Kabanata 11

7 1 3
                                    

Mix

I breath deeply before fixing my posture.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng cr, lalabas narin sana ako nang may humigit sa kanang braso ko. Gulat akong bumagsak sa dibdib nito dahilan upang maamoy ko ang kaniyang pabango.

"Tsk" rinig kong asik nito.

"Ano ba! Bakit ka ba nanghihila?" galit na tanong ko rito.

Winaksi ko naman ang kaniyang kamay na naka hawak pa rin saking braso, sinamaan ko ito ng tingin. Hindi naman ito nag pasindak at lumapit pa ito saakin, atras lang naman ako nang atras naramdaman ko na rin ang lamis ng sink sa aking pwetan.

"You know what" seryoso itong nakatitig sa'kin, titig na titig.

"W-what?" kinakabahang tanong ko, nakita ko naman ang kaniyang ngisi sa labi.

"I told you to get rid of him right?" may gumuhit na galit sa kaniyang mata, pero agad din naman itong nawala.

"Ako ba ang lumapit sakaniya?"

Tinatatagan ko ang loob ko, kahit kabaliktaran nito ang nararamdaman ko ngayon.

"I hate seeing you together" seryosong seryoso nitong sabi, iniwas ko ang aking tingin dito.

"Kala mo naman natutuwa akong kasama mo ung babaeng iyon" bulong ko.

"What?"

"Wala! Alis nga diyan lalabas na ako" tinulak ko ito pero wrong move dahil nahuli nito ang pareho kong kamay.

The next thing she do is shock me, she pinned me behind the cr door. The next thing I know she's kissing me hard, again.

Pumalag ako ngunit sa huli ay sumuko rin, and there we shared a passionate kiss. Hinihingal kaming pareho nang matapos ang halikang iyon, ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon.

Titig na titig lang kami pareho sa isa't isa, walang umiimik hindi ma-process ng utak ko ang lahat ng nangyayari.

May sasabihin pa sana ito ngunit tumalikod na ako at dali daling lumabas ng pinto, what the ef? What was that again Sierra! Ramdam ko ang init ng buong mukha ko. Argh kainis!

"Oh bakit namumula ka Erra?" takang tanong ni Irish nang makarating ako sa pwesto namin.

"Mainit" nakatingin silang lahat saakin, nag mamasid.

Nag kwentuhan lang naman ulit sila, ilang minuto rin ay dumating siya na parang walang nangyari. Napairap naman ako sa aking isip, ano pa bang aasahan ko? Kainis.

After kumain ay napag desisyonan nilang manood ng cine, sumunod nalang ako kasi itong si Irish ay busy makipag kwentuhan kila Gio at Brent.

Sa tabi ko naman ay si Luis na hindi ko maintindihan ang dinadaldal dahil busy akong pasulyap sulyap sa bwesit na zayden. Napairap naman ako nang makitang ngiting ngiti ito dahil sa pinag uusapan nila ng bwesit na larang parrot.

"Hey are you okay?"

"H-ha? Yeah ano nga ulit iyon" nakonsenya naman ako.

"As i was saying, are you free next saturday?" nakangiti nitong tanong.

Napaisip naman ako, wala pa naman akong schedule for that time.

"Hmm i don't know, but let's see" sinuklian ko rin naman ito ng matamis na ngiti.

Yes, dapat dito ako kay Luis mag focus hindi sa babaeng iyon!

"Okay, do you have social media account? You know for communication purpose?" napahimas ito sa batok.

Nagpalitan naman kami ng fb accounts, after that ay nag usap lang kami ng kung ano ano natatawa tawa pa kami dahil kwento lang siya nang kwento. Ramdam kong may nakatingin saakin at kilala ko na kung sino ito, hindi ko ito nilingon kahit pa na tetemp ako. Bahala siya diyan.

Nakarating kami sa cinehan, nag presinta naman si Luis na siya na ang mag bayad sa ticket ko nung una ay ayoko dahil may pera naman akong dala pero dahil makulit ito ay wala na akong nagawa kundi pumayag nalang. Napili namin ay horror, hindi naman ako matatakutin pero syempre hindi maiiwasan sa nakakagulat talagang part ay mapapasigaw ka.

Nang matapos silang mag bayad ng ticket ay pumasok na rin kami sa loob ng cinehan, any minute ay mag sisimula na rin kasi ito. At sa kamalas malasan pa ay magkatabi kami ni ate Zayden, okay wag mo nalang silang papansinin Sierra! Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Nagsimula na rin ang palabas at nakaupo na kami sa mga upuan namin, sobrang dilim na at ang tanging nagsisilbing liwanag nalang ay ang dim na ilaw sa screen.

"If you want some popcorn kuha ka lang ha" nilingon ko ito at tinanguan.

Nag focus nalang ulit ako sa pinapanood kahit na didistract ako dahil naririnig ko ang nakakairitang boses ni larang parrot dahil sa part na sumulpot ang multo.

"Oh my!"

Hindi ko na napigilan ang sariling mapalingon sakanilang dalawa, nag salubong naman agad ang mga kilay ko nang makitang naka kapit ito sa braso ni ate Zayden habang nakasubsub ang mukha sa dibdib nito.

"Hey wala na" atatawang sabi naman ng isa.

Napairap naman ako at iniwas ang tingin sakanila. Lalandi! Masama ang tinging binalingan ko ang screen para manood ulit hindi inaasahang biglang pagsulpot ulit ng multo kaya halos kapusin ako ng hininga.

"Shit" mariing bulong ko, rinig ko naman ang tawa ng katabi ko.

"I thought hindi ka takot?" nang aasar na tanong ni Luis saakin.

Inirapan ko ito, "Nagulat lang ako" he just shrugged and focus again on the screen.

Ilang minuto pa ay may naramdaman akong mainit na kamay na humawak sa kaliwang kamay ko, napabaling naman ako sa nagmamayari nito. Nahuli ko itong nakatingin saakin ng seryoso, aalisin ko na sana ang pagkakahawak nito pero mas hinigpitan pa niya lalo.

She averted her eyes and just look in front, I felt how she squeezed my hand while she's rubbing her thumb on my hand. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, at isa na doon ang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. The way how she caress her thumb makes my nerves calm, sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko ngayon. Her silent moves makes my heart beat fast.

I felt her stare again, binalingan ko rin ito. Ilang minuto pa kaming magkatitigan tila may sariling mundo, kita ko ngayon ang kaniyang maganda mukha.

Nagulat ako nang unti-unting sumilay sa kaniyang mga labi ang matamis na ngiti, hindi nakakakolo. At heto na naman ang nagkakarerahang puso ko sa sobrang bilis nito, hindi ko alam ang gagawin kaya napaiwas ako ng tingin.

Many mix emotions i'm feeling right now.

Island of Memories Where stories live. Discover now