Chapter Thirty-Three
Unspoken Feelings
Tulala ako nang makaalis sa harapan ni Dawn, matapos sabihin ng office na kami ang pinili para makapasok sa Royalty School. I should be happy. I should be celebrating. I should be jumping endlessly. But instead, I feel uneasy.
Alam ko naman ang dahilan. The memory of me shouting at Amara made me cringe. Parang tanga kasi Vince, why do you have to go berserk that day? Iyan tuloy, hindi ko na alam pano haharapin si Amara.
I want to apologize though.
Iyon ang nasa isip ko habang nakaupo dito sa ilalim ng puno. I was silently enjoying my peace when it was ruined by Izaac. Hindi na ako nag-abala pang tumigin sa kaniya at nanatiling nakapikit ang mga mata.
"So, you got in, huh?" Bungad nito sa akin. Alam ko naman na alam na niya ang balita bago pa makarating sa akin pero alam ko din naman may sinusunod silang customs. Alam ko na ngayon. Naalala ko nanaman tuloy ang paninisi ko kay Amara.
Maybe this guy could help. Just maybe. May sira din ito sa ulo parang si Yves eh. That's why I easily got hang with his attitude.
"You are Amara's nephew, right? Is there any way I could do to talk to her?" Bigla ko lang na tanong kay Izaac.
When he didn't answer, I opened my eyes and looked at him. Nanlalaki ang mata niya at gulat na gulat sa narinig sa akin. Ah, maybe because this is the first time I mentioned Amara's name after being a taboo topic a year ago.
"I wish I could see her apologize for what I said last time we talked." I don't even know if the talk was the right term to use because I just shouted at her.
Then Izaac laughed. He laughed so hard in my face. When he finally calmed down, he tapped my shoulders and said, "be careful on what you wish for, man," before leaving me dumbfounded.
Pero napagtanto ko ang ibig sabihin niya nang makita ko si Amara na nagsasalita sa harapan at nagbibigay ng welcome remarks. I just stared at her... it was just one year. But how could she change so much? Parang ibang-iba ang Amara na nasa harapan ko at ang Amara na nakasama ko sa school.
She looked a lot more beautiful. And I know hindi lang ako nakapansin non sa kaniya. Men from different year levels shamelessly staring at her. But Amara seemed oblivious as she continued speaking.
Nanatili ang mata ko sa kaniya nang mahanap niya ang akin. She smiled a little before continuing her speech. Nang nakita na papatapos na siya ay nagpaalam ako sa coordinator na lalabas para pumunta sa comfort room.
I just can't let this chance go. Nandito na siya sa harapan ko kaya bakit hahayaan ko pa siyang makaalis ulit? Baka mahirapan na ako makita siya kung hindi ko pa siya kakausapin ngayon.
Kaya naman naghintay ako sa labas para makausap siya. Mas maganda pala siya ng malapitan. Parang nakakahiyang lumapit sa kaniya dahil nakasuot ako ng uniform habang siya ay mukhang sopistikada sa kaniyang suot.
Iyan ang tumatak sa akin pero mukhang hindi iyon ang gusto mangyari ng tadhana. I helped her get home that day. She was panicking and I wanted to help her in anyway I can. Kaya naman nang maihatid ko siya sa kanila ay napatingin ako sa bahay nila.
Pero sa pagangat ko ng tingin ay bigla akong nanlamig. Queen Athena is currently looking at me from the balcony. The King is hugging her from behind, whispering. But the Queen remained to stare at me, the reason why I bowed down my head and took my leave.
Fuck. That was a nerve-wracking encounter. Tingin palang iyon mula sa itaas pero pakiramdam ko ay nasusuka na ako sa kaba.
Sa mga sumunod na araw ay pinipilit ko pagkasyahin ang oras ko sa pag-aaral at pag-aalala kay Amara. It's just I saw how fragile she is that day. It made me feel want to take care of her. Swerte na lang talaga at minsan ay nagkakasabay kami ng punta sa parehas na lugar. Madalas ay sa library ng school.
Napahinto ako sa pagbabasa nang mapansin ko na nakayuko na si Amara sa lamesa. It's already six in the evening at wala na din ang mga estudyante. I put down the book that I was reading to stare at her.
Do I like you?
I like spending time with you. I am comfortable with you. I feel at peace whenever I am with you. Is that enough to consider myself liking you? Nakakatakot malaman ang totoo kong nararamdaman sayo.
This feeling is scaring me dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin. She is the first and only person that could make me feel at peace. Siya lang. Kahit sa simpleng presensiya niya lang ay pakiramdam ko okay na ako.
I badly want to caress her cheeks but I'm scared that I'll be burned. Masyado siyang mataas para sa akin, parang ang hirap niyang abutin. Kaya mas lalo akong natatakot. Sometimes, I wonder bakit ako pinagtya-tyagaan ni Amara?
I mean, she could easily leave me behind. Pwede naman siyang umalis kapag natapos na niya trabaho niya pero hindi. Nananatili siya kasama ko, inaantay akong matapos para sabay kami lumabas.
I am wondering but at the back of my mind, alam ko ang sagot. Kahit hindi naman niya sabihin sa akin ng direkta, nararamdaman ko naman na espesyal ang turing niya sa akin. Kaya nga napapatanong din ako sa sarili ko.
Iba ang turing ko kay Amara sa ibang tao. I easily feel the comfort in her na hindi ko maramdaman sa ibang tao. It will take me years to get used to other people's presence pero kay Amara, ang bilis ko maging komportable kasama siya.
Do I like you?
I got my answer when I saw her phone, ringing. It indicated a name, Rael. That woke Amara and she immediately answered the call.
"Hi, yes. Kamusta?" She asked on the other line.
She smiled. "I'm fine, you don't have to worry about me," she said and covered the phone before excusing herself to exit the library.
Napabuntong hininga ako.
Alam ko na ang sagot sa tanong ko.
Kaya naman ay paunti-unti akong nagpaparamdam sa kaniya. She noticed that, of course. But she didn't bother inquiring. Sana magtanong siya dahil hindi ko naman alam paano aamin sa kaniya. Wala naman talaga akong ideya kung paano aamin sa kaniya.
Hirap naman nito.
Pero nadinig ata ng utak niya ang hinaing ko kaya siya na nagtanong. Halos magdiwang ako nang nagtanong siya pero hindi ko akalain na tatamaan parin ako ng hiya.
I looked confident in her eyes but I'm having a nervous breakdown right now. Hindi ko alam pano isisingit na gusto ko siya sa tanong niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at iniisip ang gagawin.
Should I just kiss her? Para tapos na at walang usapan? I looked around and noticed that this place is not suitable for that kind of moment. That's why I settled with just holding her hand.
Ah finally. She's smart and I know she could easily understand my actions. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kaniya verbally ang mahala naipakita ko sa kaniya.
Kahit na alam kong bawal siyang abutin, sinubukan ko parin. Ito na yata ang isa sa pinakamatinong desisyon na ginawa ko sa buhay - ang abutin ang buwan.
Na sana ginawa ko nang mas maaga.
***
Hello again :))
BINABASA MO ANG
Feint (Royal Society #3) COMPLETED
RomanceRoyal Society #3 When it comes to the gamble of life, Amara Luelle Nastia never loses. In every action, she makes sure she will gain something. In every step, she makes sure it was thoroughly calculated. In every word, she makes sure there will be...