Foundation
SOBRANG busy ngayon ng lahat dahil nag simula na ang foundation at sumabay pa ang quarterly exam. Konti palang naman ang activities para ngayong araw, may exam ako maghapon 3 sa umaga 3 sa hapon dahil 6 lang naman ang subjects namin.
Ting*
Z's sent a message.
-What time you'll go to school?Me
-uhm 9 ig? I have exam thr whole day, how ab't you?Exam day kaya need mag uniform, pag katapos kong mag bihis ay agad din namang tumunog ang phone ko.
Z's
-okay see you later then.Hindi na ako nag reply dahil malapit naring mag 9 excited narin akong makita siya dahil last na kita pa namin ay noong hinatid niya ako rito sa mansion.
"Manong tara na!"
Gumayak na kami. Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa labas, hindi ko parin alam kung paano aamin sakanya. Nasa sitwasyon akong nakaka isip ng negative thoughts. Dahil wala naman akong kasiguraduhang gusto niya rin ako. Malay ko bang pinapakisamahan niya lang ako diba?
"Erra narito na tayo" doon lang ako napabalikwas nang narinig ang boses ni mang Roel.
I told them to call me Erra nalang if wala naman sa mansion. Nagpaalam na ako bago bumaba ng sasakyan.
Sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin, the month of october's coming. Napapikit ako habang dinadama ang hangging dumadampi sa'king balat. This season's really my favorite, it gives me comfort.
Nagmulat na ako at nag simula ng maglakad papunta sa designated room para sa exam. Abala ang mga studyante ngayon, may mga busy gumawa ng kanya kanya nilang booths, may mga busy mag practice sa kanilang sports na sasalihan at iba pa.
"Nakapag review ka ba? Patabi nga ako hindi ako nakapag review" bungad ni Irish sa'kin mukha naman itong sabog sa kanyang itsura natawa ako.
"Why you look like that?" natatawang tanong ko dito.
"Wala" nakasimangot na sagot nito, nagtatakang nag kibit balikat nalang ako rito.
Pumasok na kami sa room, ilang minuto pa ay nagsimula na ang examination. Katulad ng sabi ni Irish nangopya nga ito sa'kin mukhang hindi talaga nakapag review.
Natapos ang buong araw at nakahinga naman ako ng maluwag dahil halos lahat ng tinake naming exam ay na review ko kaya confident akong makakapasa kami ni Irish. Oo kami dahil halos lahat nangopya siya, nagtataka nga ako bakit hindi iyan nakapag review. As I remember matalino rin naman siya katulad ng kanyang ate. Saka ko na ito kukulitin halatang sabog pa ang gaga e.
Nagliligpit na ako ng gamit nang maramdamang may nag vibrate sa bulsa ko, my phone.
Z's
-Done? Let's grab some food meet me at the gate. see you!Napangiti naman ako dahil doon. Naramdaman ko namang hinampas ako ng katabi ko.
"Uy nakangiti si ate yan? Kayo na ba?" namula naman akong napabaling sakanya.
"Hinaan mo nga iyang boses mo baka nay makarinig"
"Oh bakit kinakahiya mo ba ang ate ko? Ganda ganda kaya ng lahi namin" sinamaan ako ng tingin kito.
YOU ARE READING
Island of Memories
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 1. Days, Weeks, Months and Years had passed. Silent nights are fading while sunshine are starting to shown. The calm ocean seems to have looming rain, heavy rain's falling. The birds seemed unsure of where to take shelter. Heavy...