Chapter Thirty-Five

191 4 0
                                    

Chapter Thirty-Five

Road Taken


"Do you love me?" Nakangiting tanong ni Amara sa akin habang nakadapa sa kama. I put down the book that I was reading and stared at her. Kilala ko siya, hindi siya basta-basta magtatanong sa akin ng ganito.

"What?" Tanong niya ulit pero may halong tawa nang makitang nakatitig lang ako sa kaniya. 

Nang hindi ako sumagot ay naglalalambing na inihilig niya ang ulo niya sa akin. "Babe, why didn't you tell me? Why did you let me assume that something happened that night?"

"Ah, that... I was too preoccupied to correct you," simpleng sabi ko. Totoo naman, ni hindi ko na masyado inintindi iyon nung oras na iyon. Mas mahalaga sa akin noon ay magkalinawan kami kasi gusto ko na siya makasama ulit.

But that night... that was the most tempting night I've ever had. Amara is seductive when awake but she's a temptress when drunk. I swear, it's all thanks to my control and patience that night. Buti na lang din iyon dahil panigurado mahihirapan ako kausapin si Queen... Ate Athena tungkol sa paghihingi sa kamay niya.

I could still remember the first question she asked me. "Did something happened between you two already?"

Stupified, she took that as a yes. Pero mabilis kong binawi ang konklusyon na iyon. I don't want to be on her bad side. Kagat-labi akong dahan dahan na umiling sa kaniya, inaamin ang totoo. 

"Good. Hope you'll stay that way until you consumed your marriage," iyon ang bilin niya sa akin. But Amara is being a rebel kahit hindi niya alam ang pinagusapan namin ng Ate niya. Palagi niyang sinasabi na sleepover ang ginagawa niya dito sa unit pero palagi din naman niya akong tinutukso.

Yves stopped coming here too. Aniya ay doon muna sa nanay ni Tallia maninirahan. Kaya naman malakas ang loob ni Amara na dito matulog at sa halos gabi-gabi niyang pamamalagi dito ay paunti-unti na nalalagas ang pasensiya ko.

She didn't know that. Ayaw ko sabihin sa kaniya dahil mas lalo lang siyang magpupursige. Gusto niya na talaga bigyang buhay si Ravi. 

Gusto ko din naman pero mas gusto ko talagang makasal muna kaming dalawa. Respeto na din sa Ate niya at sa kaniya mismo. Pero mukhang wala pakialam doon si Amara. 

Tulad ngayon. Maayos ang usapan namin kanina na matutulog lang kami pero heto nanaman ang malikot niyang daliri na naglalaro sa dibdib ko. I always had to keep my hands to myself para mapigilan ko ang sarili ko na hawakan siya. 

"Amara," mariin na tawag ko nang lumapit na ang mukha niya sa leeg ko. 

I heard her soft chuckle before planting a kiss under my ears. "Unleash the beast, Vini..."

Napapkit na lang ako nang marinig ang bulong niya. Pero bago pa magawa ni Amara ang plano niya ay tumunog ang phone ko na siya namang pinagpasalamat ko. I just kissed her forehead and answered the call. Ni hindi na din ako umalis ng kama dahil nakadapa parin si Amara sa tabi ko.

"Yves."

"Are you two decent?" Tanong nito kaya tinignan ko si Amara. Suot niya ang t-shirt ko at ang kaniyang silk shorts kaya naman tinabunan ko na lang siya ng kumot bago sinenyas sa kaniya na nandyan si Yves.

I ended the call and went to the door for Yves. Nang makita niya akong naka-pajama at t-shirt ay tumango-tango siya na parang tanga. Umiling ako sa kaniya at sinundan siya papasok. Akala ko diretso siya sa kwarto niya pero naupo lang siya sa sala at bumontong hininga.

Imbis na sa kwarto ako pumunta ay kumuha na lang ako sa ref ng canned beer bago binalikan siya sa sala. He smirked when he saw the beer that I was holding bago iyon kinuha sa kamay ko. 

Feint (Royal Society #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon