CHAPTER 3
FLASHBACK
10 years ago
#HighSchoolDays"HOY, MGA BABAE! MAY BALITA AKO!"
Napalingon kami pare-pareho kay Engelyn nang sumigaw ito habang patakbong papalapit sa amin. Narito kami ngayon sa isang bench sa labas ng canteen.
"O, ano? Tungkol saan na naman 'yan, aber?" mataray na tanong dito ng mabungangang si Reena.
Nakatitig lang naman kami ni Ryca rito habang namamapak ng chips at matamang hinihintay ang ibabalita nito.
Hinihingal na umupo si Engelyn sa bakanteng spot ng bench sa tabi ni Reena, saka kinalma ang sarili bago muling nagsalita. "Naglabas na ng ranking ang department natin for this quarter!"
Nanlaki ang mga mata ko at interesadong napaupo ng maayos. "Talaga ba?"
Tumango-tango ito bilang kumpirmasyon. "Oo, bakla! Ngayon-ngayon lang. Kaya nga pinatawag ako sa office para ilabas na rin 'yong sa by section,"
Si Engelyn ang class president ng section namin kaya sa kaniya talaga ang access ng klase namin everytime na may updates and information mula sa 4th year department.
But Engelyn is not the typical kind of a class president. Sa halip kasi na siya ang bumuhat sa lahat, siya ang binubuhat ng iba. What I mean is, kailangan may back-up siya palagi para lang mapasunod ang mga kaklase namin, lalo na ang mga pasaway.
Iba kasi ang takbo ng utak nitong kaibigan naming 'to. Hindi naman siya uto-uto, pero parang gan'on na nga. Madali pa siya masupla ng iba naming kaklase at namamaliit. Pero bilang kaibigan at back-up nga niya, hindi namin siya hinahayaan na madapa.
Mabilis namang nagsitayuan sina Ryca at Reena at nagmamadaling nagyaya patungo roon.
"Tara! Tingnan natin, dali!" pagmamadali ni Reena at talagang kinapitan pa 'ko agad sa braso sabay hila sa 'kin. Sa gulat ko, halos madapa pa 'ko, hanep!
"Dali, dali, dali!" pagmamadali rin ni Ryca at ngayon ay lakad-takbo na kami patungong 4th year department.
"Teka nga, ano ba! Para namang hindi tayo makakarating d'on!" naiiritang singhal ko sa kanila sabay irap.
"Ano ka ba? Dapat makita natin agad 'yong ranking mo! Gan'on na rin ako, kung may nagbago ba," wika ni Reena sabay ngisi, hindi pinansin ang pagtataray ko.
"Ano ka ba, Reena? 'Yang si Leanna, paniguradong walang pinagbago 'yong rank niya. Eh, ikaw, 'wag ka nang umasa!" pambabara naman dito ni Ryca sabay tawa.
"Heh! Shatap ka na lang d'yan, Ryca Shae! Masama bang umasa?"
"Oo nga! Ako nga rin umaasa, eh. Nag-effort din kaya ako for this school year!" biglang singit naman ni Engelyn.
Natahimik kaming tatlo at hindi na lang nagkomento. Hinayaan na lang namin itong umasa sa sariling salita.
Pagdating namin sa 4th year department, sumalubong agad sa amin ang dagsa ng mga kapwa namin estudyante. Katatapos lang ng first quarter last week kaya talagang inaabangan ng lahat ang paglabas ng ranking for this quarter. Pero mas marami ang mga nag-aabang d'yan para maki-usyoso lang kaysa roon sa mga nag-aabang na nasa list sila.
By year ang posting ng ranking. May by section at may overall, pero itong overall pa lang ang narito dahil 'yong sa by section ay sa room namin i-po-post. Kani-kaniyang bulletin board ang bawat year na magkakahanay sa iisang lugar.
Panibagong taon ito, kaya ine-expect ko na baka mabago na naman ang ranking na meron kami kumpara noong 3rd year. Siyempre, humirap ang mga subjects namin, maraming nag-adjust. Pero 'yong rank ko, hindi ko ma-estima kung bumaba ba o tumaas. Hindi ko naman kasi masiyadong iniisip 'yon. Pero siyempre, concern pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Extensyon (EX SERIES 1)
RomanceLeanna is a known NBSB by her friends. They believed that she has never been into a relationship that's why she was always teased by them because of that idea. But that's what they only know. They never know that she also had a past to tell but only...