Kabanata 23

7 1 0
                                    

Okay?

Tanghali na pero ito ako't tulala sa ceiling. Occupied parin ng isip ko ng scenario kagabi. Agad na namula ang aking magkabilang pisngi.

"Shit am I attracted to her? Straight ako no!"

Napahawak ako sa aking dibdib at pumikit biglang nag flash ang nangyari kagabi.

"Uhm.." hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

"What? Pumasok kana at baka hinahanap kana sa loob"

Sungit.

"I just wanna ask if uhmm..."

Kita ko kung pano nito pinipigilan ang kanyang ngiting gustong sumilay. Kaya tinatabunan nito ng kaniyang signature masungit facade.

"Ano?"

"Mybe we can be friends?"

"Why?" nakataas kilay nitong tanong.

Natigilan ako, oo nga bakit nga ba? Amp edi wag.

"Nevermind, edi wag kung ayaw mo arte!"

Papasok na sana ako nang maramdamang may humawak ng mahigpit sa kamay ko. Napalingon naman ako dahil doon at sinamaan ito ng tingin.

"Ano?" singhal ko.

"Okay" nakangiting sabi nito.

"Huh?"

"Tsk stupid" natigilan ako dahil pamilyar iyon saakin hindi ko alam pero pakiramdam ko nangyari na ito dati.

"I said okay, let's be friend"

Natauhan lang ako nang marinig ang boses nito. Napakurap kurap naman ako dahil doon.

"O-okay" nanghihinang sagot ko.

Dahan dahan naman nitong binitawan ang kaniyang kamay na nakahawak parin pala sa mamay ko.

Nilahad naman nito pagkatapos, nagtataka ko itong tinignan bago tinignan ang tila na bobored nitong mukha.

"Bakit?"

"Let's exchange digits"

Oh! Walang malay kong nilabas ang phone ko at ibinig ito sakanya. Agad naman nito itong tinanggap. Nakatitig lang ako sakanya habang siya ay busy kinakalikot ang phone ko. Hindi ko namalayang tapos na ito at binabalik niya na ang aking phone.

"Here, go now pumasok kana. Hihintayin kitang makapasok bago ako umalis" crossed arms itong nakatayo na sa tapat ng kanyang sasakyan.

Argh ang hot niya talaga bakit ganito? Namumulang tumango naman ako.

"Okay bye, take care goodnight!"

Bumangon na ako dahil pupunta nga pala ako kila Irish ngayon dahil nag aaya itong mamasyal.

Nag suot lang ako ng Letter Graphic Tee and my Drawstring waist sweatpants para comfy mamasyal. May dala rin akong tote bag dahil nag baon ako ng pang swimming dahil balak daw nitong mag swimming sa Kalibo falls.

"Mang Roel kila Irish po"

Sumakay na ako at hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement. Napapatingin ako sa bawat daang nadadaanan namin. Maraming magkakadikit na bahay ang nadadaanan namin dahil nasa bayan kami. Hanggang sa huminto ito sa isang puting dalawang palapag na bahay. Pinaghalong old and modern style ang bahay. Ang classic!

"Susunduin ba kita mamaya ma'am?"

"Hindi na kuya salamat!"

Bumababa na ako hinintay ko munang makaalis ang sasakyan namin bago bumaling paharap sa bahay nila Irish. A fast memory flash through my mind.

Papalapit na'ko sa kanilang bahay ng biglang may nakabunggo sakin dahilan upang madapa ako sa sementadong daan. Napakurap kurap ako ng bahagya dahil sa pangyayari, hindi ako agad naka recover nakatulala lang ako sa tuhod kong may sugat na ngayon ay dumudugo na.

"Omaygad Sierra ok ka lang ba? Pasensya na nagmamadali kasi itong kapatid ko hindi ka ata napansin" lumapit sakin si Irish upang tignan ako kung ok lang ba, habang ako'y prinoproseso parin ng utak ang nangyari. Sa buong buhay ko ngayon lang ito nangyari sa'kin!

Natutulala akong napatingin sakaniya, ibinaba niya ang kaniyang mata sa bandang tuhod ko.

"Hala jusko may sugat ka sierra, ate zayden kunin mo ung kit sa loob dali tara sa loob Erra" hind na alam ni Irish kung anong uunahain, kukuha ba ng kit oh aalalayan ako.

Tulala parin ako sa nangyari, nakapasok na kami sa loob at naka upo na ako sa hindi kalakihang sofa.

"A-aray Irish dahan dahan naman" mangiyak ngiyak kong pakiusap sakanya dahil sobrang hapdi nito tuwing madadapo ang hawak niyang cotton na may alcohol, dahil nililinis niya ang natamo kong sugat dahil sa pagkakadapa kanina.

"Pasensya kana talaga sa kapatid ko hindi ka niya napansin dahil nagmamadali rin kasi siya pasensya na talaga Sierra jusko paano pag nakita ito ng mommy mo ano nalang sasabihin nya samin" halo halo ang emosyong namamayani sa maamo nitong mukha.

Kinaway ko ang dalawang palad sa pagitan ng aming mukha.

"Nako ok lang kasalanan ko rin naman tulala ako habang naglalakad, hindi ko tuloy napansin na may dadaan." dali dali kong sabi sakanya.

"Tsk"

It's her again with Irish. Marahan akong pumikit at napakapit sa bag na hawak ko. Baka sakaling may kasunod pang alaalang bumalik, but I ended up hurting my head. It's throbbing so hard. Napakapit agad ako sa railings ng gate.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Sobra na akong nalilito sa mga alaalang unti unting bumabalik saakin. Hindi ko pa nasasabi ito kila mommy dahil tuwing nag tatanong ako hindi rin naman nila ako sinasagot.

Ang hirap mamuhay sa ganitong sitwasyon, iyong tipong hindi mo kilala ang sarili mo? I hate the fact that I may be complete outside but my inside are lost. There's a big hole in my life that no one can even fill. Kahit nasaakin na ang lahat, there's still these empty feeling inside me.

Simula nang nagising ako sa pagkaka coma 6 years ago ay pakiramdam ko may kulang. May nawawlang parte saakin, hindi ko mahanap kung ano ito. Gabi gabi ay may mga  scenario na tumatakbo sa aking panaginip. Hindi ko alam kung ano ang mga ito dahil mas blur pa ata ito sa salaming hindi na tumutugma sa mata ng isang malabo na ang mata.

Pinipilit kong maalala lahat ng mga alalaang gumugulo sa isip ko pero nauuwi lamang ako sa puting kwarto ng hospital kaya tinitigil ko na at hindi na pinilit pa.

May luhang pumatak sa aking mga mata pag kamulat ko ay siya ring nakita ko ang mukha ng babaeng gumugulo sa aking isip.

"Are you okay?" nag aalalang tanong nito saakin.

Pinakatitigan ko ito ng mabuti. Sino ka ba talaga Zayden? Bakit nasa mga alaala kita? Ano bang meron sayo bakit simula nang marinig ko ang pangalan mo noon ay nagkaganito na ang sistema ko? Bakit ginugulo mo ang isip at puso ko?

"I'm okay....but not fine at all" ang huling sinabi ko ay bulong. Pero base sa kanyang expresyon ay narinig niya ito.

Island of Memories Where stories live. Discover now