Awesome
Days passed, pero hindi ko parin makalimutan ang nangyari noong nakaraang sabado, halos hindi ako pinatulog kakaisip sa nangyaring iyon. Monday, ngayon ang performance namin para sa subject na Comtempo. Take note sa social hall pa gaganapin, ngayon palang kinakabahan na ako.
"Ready?" tanong sakin ni Irish na tinanguan ko lang naman.
Kami na kasi ang susunod na mag peperform kaya hindi ko maiwasang kabahan, huminga muna ako ng malalim bago tumayo dahil tinatawag na kami sa harap.
Nasa stage na kami, naka set up narin ang guitara kahit ang mic stand sa center ng stage, I compose my self before getting the guitar. Rinig ko naman ang hiyawan ng mga estudyanteng nanonood saamin ngayon dito, pumukit muna ako, sa hindi inaasahan pag mulat ng mata ko ay nahagip ko ang kaniyang seryosong mga mata. Nakatitig lang ito sakin, nag simula na akong mag strum unang kakanta si Irish bago ako.
"Ako'y natutulala araw-araw nakikita
Hindi alam ako'y nakamasid
Hindi mo lang ako napapansin"Biglang tumibok itong mahadera kong puso, ayan na naman. Palagi nalang, ano bang mayroon?
"Hanggang tingin na lang ba sa'yo
'Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa
Kaso medyo nahihiya"Hindi ko alam pero parang biglang nag flash sa isip ko ang nangyari that night. The memories of that night is still fresh in my mind, how can she do this things to me? How can she envade my mind by just doing that.
"Hindi ko masabi ang gusto aminin ang hirap sabihin na (oh)"
Ang hirap sabihin na hindi ako affected sa nangyari noong gabing iyon, I always think of it. Kahit sa pag tulog ko ay napapanaginipan ko ito, ang kaniyang magagandang mga mata, angh kaniyang mapupulang labi, hindi ko na maintindihan ang mararamdaman ko. Bakit ganito?
"Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba 'wag nang pahirapan pa andito na"Nag hiyawan na naman ulit sila nang ako na ang kumanta, maganda din naman talaga ang boses ko kahit papaano. Hinanap ko ulit siya, hindi naman ako nahirapan dahil andoon parin ito sa kaniyang kinatatayoan kanina. Inirapan ko ito dahil naiirita ako sa mga tinging binibigay niya, bigla nalang kasing bumibilis na naman itong abnormal kong puso.
"Totoo na nga ba 'to medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala simula palang nung una andito na
Ang hirap din patagalin kasi marami nakakapansin
Lahat nabibighani hindi ko naman masisi
Hindi ko masabi ang gusto aminin ang hirap sabihin na"Hindi ko alam pero tuwing napapa tingin ako sakanya ay hindi na ako makaiwas, parang meron siyang spell na pag tumingin ka hindi kana makakaiwas pa. What spell did she use on me?
"Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw 'pag tayo na lang dalawa
Hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba 'wag nang pahirapan pa andito na."Natapos ang kanta ng hindi ko namamalayan, napakurap kurap ako nang bahagya. Nagpalakpakan naman silang lahat kaya napa ngiti nalang ako bago bumaba ng stage, sa sobrang hiya ay nag deretso nalang ako sa cr.
Naghuhugas ako ng kamay nang may maramdamang tao sa likod ko, sa amoy palang nito ay kilala ko na agad.
"You did a great job a while ago." I heard her said.
Napalingon naman ako sakaniya, naka crossed arms ito at nakasandal sa isa sa mga pinto ng cubicle.
"Am I?" tanong ko.
Nag lakad naman ito palapit saakin kaya hindi ko na naman maiwasang kabahan, malapit na naman ito saakin.
"What do you think, hmm?" ang intense niya tumingin, nakakapanghina.
"A-Ah, I think so?" nauutal kong sagot, shet bakit ba ganito nalang ako tuwing malapit ito sakin.
Nakatitig lang naman ito saakin, tila sinururi lahat ng ditalye saaking mukha. Tinaasan ko naman siya ng kilay ano na naman bang problema nito sakin.
"Wht you did earlier was awesome, and I hate it." Bulong nito bago umatras na.
May binulong pa ito bago naglakad na patalikod, huh? Anong sabi niya, awesome? Naramdaman ko naman ang init saking pisngi, am I blushing? The hell no!
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...