Kabanata 2

12 3 3
                                    

Weastern High

TAHIMIK kaming kumakain ni mommy, mamaya pay binasag niya ang katahimikan na namamayani saaming dalawa.

"By the way Erra, tutal mag sstay ka na rin naman na dito bukas ay sasamahan ka ni mang roel papuntang weastern high. I decide to enroll you there tutal pasukan na next week" napatingin ako kay mommy dahil balak ko palang sana itong i-suggest sakanya, so hindi na pala ako mahihirapan dahil balak rin naman pala ito ng nanay ko.

Tanging tango lang ang naisagot ko. Wala narin naman akong magagawa, once my mom decide kailangan sundin mo dahil kung hindi baka bumuga na pa iyan ng apoy.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagtungo sa aking kwarto.

Nagtanggal ako ng aking damit dahil pakiramdam ko'y sobrang lagkit ko na, nang matanggal ko lahat ng bumabalot sa aking katawan ay dumiretso na ako sa loob ng bathroom.

Nagsimula na akong magbabad sa bathtub saka pumikit, naalimpungatan ako nang maramdamang may nag vibrate.

"Shit" mahinang usal ko nang bigla akong lumubog sa tubig, inuubo akong bumangon napasapo nalang ako sa aking noo nang marealize na naka idlip pala ako.

'i think sleeping at tub are not good idea' sabi ng isip ko.

Thanks to my vibrating phone, jusko I will not do it again.

Agad akong nag lagay ng roba, kinuha ko ang phone kong kanina pa nag vivibrate. Lumabas ako ng bathroom at dumiretso sa walk in closet.

Abala ako sa pagsuot ng aking bra ng biglang tumunog ng napakalakas itong cellphone ko. Napa irap ako ng makita kung sino ang caller.

Irish Calling

Agad ko namang itong sinagot, pinatong ko nalang sa stand space ng closet ko ito at pinagpatuloy ang naudlot kong paglalagay ng bra nakita kong gulat na gulat ang mukha ng bruha sa screen ng cellphone.

"What do you need?" napapairap na tanong ko, busy kasi ako sa bra kong hindi ko ma isuot. Napansin kong nasa sala ito at maririnig mo sa kabilang linya ang tunog na sigurado akong nanggagaling sa tv.

"Woi anong balak mo enrollment na pala bukas kanina ko lang nalaman" sabi nito nang makabawi sa pagkagulat, well normal lang sakin na may makakitang babae sa ganitong ayos ko. Wala namang masama we're both girls anyway and i'm straight asf no duh.

Nang tuluyan ko ng maayos itong pabebeng bra at nagsuot agad ako ng tshirt. Pagbaba ko nito ay siya ring pag tama ng aking mga mata sa screen ng aking cellphone, at halos lamunin ako ng lupa nang makita kong nasa tabi pala ngayon ni Irish ang kaniyang ate.

Hindi ko alam ngunit andun na naman ung abnormal na tibok ng puso ko. Napakabilis, jusko dai ano ba 'tong nararamdaman ko baka may sakit na talaga ako. Bigla akong tinamaan ng hiya nang marealize na nakatingin pala ito sakin, ibig sabihin nakita niya akong magsuot ng bra? Sobrang nakakahiya, halos mamula akong isiping baka nga nakita niya iyon. Napailing nalang ako nang mapagtanto kung anong pinag iisip ko.

'What's the matter Erra? Wala siyang pake kahit pa makita niya akong nakahubo dito pareho naman kaming babae' winaksi ko ang kaninang hiyang nararamdaman ko pagkuwan ay agad kong kinuha ang cellphone at naglakad na papalabas ng walk in closet.

"Woi babae ano, kanina pa ko dada nang dada dito nakikinig kaba?" tila naiiritang saad ni Irish sa kabilang linya.

Napatampal naman ako bigla sa aking noo, oo nga pala kausap ko pa ito. God bat ba kasi bigla nalang pumapasok sa isip ko yung babaeng iyon.

"A-ah yes, mom said i'll go to weastern tom. I'll go with manong roel gusto mong sumabay nalang sakin? I'll pick you up there if you want?" sunod sunod na sagot ko sakaniya gulat na naman ang rumehistro sa kanyang mukha.

Island of Memories Where stories live. Discover now