Kabanata 10

10 1 3
                                    

Jealous

Lumpias ang araw at dumating ang araw ng sabado, hindi ako mapakali. I feel like I need to do something, but I don't know what to do.

"Ugh kainis ha!"

Kinuha ko ang phone ko saka agad na dinial ang number ni Irish, ilang ring pa ay sumagot naman ito.

"Ano?" bungad niya.

"Tara mall!" yaya ko.

Pakiramdam kong nakakunot na ang noo nito. Knowing me hindi naman kasi ako basta basta nag aayang lumabas palagi kaya mag tataka iyan, nakakainis kasi iyong isa diyan eh. Ah basta!

"Anong meron?"

"Wala bawal mag ay? May bibilhin lang ako"

Papayag lang eh tagal tagal pa mag decide, hindi na ako makapag antay.

"Okay, 10 minutes bibihis lang then syempre sunduin mo ako tsk bye"

Pinatayan ba naman ako? Bastos rin eh, kung hindi ko lang talaga kaibigan eh.

Nagmadali akong nag bihis, nakaligo naman na ako kanina kaya hindi hussle. Nag suot lang ako ng high waist ripped raw hem mom fit jeans topping MOD knotted front. Fit na fit sa katawan ang suot ko ngayon, nang masatisfy ay bumaba na ako.

Wala si Mommy ngayon dahil pinuntahan niya si Daddy sa Manila may business trip kasi sila this week, nagpaalam na ako kanina via message.

"Nay Mel, lalabas po ako. Nagpaalam na ako kay Mommy don't worry" inunahan ko na ito sa sasabihin.

"Mabuti naman, kumain ka muna bago umalis" inilingan ko nalang ito.

"Hindi na Nay, doon nalang siguro kasama ko naman iyong kaibigan kong si Irish"

"Oh siya sige, mag iingat ha!" paalala nito bago naglakad papasok ng kusina.

*

Minessage ko naman agad si Irish pagkarating namin ni kuya Ben sa tapat ng kanilang bahay.

To Irish:
Hey, labas!
12:21 AM

Ilang minuto pa ay nakita ko na itong palabas ng kanilang gate. Nakasuot lang naman ito ng simpleng black baggy pants at cream shirt.

"San punta mo? Tatambay?"

Hindi ko mapigilang punahin ang porma nito, parang tatambay lang eh o kaya naman pupuntang school.

"Kesa naman sayo, san ka pupunta? Rarampa sa fashion show?" tinawanan ko naman ito.

Umandar na ulit ang sasakyan at nagsimula ng bumyahe, I felt excited and nervous at the same time. Makikita ko kaya siya doon? Sa lawak ba naman ng Mall posibleng magkita kami, depende nalang kung alam ko kung nasaan sila.

"So anong meron bakit may pa yaya ng mall?"

Binalingan ko naman ito, nakangisi ito saakin. Umirap ako sakaniya, hindi ako makahagilap ng magandang palusot.

"May bibilhin lang ako, gusto ko ring manood ng cine" inirapan ko ito para matapos na agad ang usapang ito.

Hindi ko rin alam bakit ko ito ginagawa, basta ang alam ko lang ay hindi ako mapakali knowing na magkasama sila ngayon sa mall. Nakakainis naman kasi, hmp!

"What time ba uwi natin? Wala din kasing tao sa bahay eh"

"Idk, bakit?"

"Wala si ate lumabas kaninang 11 e, hindi ko alam san punta"

"Ah!"

Kunwaring walang pakeng tumango tango ako sakaniya, kahit sa loob loob ko ay anlakas na ng tibok ng puso ko. See, let's see let's see pa siya? Letse talaga eh.

Island of Memories Where stories live. Discover now