Kabanata 29

4 1 0
                                    

Memories

It's may 25 now, 3 days nang nanliligaw saakin si Zayden. Hindi parin ako makapaniwalang nanliligaw talaga ito saakin. It feels so unreal, just thinking about it makes me blushed suddenly.

Andito ako ngayon sa office ni daddy sa 15th floor. Nakatayo ako ngayon sa veranda nitong office. Hinahangin ang aking lagpas balikat na buhok nakatanaw ako ngayon sa malawak na dagat. I can feel the sun rays into my skin but I didn't mind it.

Normal days like this feels so lovely, ang aliwalas ng hangin tanging tunog lang ng bawat hampas ng alon ang maririnig at mumunting hiyawan at tawanan ng mga turistang busy sa kani kanilang ginagawa sa dalampasigan.

Pumikit upang damahin ang paligid as soon as I closed my eyes memories suddenky flashed.

Nasa malawak kaming manggahan may kasama akong babae.

Napasimangot ako dahil ang lagkit ng kamay ko, wala akong makitang pwedeng pag hugasan ng kamay.

"Here" napalingon ako kung san nanggaling ang boses na iyon.

Seryosong mukha nito ang nabungaran ko, napakurap kurap naman ako at napatingin sa inaabot niya. Wipes pala.

"Thanks" tipid na ngumiti ako dito tinanguan lang naman ako nito, nagsimula naman na akong magpunas ng kamay.

Napalinga linga ako para hanapin si irish dahil nakakaramdam na ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa, habang siya naman ay tila walang pakeng naglilibot ng tingin.

"Si Irish ba? Kasama ni kuya ben hindi ko alam san nag punta" mukhang nahulaan niya ang nasa isip ko.

Napatigil naman ako nang lumapit ito sakin, nakatitig ito sa bandang labi ko. At ito na naman itong abnormal kong puso, shit.

"You're a messy eater" may pinahid pala ito sa gilid ng labi ko.

Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon, nakakahiya.

Kagabi kape, ngayon manga naman.What's next?

Nag shift ito bigla sa isang kubo, umuulan nang malakas at kaming dalawa lang ang naroon.

Sobrang lamig lang kanina pero tila nawala iyon ngayon dahil sa sitwasyon naming dalawa ngayon, sobrang init nakakdarang.

I feel her expert lips kissing me down to my neck, napapikit naman ako sa sarap na nararamdaman.

"Shit" rinig kong mura niya, namumungay na napamulat ako upang tignan ito.

"This is wrong, you're sick!" namumulang sabi nito, kitang kita ko kung gaano kapula ang kanyang buong mukha, tenga at leeg. Napangisi naman ako, is she shy?

"I'm okay now, what's the matter?" nakangisi kong tanong.

Tinaasan lang naman ako nito ng kilay, "You're still hot, don't fool me" masungit naman nitong bira.

"I know i'm hot, no need to vacalize it" natawa naman ako nang pitikin nito ang aking noo.

"Get up now, uuwi na tayo" ayan na naman siya sa pag susungit niya paranh kagabi lang ay nag aalala ito.

Mejo okay okay naman na ang pakiramdam ko, pero andun pa rin ang hilo. Umalis na ako sa pagkaka upo sa kanyang kandungan, hindi ko rin namalayang naka upo na ako sa lap niya amp.

"Forget that kiss, it's a mistake" seryosong sabi nito sakin, may gumapang na sakit sa dibdib ko nang marinig iyon. Binalingan ko ito pero seryoso lang itong naka baling sa daan dahil pa balik na kami sa barn house nila.

Island of Memories Where stories live. Discover now