Mango
Nagising ako sa mabagong amoy na nanggagaling siguro sa baba. Antok na antok pa akong nag mulat, paano ba naman anong oras na kami natapos manood isabay mo pang hindi ako pinatulog dahil sa nangyari kagabi.
Napa-padyak naman ako ng maalala na naman, bumangon nalang ako saka nag diretso sa C.R para maligo. Nang matapos ay nag suot lang ako ng above the knee denim shorts with frem hem, while the top was drop shoulder long sleeve stripped blouse. Pinartneran ko lang naman ito ng converse high cut shoes na suot ko kahapon, nang masatisfy ay bumaba na rin ako.
"Morning" bati ko pagka pasok ng kusina, nadatnan ko naman si Irish na busy mag luto, naka bihis narin ito.
"Morning, aga ah! Wow naman hindi halatang excited?"
"I'm really excited, this is my first time goin' to farm!" masayang ani ko rito.
"Kita ko nga, halika na kain na tayo. Nasa labas si ate nireready iyong sasakyan, nauna naman na siyang kumain kanina"
Na upo na ako sa upuan at nag simula ng kumain, mabilis lang kami natapos tinulungan ko nalang ito mag ligpit para mabilis matapos. Nang maayos na lahat ay lumabas narin kami, mag alas onse na rin kasi at mainit na mamasyal kung mas matatangghalian pa kami.
Pag labas namin ay napatigil naman ako, there she is standing so sexy with her halther neck slim fit crop top na pinatungan ng flannel shirt. Naka suot din ito ng rolled high-rise denim shorts litaw na litaw tuloy itong makikinis at mahahaba niyang binti. Seriously? Napaiwas naman agad ako ng tingin, bat ko ba siya tinitignan!
"Let's go?" hindi ko alam kung saakin ba o kay Irish niyang tanong.
"Tara na ate excited na akong makita ulit iyong farm!"
"Parang kakagaling mo lang last month doon" basag ng kaniyang ate.
Sumakay na ito sa motor, and mind you ang sexy niya talaga tuwing sumasakay ng motor. Ang effortless, tangkad ba naman.
"Una kaba Erra o ako na? Baka mahulog ka kasi pag ikaw ang sa likod"
"Uh?" hindi ko alam kung saan ako kinakabahan, kung sa gitna ba nila ako at makakatabi ko si Zayden o sa likod at baka nga mahulog ako. The first one? Argh kainis.
"Sa gitna ka nalang Erra para safe"
Tinanguan ko nalang ito, napalunok ako dahil nakatitig na naman saakin si Zayden. Lumapit na ako para makasakay na, inalaayan naman ako ni Irish. Nang makasakay ay sumakay narin ito.
"Kapit" rinig kong bulong ng nasa harap ko.
"Huh?" nag tataka kong tanong.
"Tsk stupid, kumapit ka kung ayaw mong sumubsob" tignan mo na susungit na naman ito.
Nagtataka ko pa rin itong sinulyapan, nagulat ako nang hablutin nito ang aking kamay saka pinulupot sa kaniyang baywang. Hindi ako makagalaw sobrang lakas na rin kasi ng tibok ng puso ko.
"Ready?" tanong pa nito.
"Ready!" excited na sigaw ni Irish sa likod ko.
Naramdaman ko namang umandar na ang motor, nawala na rin ang kabang nararamdaman ko nang maramdaman ang lamig na nag mumula sa hanging sumasalubong samin. Sobrang sarap sa pakiramdam, hindi rin mainit dahil natatakpan ng mga punong nadadaanan namin ang daan.
Ilang minuto pa ay nakarating narin kami sa farm na tinutukoy nila, muntik pa akong madapa pag baba ng motor. Rinig ko pang may tumawa sa likod ko at kilalang kilala ko kung kanino iyon, sinamaan ko naman ito ng tingin kaya agad naman itong umiwas ng tingin.
Nawala rin naman agad itong inis ko nang makita ang napaka-gandang tanawin, maraming manggang naka hilera sa gawing kanan sa kaliwa naman ay may malawak na field habang sa gitna ay may maliit na barn kung saan napapalibutan ng ibat ibang tanim na gulay. Sa gilid naman ay may barn house, sobrang ganda dito.
"San mo gusto unang puntahan Erra?"
Excited namang napalingon ako kay Irish, nginitian ako ito ng mawalak.
"Ang ganda dito!"
"Yup isa ito sa gustong gusto namin puntahan ni ate, our parents own this" proud na turan nito saaki.
"I wanna try those mangoes!"
May nakita kasi akong mga hinog na kanina, I haven't eat one before, my parents are so protective towards me in terms of eating foods muntik na kasi akong mamatay before dahil sa nakaing bawal sakin.
"Okay, tara pasama tayo kay kuya Ben. Wala si ate eh, nasa barn may inaasikaso"
Pumunta naman kami sa manggahan, sobrang presko ng hangin habang naglalakad kami. Tunog lang ng tuyong dahon ang maririnig at huni ng mga ibong nagkakantahan, nang makarating sa punong maraming hinog na bunga ay sakto ring pagdating ng isang lalaking nasa mid 40's.
"Kuya Ben long time no see" bati ni Irish dito.
Oh it's kuya Ben that she's talking about, nginitian naman siya nito.
"Parang hindi tayo nag kita last month ah" pabirong sabi nito.
Natawa naman ako dahil umasim ang mukha ni Irish, baliw talaga ito.
"Kuhanan mo na nga lang kami ng manga"
Tawang tawa ako dahil ginawang taga salo ni kuya Ben si Irish, itong isa naman simangot na simangot.
"Hoy Erra wag kang tumawa tawa diyan aba, tulungan mo ako dito!" inis nitong sita saakin.
"Paano ba iyan?"
Natatawang lumapit ako sakanya upang tulungan na ito. Nang matapos ay napuno rin naman namin ang isang basket, bumaba na rin si kuya Ben mula sa puno.
"Gusto mo na bang kumain?"
Tumango ako dahil kanina pa ako natatakam dahil sa amoy na amoy ko ang bango nito. Nakatingin lang naman ako sakanilang dalawa sa ginagawa nila.
Inabutan ako ni Irish ng nahiwa nila, "Here, balatan mo nalang ung part na may balat"
"Okay!"
Sinimulan ko na itong kainin, and gosh it's yummy! Naka ilan din ako bago tumigil.
"I'm so full, it's yummy!"
"Papakuha pa ako kay kuya para mauwi mo sainyo"
Napasimangot ako dahil ang lagkit ng kamay ko, wala akong makitang pwedeng pag hugasan ng kamay.
"Here" napalingon ako kung san nanggaling ang boses na iyon.
Seryosong mukha nito ang nabungaran ko, napakurap kurap naman ako bago napatingin sa inaabot niya. Wipes pala.
"Thanks" tipid na ngumiti ako sakaniya, tinanguan lang naman ako nito.
Nagsimula naman na akong magpunas ng kamay. Napalinga linga ako para hanapin si Irish dahil nakakaramdam na ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa, habang siya naman ay tila walang pakeng naglilibot ng tingin.
"Si Irish ba? Kasama ni kuya Ben hindi ko alam san nag punta" mukhang nahulaan niya ang nasa isip ko.
Napatigil naman ako nang lumapit ito saakin, nakatitig ito sa bandang labi ko. At ito na naman itong abnormal kong puso, shit.
"You're a messy eater" may pinahid pala ito sa gilid ng labi ko.
Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon, nakakahiya.
Kagabi kape, ngayon manga naman. What's next?
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...