Kabanata 6

7 2 9
                                    

Coffee

UWIAN na, may plano kami ngayon ni Irish mag overnight sa bahay nila dahil malapit na ang quarterly exam. Mag rereview kami kung review ba talaga ang mangyayari, knowing her malamang sa malamang mas madami pa ang daldalan namin.

"Deretso kana ba sa bahay o uuwi ka muna sainyo?" tanong sakin ni Irish.

"Diretso na ako sainyo, nakapag paalam naman na ako kay mommy. Dala ko na rin naman ang gamit ko" tumango lang naman ito at nag simula ng maglakad.

Walang imik na sumunod ako sakanya, paglabas naman namin sa gate ay nag lingon lingon ito tila may hinahanap.

"Sino hinahanap mo?" nagtataka kong tanong.

"Sasakyan malamang, wag kang mag expect na may hihintong magarang sasakyan dito sa harap natin tulad ng sainyo" masungit na sabi nito, pag talaga nag susungit ito nagiging kamukha niya si Zay–what? Hmp wala!

After a minute, may tryc na huminto sa harap namin. Hindi naman na bago ito sakin dahil nakikita ko rin naman ito, pero never pa akong naka sakay.

"Hey jan talag tayo sasakay?" kinakabahang tanong ko.

"Oo, bakit may problema ba?" nakataas kilay na sagot nito sakin.

Umiling naman ako ng bahagya kahit kinakabhan, never my whole life na naka sakay ako sa ganitong sasakyan. Nauna na itong pumasok, at first nag dadalawang isip pa ako kung papasok or not. Kasi mukhang masikip sa loob at hindi ko sure kung safe ba sumakay sa ganitong sasakyan.

"Ano sasakay ka ba or maiiwan ka diyan?" natatawang tanong nito sakin.

Wala akong nagawa kundi sumakay na rin, even I felt uncomftable hinayaan ko nalang. Nang makarating sa tapat ng kanilang bahay ay tagaktak ang pawis akong lumabas, I felt so sticky.

"Manong bayad oh!" rinig kong sabi ni Irish bago bumaba.

"Mukha kang nakipag karera" tawa tawang sabi nito, inirapan ko lang.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila, bumungad samin ang tahimik nilang sala. Naupo na ako agad sa kanilang sofa dahil sa sobrang pagod.

"Diyan ka muna ha! Kung gusto mo akyat mo na sa kwarto ung gamit mo. Mag reready lang ako ng hapunan" tumango nalang ako rito dahil hindi na kaya ng mata ko, antok na antok narin ako dahil siguro sa nakakapagod na maghapon.

NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdamang naka tingin sa'kin, pag mulat ko ay hinahanap ko kung sino pero wala naman akong makita. Weird.

"Gising ka na pala, hindi na kita ginising kanina kasi parang ansarap ng tulog mo. Sakto naman kakain na anjan na din si ate, tara?" yaya ni Irish.

"Okay" tumayo narin ako at sumunod na sa kusina nila, mamaya ko nalang siguro aayusin ung gamit ko.

Pag dating sa hapag kainan ay andun na si ate Zayden, and as usual hindi na naman normal itong tibok ng puso ko. Sinawalang bahala ko nalang ito at umupo sa katapad niyang upuan.

Seryoso lang itong nag aayos ng mga gagamiting pangkain, tahimik lang kaming kumakain.

"Ate sama kami bukas" napatingin naman ako kay Irish dahil curious ako.

"Sure kaba? Mukhang hindi pa naman sanay sa ganon yang kasama mo" nakangising sabi ni ate Zayden bago bumaling ang kanyang tingin sa'kin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay, ano bang pinag uusapan nila?

"Erra mahilig kaba sa farms?" excited na tanong ni irish sakin.

"Uhm, I never been there but i'm familiar tho" tumango nama ito sakin "Why?" tanong ko pa.

"Pupunta kasi si ate bukas sa farm e, wala sila mama kaya siya itong pinapabisita nila" paliwanag nito sa'kin.

"Oh okay , I wanna try it then" nakangiti kong sabi.

Tumikhim naman ang katapat ko kaya napabaling ako sakanya, nahuli ko naman itong nakatitig saakin ngunit umiwas din naman agad. Hilig talaga nito tumitig.

Natapos kaming kumain, syempre hindi na naman ako hinayaan mag hugas ni Irish. Kaya ito ako nasa sala nireready lahat ng gagamiting reviewer para mamaya.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si irish at nagsimula na kaming mag review, ilang oras din ang naka lipas at 11:45 na ng gabi.

"Argh matatapos na din, may gusto ka pa bang gawin after nito?" napatingin naman ako dito habang nag iisip.

"Movie marathon?" nakangising tanong ko, ngumiti rin naman ito at tumango.

"Sige, sandali maliligo lang ako. Feeling ko ambaho ko na e" inamoy amoy pa nito ang sarili para makasigurado kung totoo ba.

"Kaya pala I smell something kanina pa!" pabiro kong sabi.

Hinampas naman agad ako nito, "Gaga, diyan ka na nga muna tapusin mo na 'yan para maka nood tayo!" pairap nitong sabi bago tumayo.

Humihikab akong nag uunderline sa notes na hawak ko nang biglang may nag lapag ng mabangong kape sa tabi ng notes ko.

"Coffee?" tinignan ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Halos kapusin ako ng hininga dahil sa lapit ng mukha namin sa isat isa, nakatitig lang kami pareho sa isat isa. Hinihiling ko na sana hindi niya rinig itong lakas ng tibok ng puso ko, gosh ano ba ito. Ilang minuto pa ay umatras din naman ito, nakahinga ako ng maluwag.

What the heck was that? Sigaw ng isip ko.

"Mukha ka kasing antok na" sabi nito bago humigop sa kanyang baso, prento ng nakaupo ito sa sofa tila walang nangyari.

"T-thanks!" nauutal kong sagot, hindi parin ako nakaka recover sa nangyari kanina.

Ramdam ko parin ang lapit ng mukha namin sa isat isa, namumula akong napailing at nag focus nalang sa ginagawa. Pero kahit anong focus ko ay na didistract ako, knowing na nasa malapit ko lang siya at naka tingin. Sa inis ko ay hinigot ko ang kapeng para sa'kin, sa tanga ko ba naman ay sobrang init pala nito kaya napaso ang labi ko.

"Ouch" singhal ko.

"Stupid" rinig kong sabi ng katabi ko, sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Malay ko bang sobrang init pala niyan, duh!" bira ko.

"Malamang kape yan" tinaasan ako nito ng kilay bago lumapit saakin. "Tingin nga!"

Pag lapit niya ay na statwa naman ako ng hawakan ako nito sa baba para tignan ang napasong labi ko, tila may kuryenteng bumalot sa buo kong katawan pag dampi ng kamay nito sa aking balat.

Hindi ko alam pero parang may kung anong humatak saakin para titigan siya sa magaganda niyang mga mata, I felt so lost whenever I stare those orbs. Nakakalusaw, nakaka wala ng ulirat para kang dinadala sa sarili niyang mundo. Hindi ko namalayang pareho na pala kaming nakatitig sa isat isa, napababa naman ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.

'Ano kayang pakiramdam mahalikan ang mga labing yan?' Tanong ng isip ko.

Huh? Parehas kaming napa iwas ng tingin sa isa't isa nang may marinig na kalabog sa taas kasabay ng boses ni Irish. Humiwalay na ito sakin habang ako ay humarap sa mga notes na nasa harap ko. Napatitig ako sa kapeng punot dulo ng lahat ng iyon.

"Uy ate andito ka pala, anyare sa 'yo namumula ka?" rinig kong tanong ni irish pag baba niya.

Namumula siya? Hindi ko magawang bumaling sakanila dahil kahit ako ay ramdam na ramdam ang pag iinit ng aking pisngi.

Parehas ba kaming affected sa nangyari kanina? What was that? Ano bang nangyayari sa'kin, kasalanan talaga to ng kapeng iyon. Napahawak naman ako sa labi ko at ngayon ko lang naramdaman kung gaano ito kahapdi.

'Landi kasi' Sigaw ng isip ko.

***
a/n: exam week, ang sabaw ng utak ko ngayon.

Island of Memories Where stories live. Discover now