Kabanata 24

8 2 2
                                    

Mad

After that scene ay agad naman akong pumasok sa kanilang bahay at iniwan siya doong tulala.

"Aga mo Erra ha!" bungad saakin ng magaling kong bestfriend.

Agad naman akong napasimangot dahil kasama pala namin ang kaniyang gf. Yes gf. Normal na talag ang ganitong bagay sa panahon ngayon.

"Hi Sierra" nakangiting bati ni Levi saakin.

"Hi Levi"

Nag beso naman kami bago ako naupo sakanilang sofa. Napansin ko rin ang mga gamit nilang naka ready na. Andami ha?

"Sa kabilo tayo maghapon"

Tila alam ni Irish ang nasa isip ko kaya sinagot na agad niya ito. Okay?

"San tayo sasakay?" tanong ko.

"Syempre ano bang silbi ng sasakyan ni ate kung hindi gagamitin" nakangisi itong nakatingin saakin bago bumaling sa ate niyang naka sandal at halukipkip na pala sa pinto nila.

Ito na naman ang puso kong naghuhurentado sa bilis. Nagkatitigan pa kami bago ako umiwas ng tingin. Binalingan ko naman sila Irish na ngayon ay nag lalandian napangiwi naman ako dahil doon.

"Hindi pa ba tayo aalis?"

Mag 10 narin at tirik na ang araw kaya for sure mainit na doon. Thoughts ko lang naman diba?

"Ikaw nalang naman ang inaantay e, sovrang aga mo naman kasi talaga kahit kailan" nanguuyam nitong sabi.

Inirapan ko nalang ito bago tumayo.

Nahuli ko naman ang seryosong tingin ni Zayden saakin, tinaasan ko lang ito ng kilay bago nag martsa palabas. Nilagpasan ko lang ito. Hindi ko namalayang naka sunod pala ito saakin. Narinig ko nalang ang pag alarm ng kaniyang puting na sasakyan, hindi lambo ang gamit nito ngayon kundi SUV terra.

"Omg I'm so excited, ngayon nalang ako ulit makaka punta sa kabilo for a long years"

"Ang oa Irish parang kailan lng nag kabilo tayo dalawa" supalpal ng kanyang gf.

Halos matawa naman ako dahil doon.

"Ito naman panira talaga ng moment!"

Nagtalo pa silang dalawa kaya iniwan ko na. Hindi ko alam kung saan sasakay kung sa backseat ba o front seat.

"Erra sa front seat kana kami nalang ni Levi sa likod" kinindatan pa ako nito bago sila pumasok sa back seat.

Nagbuntong hininga ako bago buksan ang linto ng front seat at sumakay na. Naamoy ko na naman ang nakakahalinang amoy na iyon. Ganito ba talaga lahat ng amoy ng sasakyan niya? Naiiwan ang amoy niya?

Tahimik lang kaming bumyahe. Sila Irish at Levi lang ang maingay sa loob. Hindi ako makasabay sa kwentuhan nila dahil hindi naman ako makarelate sa pinag uusapan nila.

Many minutes later ay huminto kami sa isang parking space na napapalibutan ng nagtatayugang puno. It's so green here, and it feels so refreshing just by looking at it.

Dahan dahan naman akong bumaba, ramdam ko ang preskong hangin na dumadampi sa aking balat. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Maraming naka park na sasakyan at ilan doon ay ang ibat ibang klase ng motor at kotse.

Hmm tourist spot? I think. May isang malaking arko na may burdang 'Welcome to Kalibo falls' sa ilalim naman nito ang maliit na pathway bridge na may malinaw na tubig na umaagos sa ilalim nito. Sa dulo ay may isang maliit na reception area siguro.

"Tara Seirra baka wala na tayong ma pwestuhan dami palang tao ngayon"

Sumunod ako sakanila. Dumaan kami sa bridge kita ko kung gaano kalinaw ang tubig doon sa sobrang linaw ay kitang kita mo ang mga malalaki at maliit na bato sa ilalim ng tubig.

Ang ganda.

"Yes ma'am.." hindi ko na narinig ang usapan ng receptionist at ni Irish dahil occupied ng isip ko ang paligid.

Ang ganda dito. Sobra. Bakit ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito? Maririnig mo ang ibat ibang huni ng ibon. Rinig din mula dito ang lagaslas ng tubig na nag mumula sa falls. Pati ang mga sigaw ng mga taong tumatalon. Nakaka excite sa pakiramdam.

"Excited?" napalingon naman ako sa boses na iyon.

Dahil masaya ako ay nakangiti akong tumango dito. Kita ko naman itong ngumiti din at tumango.

"Tara cottage 15 daw tayo!"

Nag simula na kaming maglakad at may hagdan pa pala itong pababa para makapunta ka sa mismong falls. May railings nman ang hagdan bawat side kaya may kakapitan kami. Antatayog ng mga puno dito ay may mga baging pa kaya hindi kami nasisikatan ng init ng araw kundi preskong hangin ang aming nararamdaman.

Pagkarating sa aming destinasyon ay agad na bumungad saakin ang lawak na waterfalls. Ang linis ng tubig, it's crystal clear. May mga mumunting mist na nagmumula sa pag bagsak ng tubig na nagmumula sa falls.

"Ang ganda.." bulong ko habang nakangiti.

"Indeed" narinig kong sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sakanya. Nahuli ko itong nakatitig saakin habang nakangiti. Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay agad itong umiwas ng tingin.

What was that?

Maraming taong naliligo ngayon mapalalaki man o babae, matanda o bata. Summer ngayon kaya talagang dinarayo ang mga ganitong spot. Malapit naring matapos ang buwan isang linggo nalang kaya siguro sinusulit na nila ito dahil malapit lapit narin ang tag ulan.

Nakarating kami sa isang pang apatang cottage. Nilapag ko naman ang akin bag sa lamesa.

"Gusto mo bang mag picture muna o swimming na agad Erra?"

"Bibihis lang ako kayo ba?" tanong ko.

"Hindi na aalisin lang naman namin itong nakapatong ready na kami" ngayon ko lang napansin na parehas pala silang naka Collared pocket oversize shirt at short lang. Okay? Hindi naman halatang ready.

"Sige magbibihis lang ako, saan ba ang C.R dito?"

"Let's go" hinila na ako ni Zayden papunta kung saan ang cr.

Nakatitig ako sa kamay naming magkahawak. The familiar feeling strike me. Parang may kuryenteng lumalabas sa kamay nito papunta saakin. Argh this is frustrating.

Nang makarating sa C.R ay agad kong binitawan ang kamay nito bago nagmadaling pumasok. Nag suot ako ng Halter neck two piece may bilog itong balak na nagsisilbing lock ng bikini. May dala naman akong cloak na magsisilbing takip saakin bottom part.

Lumabas na ako nakita ko itong naka tayo doon at ready narin dahil napansin kong nakasuot ito ng black One piece suit with spagetti strap hindi masyadong expose hindi katulad ng akin.

"Tapos–" hindi natuloy ang dapat na sasabihin nito nang sinuyod nito ng kaniyang tingin ang kabuuan ko.

"What are you wearing?" I can sense her mad voice and aura dito sa pwesto ko. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil doon.

Island of Memories Where stories live. Discover now