Kabanata 33

7 1 0
                                    

Z's

It's been a week. Hindi parin maalis saaking isip ang batang Escuderong iyon. By just thinking of her makes me blush.

"Oh Z why are you so red? Are you sick?" my papá asked me that's why my cheeks became red even more.

"I'm not sick dad!" nahihiyang sabi ko.

"Then why your cheeks are so red?" nagtatakang tanong nito saakin.

Lumapit narin si mamá at Irish saamin ni papá. Nag aalalang tumingin saakin si mamá habang si Irish ay naguguluhan.

"What you two talking about hmm?" malambing na tumabi si mamá kay papá.

"Z's cheeks are–wait if your not sick...." kinabahan ako dahil nakangising tumingin saakin si papá. Napalunok ako dahil dito.

".. Are you blushing Z? Don't tell me you have a crush now?" biglang sumimangot nitong sabi. Kanina lang pangisi ngisi e? Alam ko na ngayon kung kanino nagmana ng ugali itong si Irish.

"Dad, wala ha!" defensive kong sabi damang dama ko kung gaano kainit na ngayon ang aking pisngi. Nagtawanan naman sila kaya mag lalong namula ang aking pisngi.

"Who's that lucky guy?" seryosong tanong ni mamá saakin may tipid na ngiti sa labi kaya napangiwi ako dahil doon.

"Má, wala nga" nakasimangot kong sabi.

I don't wanna said it pa hindi naman sa nahihiya or natatakot, I'm still young pa so I just keep it for my self pa muna. I know naman matatanggap nila mamá and papá kung sino ang mamahalin namin ni Irish dahil iyon palagi ang nilang sinasabi saamin. Hindi nila kami pinipigilan at pinag babawalan sa lahat pero andoon parin ang guidance nila. That why I love them both.

"Okay okay.." natatawang sabi ni mamá, "By the way mag ready na kayo aattend tayo sa party nila tito Ismael niyo dahil dumating na ang anak nila.."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon, hindi ko narinig ang sunod na sinabi ni mamá dahil occupied na ang isip ko. I'll met her na. Muntik na akong mapangiti dahil doon buti nalang ay narinig kong tumikhin si mamá kaya napatingin ako dito. Nginitian ko naman ito bago hinalikan sa pisngi sa sobrang saya.

Nang matapos na kaming mag ready ay agad kaming pumunta na sa mansion ng mga Escudero. Pagkarating ay sumalubong saamin ang maraming nakapark na ibat ibat sasakyan. Bigla akong kinabahan dahil nakikita dito ang lawn nilang maraming tao sa di kalayuan.

"Just stay close with me and your papá, okay?"

Tumango kaming pareho ni Irish. Tahimik lang kaming nakasunod kila mamá. Nang makarating sa table na para saamin ay agad kaming umupo. Tahimik lang kami habang sila mamá at papá ay busyng nakikipag socialize.

Socializing is not my forte though. Si Irish oo pa dahil masyado itong bubbly at halos lahat ng nakikilala ay kinakausap nito. I'm just talkative on my family but when it comes to other I'm stern and cold.

Ilang oras pa ay bored na bored na akong nakaupo dito at nakasimangot dahil sobra na akong hindi makahinga sa sobrang daming tao habang ang kapatid ko naman ay busy lang kumakain sa tabi ko walang pakealam sa mundo.

Tumayo ako at lumapit kay mamá para magpaalam na iihi.

"Má... Can I just go to C.R?" I shyly asked.

Napatingin naman ito saakin.

"Do you want me to accompany you?" tanong nito pero inilingan ko nalang ito bago sinabing.

"I can handle ma, also i'm a big girl na" naka pout kong sabi.

"Okay okay, bumalik ka rin ha mag ingat ka" tumango naman ako dito bago nag simulang maglakad paalis sa nakaka soffucate na partyng iyon.

Hindi ako dumiretso sa C.R bagkus at naglakad lakad ako dito sa pathway papuntang kabilang parte ng lawn na walang mga tao. Nagbuntong hininga ako habang naglalakad.

"Atlast I can breath properly no–" natigil ako dahil may biglang humampas saakin.

Agad naman akong nalingon dito at wrong move dahil natumba na kami pareho. Napapikit ako dahil sa matigas na pinagbagsakan kahit na may mga damo ito damdam ko ang mumunting batong tumutusok sa likod ko.

"A-Are you okay?" a panting yet sweet voice linger on my mind.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan dahan kong imulat ang aking mga mata upang tignan kung sino ito.

As soon as I open my eyes I see those familiar orbs, this Is her. The girl who got my heart and soul by just looking those orbs.

"Hey I said are you okay? Are you dumb?" masungit nitong tanong.

Napakurat ako dahil doon. Nauna na itong bumangon saakin habang ako ay nakahiga parin dito sa damuhan. What was that? I didn't see this coming amp.

"Are you going to stay laying down there 'til morning?" naka crossed arms nitong tanong habang mataray nitong tanong saakin.

Sungit ah?

"Are you also going to stand there not helping me to get up?" pinalamig ko ang boses ko kahit kating kati akong magpakilala dito.

"Why would I? If you don't just walking so mabagal, we wouldn't have fall on the ground together no!" imbis namainis dahil sa nakaka offend nitong ugali ay halos matawa pa ako pero agad ko itong pinigilan.

Nang makatayo ay blanko ko itong tinignan, nanghihina ako sa mga titig nito. Sobrang ganda nito na kahit bata pa ay nag uumapaw na ito sa kagandahan. Paano ba kaya pag lumaki na kami? Namula ako sa kaisipan na iyon.

"Sino bang baliw ang tatakbo ng gabi diba?" malamig kong sabi dito.

"Are you–" hindi na nito natapos ang sasabihin nang may tumawag sa likod nito.

Nanlaki naman ang mga mata nitong bumaling sa nag salita.

"Andiyan ka lang pala ma'am Renee, hinahanap kana ni ser Ismael nako kang bata ka talaga kahit kailan ka!" isang nasa mid 40's na babae ang lumapit sa babaeng nasa harap ko.

So her name was Renee, how beautiful like she is.

"Nay Mel, I don't wanna go to that party. There's a lot of people out there and it's soffucating me!"

I bite my lips to prevent from smiling, so she doesn't like parties too? Hmmm.

"Mapapagalitan naman kami, hala sige na tara na"

Kita ko namang napabaling pa ito saakin at inirapan ako dahil nakangisi na ako dito, Cute. Nakasimangot naman itong nagpatianod sa tinawag nitong nanay Mel.

Napahawak ako sa puso kong kanina pa pala tumitibok ng malakas.

I think i'm inloved.

Iyon lang ang nasabi ko sa sarili bago masaya at may ngiting bumalik sa kung saan sila mamá. Pero agad naman din naman iyong nawala dahil nakita ko ang mga magulang kong nagmamadaling maglakad papunta saakin habang hawak si Irish. Si papá ay may hawak na cellphone habang seryosong may kausap doon.

"Z you're daddy lolo was in hospital we need to go home"

Iyon ang sinabi nito bago tumibok ng malakas ang puso ko. What's happening? Kanina lang ay masaya ako bakit bigla nalang napalitan ng lungkot at sakit?

Dali dali kaming sumakay sa kotse, umandar na ito at muli kong sinulyapan ang pinanggalingan namin hoping that I'd see her for the last time but to my dismay I can't see any bit of trace of her.

After that night umuwi kami ng Ilo-Ilo dahil malubha ang kalagayan ni lolo at sa kasamaang palad ay doon muna kami mamamalagi dahil iyon ang gusto ni lolo.

Ilang taon ang lumipas at hindi ko na ito mabilang, marami ng nagbago at nangyari pero ang pusot isip ko ay occupied parin ng isang tao. It's still her, kahit 10 years na ang nakalipas.

"Babalik na tayo sa Puerto Del Sol..."

Halos magwala ang puso ko sa saya nang malaman iyon dahil atlast makikita ko na ulit siya. At this time wala na akong sasayangin na oras. Masiyado ng matagal na panahon ang nasayang para saaming dalawa kaya hindi ako papayag na mawala pa ulit itong pagkakataon na ito.

Wait for me, Renee.

Island of Memories Where stories live. Discover now