Kabanata 3

13 3 6
                                    

Juice

I'm silently cursing while walking at the corridor, sino ba naman kasing matinong taong papasok ng late sa first day? Napapayuko nalang ako habang naglalakad papuntang room.

Tumigil ako sa pang huling silid, hindi ko maiwasang kabahan dahil ramdam ko ang bawat matang naka masid sakin sa loob ng kwartong papasukan ko dahil sa open ang bintana ng room. I took a deep breath before entering this good damn room.

"Ahem? Excuse me ma'am is this Grade 10-Rizal?" tanong ko sa babaeng nasa harap, siguro ito ang magiging adviser namin sa buong taon.

"Yes, how may I help you?" nakangiti namang tugon nito sa'kin, nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ito makikitaan ng galit.

"Ah yes ma'am dito daw po ako sabi ng dean"
" tumango naman ito sa'kin, sinabi naman nitong humanap nalang ako ng mauupuan habang nililibot ko ng tingin ang bawat kaklase kong naka upo sakani-kanilang upuan.

Nahinto ako ng tingin kay Irish na ngayon ay kumakaway na sa'kin, napagpasiyahan ko nalang na dumiretso sa kaniyang pwesto at mabilis na umupo.

"Sobrang aga mo talaga kahit kailan" pang aasar nito sa'kin ng maka upo ako, inirapan ko nalang ito.

"Duh anong oras na kasi ako natapos kagabi sa ginagawa ko kaya late akong nagising kanina" paliwanag ko rito, marami pa siyang sinabi sa'kin nalaman kong hindi pa naman nagsisimula dahil may mga wala pa kaming kaklase kaya naka hinga naman ako ng maluwag.

Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang iba, pagtingin ko sa aking relos saktong 7:45 na at nagsisimula na ang klase.

Dahil unang araw palang naman daw ay orientation palang ang mangyayari, introducing muna daw. Jusko ano pa bang aasahan mo sa first day.

"So tutal andito na ang lahat, one of you will go here in front to introduce your selfs got it?" sumagot naman kaming lahat sa teacher namin sa harap.

"Goodmorning class, My name is Aubrey Torres 23 years old if you're asking me if i'm single? Yes, i'm your adviser for the whole year" napatitig ako sa mukha ni ms.Torres, she have a beautiful face. I think she's 5'6 or 5'7, and her porcelian skin that makes her more attractive. Her body that perfectly fit on her blouse and pencil skirt.

'Pwede na?'

What? Anong pwede na oh god Erra she's your adviser for gooddamn sake. Winalis ko sa aking isipan ang kaninang iniisip ko. Sa sobrang tagal kong nakatingin sa teacher namin sa harap, hindi ko namalayang tapos na pala iyong katabi ko kaya ako na ang sunod.

Nilakasan ko ang aking loob, tumingin muna ako kay Irish na ngayon ay tawang tawa sa'kin. Inirapan ko muna ito bago maglakad papuntang harapan, nakita ko naman kung pano ako sundan ng tingin ng aking mga kaklase. Geez, nang makarating ako sa harapan ay agad akong huminga ng malalim bago mag angat ng tingin sakanilang lahat. Ngumiti pa muna ako bago magsalita.

"Morning, Sierra Escudero. 17, nice meeting you all" namamangha naman silang nakatingin sa'kin, alam ko namang kung bakit ganoon nalang ang kanilang reaksyon.

Escudero are quitely famous all over the world because of their business, dumiretso na ako sa aking upuan.

"Wala pa ngang kalahating araw dami mo nang nahakot na fan" natawa naman ako sa sinabi ni Irish.

"Baka si Sierra ito" sabay kindat ko sakaniya, natawa nalang ito sa ginawa ko habang iiling iling.

"Nga pala, why you always don't put your second name? Nagtataka lang ako, maganda naman ang renee ah?" napangiwi ako sa sinabi nito, well piling tao lang ang tumatawag sakin noon. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi lang talaga ako sanay na may ibang tumatawag sakin nito.

Island of Memories Where stories live. Discover now