Kabanata 16

5 1 1
                                    

Back fare

Monday na at ilang araw narin ang nakalipas ang pangyayaring iyon at hanggang ngayon ay hindi ko mapigilang kiligin. Until now hindi ko parin nakakausap si Irish about sa nakita niya.

Nagbabalak narin akong umamin kay Zayden anytime soon naghahanap lang ako ng tamang tyempo.

Nakarating ako sa school ng hindi namamalayan dahil sa lalim ng iniisip. Napabuntong hininga ako bago bumaba ng sasakyan may sinabi pa si manong Roel pero hindi ko narinig dahil occupied talaga ang isip ko ngayon.

Tulala naman akong naglalakad sa hallway papuntang room nang may humila saakin kung saan. It's Irish.

Huminto kami sa kiosk, malilim naman dito dahil sa mga punong nagtataasan.

"Para kang tanga nag lalakad doon" natatawang sabi nito sa'kin.

Inirapan ko naman ito bago umupo.

"Bakit tayo andito baka malate tayo"

"Gaga hindi ka na naman nag checheck ng message ano palibhasa kasi busy sa isa diyan" pang aasar nito.

Pinamulahan naman ako ng buong mukha bago ito hinampas ng mahina, "Baliw"

"So ano antagal naman, sabi na e kaya pala bakla ka ramdam ko na simula pa una grabe kinikilig ako" napangiwi naman ako dahil dito.

"Ang ingay mo talaga"

"So ano nga mag susungit ka nalang ba diyan, so paano? Hindi ba si kuya Luis ang gusto mo? Bakit may watch together at yakapang nagaganap hah?" sunod sunod na tanog nito.

Napabuntong hininga naman muna ako.

"Hindi ko rin alam kung saan nagsimula basta nagising ako one day liking your sister" seryosong sabi ko.

"Buti hindi ka indenial! So anong score niyong dalawa?" tanong nito.

"Huh?" anong nga ba? Hindi ko rin alam.

"Sige wag mo ng sagutin, I can't wait to see you both together ang cutie sabi na e bagay talaga kayong dalawa"

"Hindi ka ba galit?"

"Huh? Bakit naman ako magagalit, ano ka ba simula una supportado ko na kayong dalawa" makahulugang sabi nito sa'kin at kumindat pa.

Nagtataka ko naman itong tinignan. She just shrugged before standing up nag yaya itong kumain nalang sa canteen.

May meeting daw lahat ng faculty kaya walang morning class, buti naman wala ako sa mood para makinig sa boring na discussion nila ngayon.

As soon as we get into the canteen ay bumungad samin ang punong puno ng studyante.

"Shit wala tayong mapwepwestuhan" nakasimangot na sabi ni Irish.

"Order nalang tayo tapos balik tayo sa tinambayan natin kanina" suggest ko, lumiwanag naman agad ang kanyang mukha at tumango hinila na ako nito papunta sa counter.

Pa lunch narin kaya lunch heavy meal pinili namin, umorder lang ako ng carbonara at bottled water. While her is rice meal.

Nangmakuha namin ang order na nasa plactic ay nagmartsa na kami palabas ngunit hindi pa man kami nakakalabas ay may tumawag na sa katabi ko.

"Irish!"

Pareho kaming napalingon kung saan nanggaling iyon, to my surprise sila Zayden iyon. Nagkatitigan kami ngunit agad naman na kumunot ang noo ko nang mapansing sobrang lapit sakanya ni Larang parrot. Narealize naman siguro nito kaya mejo umusog ito at dahil doon inirapan ko ito.

"Wala kayong lamesa? Dito nalang kayo mag bakante pa naman e"

Nauna naman ng umupo si Irish kaya no choice akong sumunod sakanya, sa tabi ni Luis nalang ang bakanteng upuan kaya umupo nalang ako doon. Ang malas pa e katapat ko si Zayden na ngayon ay sobrang seryoso na ng tingin sa'kin. Oh problema nito siya nga kanina e hmp!

Island of Memories Where stories live. Discover now