Kabanata 9

6 1 0
                                    

Confused

Ilang araw na rin ang lumipas, pero sobrang sariwa parin saakin kung anong nangyari sa kubong iyon. Halos mag histerikal naman si Irish nang maka kabalik kami sa barn house, grabe daw ang pag aalala nito at na-iintindihan ko naman iyon.

My heart skip a bit when I remember how she said those words, hindi ko pa rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng sakit. Gusto ko na ba siya? No. Kapatid siya ng bestfriend ko and we're both girls, I'm straight no.

'Totoo ba? Hindi ba talaga?' The other part of my brain mock.

Argh kainis, hindi ko alam bakit sobrang affected ako sa halikan at sinabi niyang iyon. Nakakainis ka talaga kahit kailan Zayden.

"Hoy tara sa quadrangle tambay, wala daw tayong klase"

Lumingon nqman ako kay Irish, napabuntong hininga naman ako bago tumayo.

"Lalim nun ah, what's the matter?" kuryosong tanong nito sakin habang naglalakad kami palabas ng room.

Should I tell her? No, ayoko nalilito lang siguro ako kainis naman. Umiling ako sakanya at nagpatuloy nalang ng lakad, ramdam ko naman ang tingin nito sakin pero hinayaan oo nalang siya.

Soon, pag sigurado na ako kung ano itong nararamdaman ko I'll tell her. But now hindi ko pa alam.

Muntik na akong madapa nang may tumamang matigas na bagay sa likod ko. Sobrang sama ng tinging binalingan ko kung saan iyon nanggaling.

"Hala pasensya na Sierra hindi namin kayo napansin, ayos ka lang ba?" nag aalalang mukha ni Luis ang bumungad saakin.

Parang bulang nawala agad ang inis na nararamdaman ko, napangiti naman ako dito.

"Oo ayos lang ako ano ka ba" nakangiting sabi ko.

Shit dapat dito ako nag fofocus e, ampogi naman talaga niya lalo na't naka suot ito ngayon ng jersey na siguro'y uniform nila. Pinulot ko naman ang bolang tumama sa'kin at agad itong binigay sakanya.

"Here, hinihintay ka na ng mga kasama mo"

Napakamot naman ito sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti, "Ah sige, pasensya kana ulit ha hayaan mo bawi ako sa'yo" nakangiti nitong paala bago kumaway at nagsimula ng tumakbo pabalik sa kanilang pwesto.

"Ay ang landi" tinabig pa ako ni Irish na nakangiting nang-aasar. Sarap burahin e.

"Tse tara na nga" umirap pa ako dito, tumawa lang naman ito.

Busy kaming nag kwekwentuhan ni Irish nang biglang may magbabarkadang umupo sa harap naming bench. Finding out it's her and her friends. Andito na naman ung tibok ng puso ko, napabuntong hininga ako umiwas nalang ng tingin.

"Uy Zayden, it's that your sister?" napakunot naman ang aking noo dahil sa narinig.

"Hi Irish!" I heard another voice again.

Nagkunwaring busy naman ako sa pag sscroll sa aking phone, hindi ko namalayang nakaupo na silang lahat sa bench kung saan kami naka upo.

"Hi ate Lara" masayang bati nitong katabi ko, halos sabunutan ko na ito dahil hinayaan niya lang maka upo sila dito. Amp.

"Sino yang katabi mo?" rinig kong tanong ng boses ng isang lalaki.

"Oh, by the way this is my bestfriend Sierra" napilitan naman akong inangat ang aking mukha, nginitian ko silang lahat ng peke.

"Hi I'm Brent" nilahad naman ng isang mistisong lalaki ang kanyang kamay.

Tinanggap ko naman ito, halos ayaw pa nitong tanggalin ang kanyang kamay buti nalang at tinapik siya ng katabing lalaki. Pinamulahan naman ito ng mukha, halos matawa ako.

"I'm Gio" nginitian naman ako nito ng tipid, tumango lang ako.

"Hii I'm Lara" hindi ko alam pero hindi ko gusto ang awra niya pero nginitian ko nalang din ito ng tipid.

Pagkatapos nilang magpakilala ay nag usap usap lang sila, napag alaman ko rin na magkakaibigan pala sila ng mga naabutan namin sa bahay nila Irish before.

"Zay, are you free on satuday?" rinig ko ang malambing na boses ni Lara.

Napakunot naman ang noo ko ng wala sa oras, bigla akong nainis na hindi ko malaman ang dahilan.

"I'll check my schedule, why?"

"Gusto sana kitang yayain mag mall sa kabilang bayan, may nakita kasi ako before na kaka release lng na book ng favorite author ko"

"Hmm let's see" seryosong sagot nito.

Let's see, let's see my ass. Letse kamo!

Kainis! Argh bat ba ako naiinis? Landi kasi nila bat ba sila sa harap ko pa mag lalandian? Wait, naglalandian ba sila?

"Hey are you okay? Baka masira yang phone mo kawawa naman"

Napatingin naman ako sa phone ko, sobrang higpit nga talaga ng hawak ko dito. Kainis kasi itong mga nasa harap ko!

"Yeah i'm okay may nakita lang akong post, nakakairita e" sarkastikong sabi ko.

Binalingan ko naman ang nasa harap ko nakatingin rin pala ito saakin. Inirapan ko ito bago lumingon sa ibang dereksyon.

"Hey guys andito pa pala kayo sakto" indi ko namalayang nasa harap na pala namin si kuya Luis.

"Tapos na ang practice bro?" kuya Gio asked.

"Oo kakatapos lang" sagot nito "Oh hi again Sierra, I'm so sorry talaga kanina" apologetic naman nitong sabi.

Nginitian ko naman ito ng matamis, "Ano kaba kuya Luis, okay lang iyon I know accident lang naman iyon" paliwanag ko.

"Drop that kuya, just call me Luis isang taon lang naman gap nating dalawa" natatawang sagot nito bago umupo sa tabi ko dahil doon nalang ang bakanteng upuan.

Amoy na amoy ko naman ng manly scent nito, itong katabi ko ay parang bulateng kinikilig jusko.

Ramdam kong may nakatingin saakin kaya hinanap ko kung saan iyon nanggagaling. Finding it's her, she's staring at me blankly but when you stared deeply you can see the madness in there. What's her problem now?

I avert my eyes from her dahil hindi ko na kaya ang tinging binibigay nito sa'kin, napabaling naman ako sa braso nitong may kamay na nakakapit.

Napakunot na naman ang aking noo, pag tingin ko kung kaninong kamay iyon syempre kanino pa ba? Edi sa bwesit na katabi niyang mukhang parrot na si lara. Nakaka inis, nakaka bwesit hindi sila bagay.

'So sinong bagay sakanya, ikaw?' Tanong ng isip ko. Hmp!

Sinamaan ko naman ng tingin ang kamay na iyon, hindi naman nila ito pansin dahil busy sila sa kanilang pinag uusapan.

Nagulat ako nang mapansing unti unting tinanggal ni ate Zayden ang kamay na naka kapit sa braso nito, napaangat naman ako ng tingin sakanya. Tinaasan ako nito ng kilay bago umiwas ng tingin.

Now what was that? I'm so confused!

Island of Memories Where stories live. Discover now