Kabanata 13

4 1 4
                                    

Date?

Naninibago ako lately dahil sa pagiging extra closeness ni Zayden towards me, the last time I know hindi kami close? Well paano ba naman after that encounter on my room she even follows me on my ig account.

Then chatting me randomly, hindi ko naman maikakailang gusto ko ang namamagitang closeness saming dalawa ngayon. It feels so unreal though.

Ting*

I recieved a message from her.

zc.altmrn
-Hey! Let's go somewher later(:

Napangiti naman ako sa nabasa, simple actions from her makes my heart flutter.

reneescdy
ayoko nga-

Kita ko ang tatlong dot na kanina pa nag popop, tawang tawa naman ako sa isip ko. I was just joking maya maya pa ay biglang lumitaw ang kaniyang pangalan sa screen ng phone ko.

Z.Altamirano's Calling

She's calling. Hindi ko alam gagawin kung sasagutin ba or hindi, ngayon lang ito tumawag saakin. Huminga ako ng malalim bago ito sagutin, and worst face time pa ito.

Muntik na akong matawa dahil bumungad saakin ang kaniyang mukhang hindi maipinta, kunot na kunot ang noo.

"Bakit?" patay malisyang tanong ko rito.

"Anong ayaw mo?" nakataas kilay nitong bira.

"Ayaw ko" hindi naman ako nagpatalo at tinaasan din ito ng kilay.

"Sinong gusto mo? That Luis?"

Halos matawa ako nang hindi na talaga maipinta ang kaniyang mukha.

"What if oo? Bakit-" hindi ko naituloy ang sasabihin nang patayin nito ang tawag.

At dahil doon ay lumabas ang tawang kanina ko pa pinipigilan, pikon pala ito e. I decide to call her again, ilang ring pa ay sumagot din naman ito.

"Biro lang ito naman" natatawang bungad ko rito.

Inirapan naman ako nito. Nag usap lang naman kami hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag kagising ko ay andoon pa rin ang face time mybe hindi niya pinatay good thing is naka charge itong phone ko.

Hindi ko naman ito makita sa screen maya maya pa ay bumungad saakin ang maganda niyang mukha with her clean uniform. Confident naman akong maayos ang mukha ko kahit bagong gising, nginitian ko ito at ganon din siya saakin. With that simple interactions ay kinikilig na ako ng sobra.

"Morning, hindi ka pa ba mag reready? Mag 8 na"

Halos mataranta ako dahil tama nga ito malapit na ngang mag 8, 8:30 ang unang subject ko.

"Oh shocks oo nga, later nalang see you bye"

"Hmm sge, bye see you later" paalam nito bago pinatay ang tawag.

Halos minadali ko nalang ang pag ligo dahil malalate na talaga ako ng sobra, kasalanan ito ni Zayden e until 12 am ba naman kami nag usap nakatulugan ko na ito dahil sa sobrang antok hindi naman ako sanay sa puyatan.

Ginusto ko rin naman kaya hindi ako makareklamo, haix.

Hindi na ako nag tagal pa sa cr, nang makapag bihis ay dumiretso agad ako sa kotse nakita ko rin naman ng naka abang si manong Roel. As I get in the car I fix my self because I don't wanna look like shit goin' to school.

Island of Memories Where stories live. Discover now