Kabanata 1

21 3 2
                                    

Hate

I laugh hard as I run through the grassy partition out of our mansion. Paniguradong namumula na naman si nanay Mel kakahanap sakin, siguradong mag hihisterikal na naman ang aking ina pag napansing nawawala na naman ako sa loob ng bahay.

When I got to the end of the rising twigs I was holding unto my knees while panting hard, Natatawa nalang ako sa kasutilan ko sa matanda. I'm used to doing these things whenever I'm here.

I want to go around the whole place. I actually know the ins and outs here so I don't have a hard time getting through to nanay mel. Nakokonsensya din naman ako dahil sa tuwing tatakas ako siya ring napapagalitan si nanay mel ni mommy dahil natakasan ko ito.

Naglakad lakad ako sa daan papuntang bahay nila Irish. Mag dadalawang buwan narin kaming magkaibigan, at ilang beses narin akong nakapunta sakanila dahil siya lang naman kilala ko sa lugar na ito well may mga pinsan ako pero bihira lang sila napapadpad dito dahil kung hindi sila busy sa pag aaral eh nasa ibang bansa naman.

Papalapit na'ko sa kanilang bahay ng biglang may nakabunggo sakin dahilan upang madapa ako sa sementadong daan. Napakurap kurap ako ng bahagya dahil sa pangyayari, hindi ako agad naka recover nakatulala lang ako sa tuhod kong may sugat na ngayon ay dumudugo na.

"Omaygad Sierra ok ka lang ba? Pasensya na nagmamadali kasi itong kapatid ko hindi ka ata napansin" lumapit sakin si Irish upang tignan ako kung ok lang ba, habang ako'y prinoproseso parin ng utak ang nangyari. Sa buong buhay ko ngayon lang ito nangyari sa'kin!

Natutulala akong napatingin sakaniya, ibinaba niya ang kaniyang mata sa bandang tuhod ko.

"Hala jusko may sugat ka sierra, ate zayden kunin mo ung kit sa loob dali tara sa loob Erra" hind na alam ni Irish kung anong uunahain, kukuha ba ng kit oh aalalayan ako.

Tulala parin ako sa nangyari, nakapasok na kami sa loob at naka upo na ako sa hindi kalakihang sofa.

"A-aray Irish dahan dahan naman" mangiyak ngiyak kong pakiusap sakanya dahil sobrang hapdi nito tuwing madadapo ang hawak niyang cotton na may alcohol, dahil nililinis niya ang natamo kong sugat dahil sa pagkakadapa kanina.

"Pasensya kana talaga sa kapatid ko hindi ka niya napansin dahil nagmamadali rin kasi siya pasensya na talaga Sierra jusko paano pag nakita ito ng mommy mo ano nalang sasabihin nya samin" halo halo ang emosyong namamayani sa maamo nitong mukha.

Kinaway ko ang dalawang palad sa pagitan ng aming mukha.

"Nako ok lang kasalanan ko rin naman tulala ako habang naglalakad, hindi ko tuloy napansin na may dadaan." dali dali kong sabi sakanya.

"Tsk" napaangat ako ng tingin upang hanapin kung kanino galing iyon, nahagip ng mata ko ang isang babaeng naka tayo habang naka sandal ang katawan sa pintuan.

She's staring at me intently, natulala ako sa mukha nya. Am I dreaming? Did I see goddess here at land?

Hindi mapagkakailang sobrang ganda nito, hindi sapat ang salitang ganda para madiscribe ang kaniyang angking kagandahan. Napakurap ako nang bahagya itong gumalaw, nakataas ang kilay niya ngunit wala kang mababasang kahit anong emosyon sa kaniyang magandang mga mata.

Nabura lahat ng papuring binibigay ng isip ko sakaniya.

"Are you deaf? I'm asking you if you're ok?gosh Irish ikaw nga kumausap diyan" kulang nalang umirap ito dahil sakin.

"A-ah yeah i'm ok" I said shuttering, napa iwas ako ng tingin nang ayusin niya ang pwesto niya para makalakad papuntang hagdan nila papuntang ikalawang palapag.

Hindi ko ma iwasang mapasunod ng tingin sakaniya, napatitig ako sa kaniyang katawan dahil sa suot nitong fitted shirt at short shorts. Dahilan upang lumabas ang kaniyang hubog ng katawan, damn she's freaking hot as hell.

Island of Memories Where stories live. Discover now