Sungit
It's been a week since that encounter, akala ko ay masusundan pa iyong alaalang iyon pero wala na. Pilit kong inaalala ang lahat pero i ended up hurting my own head.
Buong week ay andito lang ako sa bahay dahil wala akong gana lumabas. Niyayaya naman ako ni mommy pero hindi ko alam sa sarili ko at bakit hindi ko magawang lumabas. Mybe later.
Pababa ako ng hagdan upang pumunta sa dinning hall nang makarating ay andoon sila mommy at daddy. Nagtaka naman ako dahil hindi lang sila ang naroon, andoon din si Zayden tila ako nalang talaga ang hinihintay nila para makapag simula silang kumain.
"Oh andito na pala ang prinsesa ko e" ngiting ngiting bati ni daddy.
Nakasimangot ko naman itong nilapitan namumula rin ang magkabilang pisngi ko.
"Dad naman e!" reklamo ko bago ito hinalikan sa pisngi.
Nakarinig naman ako ng malambing na tawa kaya napabaling ako dito. Tinaasan ko naman ito ng kilay kaya napaiwas ito ng tingin saakin. Tsk!
Nilapitan ko rin si mommy at hinalikan sa pisngi, "Morning my" bati ko.
"Morning too young lady, hala sige maupo kana at ng makakain na tayo!"
Nang makaupo ay nag umpisa na kaming kumain, tahimik lang ako habang nakikinig sakanila. Nalaman kong kaya andito si Zayden ay may pag uusapan sila about sa Hotel and Resort. I eexpand daw nila ang hotels dito dahil malapit na ang summer mejo nagkaka short ng mga hotel rooms dahil sobrang dami daw ang nag checheck in lately.
"Anak do you wanna come with us later? Para naman ma tour ka and familiar kana sa hotel"
Tinanguan ko si mommy. Nakita ko namang nakatitig saakin ang katapat ko, tinaasan ko ito ng kilay. Hindi rin nagpatalo ang gaga nakipag titigan rin. Nag iwas lang ito nang tanungin siya ni daddy.
"Zayden hija, ilang taon ka na nga?"
Kunwareng walang pake akong nag hihiwa ng pagkain ko pero all ears akong nakikinig sakanila. Hindi ako chismossa ha! Curious lang? Lol.
"I'm turning 26 tito" seryosong sagot nito.
"Hindi pala kayo nalalayo ng edad ng unica hija ko e, so do you have someone you know boyfriend perhaps?" doon tuluyang bakuha ang atensyon ko.
Hindi ko alam biglang bumabog ang puso ko, bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan at inaabangan ang isasagot nito.
Narinig ko naman ang malambing nitong tawa napansin ko pang sumulyap ito saakin bago kay daddy. Hindi naman napansin ito nila daddy dahil mabilis lang. Nakakainis itong puso ko ano bang nangyayari dito!
"Wala tito" tipid na sagot nito.
"Abay bakit wala pa? Hindi na bumabata ang papa mo hija nagrereklamo na nga ito at baka mamatay naraw siya ay hindi pa nakakaranas ng apo sainyong dalawa ng kapatid mo" halakhalak ng daddy ko.
"I'm still waiting for someone e tito" sumulyap naman ito saakin na ipinagtaka ko.
Agad naman itong bumaling sa kinakain niya.
"Oh I see! Sino bang maswerteng lalaki iyan, alam na ba ito nila?" tila kuryosong tanong ni daddy.
She just shrugged her shoulder and just smile a little.
Natapos ang breakfast namin na sila lang ang nag kwekwentuhan, puro business lang ang pinag uusapan ng mga ito kaya hindi ako naimik minsan ay kinakusap ako pero tipid lang naman akong sasagot para hindi mabaling saakin ang usapan.
Nagpaalam naman muna akong magbibihis, nakabihis naman na silang lahat ako nalang ang hindi ready dahil hindi naman ako aware.
After a long time taking a bath natapos din ako. Naka suot ako ngayon ng Strapless backless crop black tops with my High slit denim skirt below the knee nag Square toe crisscross straps flat sandals nalang din ako dahil nakakangalay mag heels kagabi. Ang simple lang ng suot ko pero ang lakas ng dating.
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...