Chapter Thirty-Two

101 2 0
                                    

Chapter Thirty-Two

Foundation


"What kind of play are you doing right now, Zaac?" Mahina kong tanong sa kaniya. Pasimple ko siyang inirapan dahil nasa harapan namin yung dalawang babae na kasama niya. 

Sa hindi malamang dahilan, ay nilapitan ako nito at nagkunwaring nagpapakilala. I know Izaac even though he was a few years older than me because we are both parts of the Foundation. I am the bridge between him and the students' kaya naman magkakilala kami.

The girl behind him though... 

What's her name again? Nadine? Natasha? Anastasia? Hindi ko na matandaan sa dami ng taong pinapakilala sa akin ni Ate. I think somehow, she is convinced that I am gay because until now, I reject her idea of dating.

Ayaw ko lang. Bakit ba kasi niya pinipilit? Hindi ba siya nagsasawa na tanungin ako ng paulit-ulit tapos parehas lang din naman sagot ko? Ayaw ko. Kung darating naman yung oras na may nagustuhan ako, eh di dumating. 

Because, really, I prefer letting things happen on their own.

Izaac introduced to me the girls - Amara and Carrine. By looks, they both looked regal. Halatang parehas mula sa ankan ng dugong bughaw. Apparently, Izaac's scheme for today is to pass down his responsibility to Amara.

Poor her.

Hindi niya ata alam kung gaano ka-busy maging parte ng foundation and Izaac just ruthlessly gave her the burden. Pero syempre, hindi naman pwede na hayaan ko lang siya magdusa at sirain ang pinaghirapan namin. We've been active in the foundation for years now, hindi pwedeng mawala ang school na ito sa listahan ng mga candidate para makapasok sa loob.

Madami kaming gustong makapagaral sa loob. Madami kaming umaasa sa foundation na iyon. Madami kaming naniniwala na darating ang oras namin para makatapak sa loob.

I wanted to earn my keep. Pwede naman talaga na kausapin ko na lang ang Reyna pero kung ginawa ko iyon ay parang hinayaan ko na lang din na abusuhin niya ang kapangyarihan na mayroon siya. 

That would surely tarnish our clan. Kaya ayaw ko, kung may ibang paran naman para makapasok sa loob bakit kailangan pa gumamit ng maling paraan?

"No, do this. Ako na dito, tapusin mo na lang iyan para matapos na at mapasa. Sisimulan ko na ang gawain dito," sabi ko sa classmate ko habang inaasikaso ang ibang subject requriements namin.

Tumango siya at pumunta sa pwesto niya para gawin ang inutos ko habang ang iba naman ay busy din sa sarili-sariling grupo nila. Uupo na din sana ako para gawin ang parte ko nang maramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko para sa isang reminder.

Shit.

May meeting nga pala sa foundation. Hindi ko naman pwede iwan ang gagawin ko dahil ma-dedelay kami ng pasa lalo na nasa akin ang mahalagang parte ng gawain. Inis kong sinuklay ang buhok ko at tumingin kay Tallia. 

I hate burdening someone pero bahala na. "Lia, busy ka ba?"

Buti na lang at hindi kaya napakiusapan ko siya na siya na lang makipagkita kay Amara. She asked me to desrcibe Amara kaya ginawa ko. "She has stoic facial expression, iyan ang una mong hanapin. Matangkad at mahaba ang buhok na kulay Brown. Maputi, sobrang puti. At mukhang mayaman."

"That's a very detailed description, Vince. Type mo ba?"

Napahinto ako sa tanong niya. Si Amara? I call her Miss Amara bilang respeto sa posisyon niya pero mas okay pakinggan ang Amara lang. Gusto ko siya? Maganda siya pero ayaw kong ibase ang pagkagusto ko sa pisikal na anyo. 

Kung sakaling magustuhan ko siya, siguro kapag nagkasama na kami ng matagal, doon ko malalaman kung pwede ko ba siyang gustuhin. Umiling lang ako kay Lia at nagpaalam naman siya para umalis.

Pero hanggang makaalis siya ay hindi ako mapakali. I feel guilty for sending someone in my stead. Pero wala naman ako magawa kundi tapusin ang sinusulat ko para kung sakali ay makahabol pa ako.

Pero impossible. Sa pagkatanda ko ay sorting pa lang ngayon para sa mga candidate. Tapos na kasi ang registration kaya naman titignan na namin kung sino ang pasok sa listahan. Nilagay ko din ang pangalan ko dahil wala naman kaming kapangyarihan para magdecide sino ipapasok ng Upper Clan sa loob.

When Tallia returned, mabilis akong tumayo hindi para salubungin siya kundi para malaman kung kasama ba niya si Amara. I just want to properly apologize. Baka kasi na-offend ko siya sa hindi ko pagsipot sa usapan namin. 

But it's the otherwise. She understood my reason that fast. She didn't question me or gave me a disappointed look. She acted like everything is okay... which I refuse to believe. Hindi ako magaling magbasa ng emosyon sa mukha pero marunong akong makiramdam sa tao.

That's when I started to be observant of her actions. I always try to know how is she by simply analyzing her actions. She's an open book but some of her pages were missing. Iyan ang pagkakilala ko sa kaniya. 

But I guess I was wrong.

Mali ako ng pagkakilala sa kaniya. I thought I already know her by being with her in that span of weeks. I thought I managed to put back the missing pages together. But I was wrong. 

"W-what? How could it happen? We were together for weeks now, Ma'am. For I know, Izaac handed to her his obligations in the foundation," lito kong tanong sa head office.

She checked the paper again and shook her head at me. "I just checked all the memorandum, Vince. There was no establishment of foundation this year. Maybe you are mistaken." Napatulala ako sa narinig ko sa kaniya.

It can't be.

Sa ilang linggo namin na magkasama, naniwala ako na binibigyan ko ng pag-asa ang mga estudyante na nangangarap din tulad ko. Akala ko maaari na ako makatulong sa kanila sa maliit na paraan ko. Pero pinapaasa ko lang pala sila wala.

Parang tanga. Bakit kailangan magsinuggaling tungkol sa bagay na iyon? Hindi ba niya alam na madami ang umaasa sa kaniya? Na madami ang paulit-ulit na umaasa sa makakaalis dito? Na madami ang naniniwala na may pag-asa silang matupad ang kanilang pangarap?

I feel so bad for them. I feel guilty dahil ako dapat ang magsilbing daan nila pero ako mismo ang naglakad sa maling daan. Ano na gagawin ko ngayon? Bigla kong naisip si Izaac, bakit hindi niya sinabi na siya parin pala ang may hawak?

Bakit hinayaan niya akong makipagusap kay Amara na wala naman palang ganap sa foundation? Ah mali, wala naman pala talaga kasi na foundation na tutulong sa amin. Alam ni Izaac kung gaano ito kahalaga. Pero si Amara, bago lang siya. Kaya ba hindi niya sinabi dahil di niya nakikita ang kahalagahan nito? 

Nakakagalit. Kaya sa kaniya ko nabunto ang lahat ng iyon. She looked shocked when I spewed those words to her. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami dito ng mga estudyante.

Sa galit ko sa kaniya at sa pagpapaasa niya sa amin ay iniwan ko siya. Bakit pa ako makikipagargumento sa taong ayaw umamin sa kasalanan nila? Nakakapagod lang iyon at mas gusto mapag-isa ngayon. 

Bukod sa guilt ay nakaramdam din ako ng disappointment kay Amara. I thought she was different and has a heart for commoners. I was wrong.

She was just a living scam. 

And I mindlessly fell for that scam.

***

Hello :)) 

Follow me on my Twitter account; @srslyluna

Thank you for waiting!!

Feint (Royal Society #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon