena.. Nakacap pero makikita mong maganda yung hair nia.. Hanggang balikat.. Maganda yung mata.. Mapula yung lips.. Chic na chic..

Deds na.. Hindi na ko makakapagfocus sa byahe.. Buti na lang nakapikit siya.. Tinatry sigurong matulog..

After 2hrs, nag stopover sa Cabanatuan.. Gusto kong bumaba ng bus kasi nawiweewee na rin ako.. Pero tulog pa din si ate nio.. Swerte na lang at nasagi nung isang pasahero yung braso nia kaya nagising siya.. Dali-dali din siyang tumayo.. At sumunod na ko..

Napansin ko, ang daming nakapila dun sa nag-iihaw.. So pumila na din ako.. Hahaha.. Buset.. Inihaw na hotdog lang pala.. Kala ko mga classic na barbecue or isaw.. Aalis na sana ako sa pila, pero nung nakita ko yung mga kumakain nung hotdog, napatigil ako.. Napapapikit pa sila habang kumakagat.."Anong meron sa hotdog na 'to..?" So napabalik ako sa pila.. Then narealize ko, si ate girl pala yung nasa harap ko.. Hahaha.. Wala lang.. Hindi ko siya type.. Oo, maganda.. Parang Kelly Misa yung datingan, na morena.. Naka-crop top na long sleeves na blue.. White na skinny jeans tas keds na red.. Magaling manamit.. Pero hindi ko type..

"Kuya, dalawa po.." sabi nia.. Medio nagulat ako dun.. Jumbo hotdog talaga yun.. Isa lang, parang ang hirap nang ubusin.. Tas dalawa yung sa kania.. Pero, nakakatuwa nga e.. Alam nio yun, yung babaeng hindi naman dabiana, pero ang lakas kumain.. Ang cute kaya nun..

Crush Mo Mukha Mo.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon