Kabanata 31

10 2 0
                                    

Comeback

3 days ago was so full of blast. I asked for her some space, and she gives me that. Everyday she's giving me a bouquet of flower having a note that she's saying sorry and how she loved me.

Napatawad ko naman na ito, and my mind is clear now. Wala naman na akong magagawa kasi nangyari naman na iyon, kung mag papatuloy ako sa galit ko ay hindi ako makakausad. So I let it go all.

Ngayon ay birthday niya nalaman ko ito sa post ni Irish sa IG. Wala akong maisip na iregalo sakaniya dahil pakiramdam ko naman ay nasakaniya na ang lahat. At tutal naman ay mahal namin ang isat isa ay balak kong sagutin na ito dahil anong sense kung papatagalin pa namin diba? Nagsayang na kami ng anim na taon at hindi ako papayag na mag sasayang pa ulit kami ng mahabang panahon.

"Hi nay Pasing" bati ko sa matandang babaeng sumalubong saakin.

Andito ako sa isang maliit na village dito sa baryong pinagpapatayuan ng isang maliit na community center na project pala nila mommy. Nalaman ko ito kahapon lang dahil pumunta ako sa resort para sana puntahan at kausapin si Zayden ngunit wala daw ito at pumunta dito sa baryo para bisitahin ang site ng construction ng center.

"Ready na ang pinahanda mo iha ikaw nalang ang inaantay namin" matamis itong nakangiti saakin ngayon.

Masayang sumunod ako sakaniya upang tignan ang pina ready ko. Nadadaanan namin ang mga kabahayang gawa sa nipa. Napapalibutan ang mga kabahayan ng nagtataasang mga puno ng narra kaya hindi mainit dito at preskong hangin ang malalanghap mo. Sobrang sarap tumira sa ganitong lugar. Less pollution.

"Ayos na ba ang mga ito Seirra?"

Maraming nakahandang pagkain ang narito, at mga paburitong pagkain ni Zayden iyon. Niyakap ko naman si nanay Pasing at pinasalamatan.

"Salamat nay"

"Walang anuman basta para sainyo gagawin namin ang lahat ng iyong ipag uutos"

Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang sasakyan ni Zayden na huminto. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Lumabas na ito kasabay nito ang pagbukas ng front seat nawala naman ang ngiting nakapaskil sa aking labi nang makilala ang kasama nito. Lara.

Nagtatawanan silang dalawa papunta dito sa pwesto namin hindi pa siguro nila ako nakikita. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking dibdib. Akala ko ba? Tumalikod na ako humarap kay nanay Pasing.

"Mauuna na ho ako nay" malungkot ko itong nginitian at kinuha ang bag na nakalapag sa kawayang upuan.

"Ha? e paano itong hinanda namin? Oh andiyan na pala si Zayden.. Lara iha kasama mo pala si Zayden"

Napapikit ako bago nagbuntong hininga bago humarap sakanila. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Zayden ng makita ako. Gulat din si Lara nang tignan ko ito. Nginitian ko sila ng tipid dahil may namumuong sakit na naman sa dibdib ko. Akala ko ba walang something sakanila? Bakit sila magkasama?

"Nay sige ho una na po ako"

Umamba akong maglalakad na paalis. Narinig ko pang naghihisterikal si nanay Pasing doon at sinasabihan si Zayden na pigilan ako pero hindi ko na ito pinansin pa dahil naninikip na ang dibdib ko at nagbabadya narin ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

This must be special day but why do the world always ruining it. Damn it.

Papasok na sana ako sa sasakyan ko nang may humila sa aking braso.

"W-what now?" nanginig kong tanong at tinignan ito.

Kita ko naman ang nag aalalang mga mata nito.

"Are you okay? I'm sorry I didn't know you're here" sabi nito at pupunasan na sana ang luhang dumaloy sa aking pisngi nang tabigin ko ang kaniyang kamay.

Island of Memories Where stories live. Discover now