CHAPTER 21

5 2 0
                                    

CHAPTER 21

"WHY ARE YOU making it a big deal now?" mariing tanong ko kay Jeremy bilang reaksyon sa pasaring niya. "That was a very long time ago already. What do I have to do instead of forgetting about it, then?"

I am trying my best to act calm as we talk about what happened between us ten years ago. Dahil mas mabuti namang kalimutan na lang talaga 'yon, lalo na ngayon na may kaniya-kaniya na kaming buhay! Dapat nga dati ko pa 'to ginawa, eh. But I just can't do it because it felt like there's still something holds me from the past. But since we already had our closure, and he said sorry already, now everything's done.

So, anong gusto niyang palabasin ngayon? Bakit ganyan siya maka-react ngayong kalilimutan na nga lang namin ang lahat?

"I'm not making it a big deal, Leanna Rose. Ang sa 'kin lang, bakit kailangan mo 'kong i-deny ng gan'on sa mga kaibigan at kakilala mo kung wala naman na talaga sa 'yo ang naging sa 'tin noon?" aniya pa.

"Hindi naman ako nag-deny, ah? Inamin ko na nga sa kanila, 'di ba?" I'm trying my best to talk to him as calm as I could.

He made a smirk. "Yes, you did. Kung kailan sampung taon na ang nakalipas,"

Bahagyang tumagilid ang ulo ko habang nakataas na ang isang kilay. Pinipilit kong magtimpi at iwasang magbitaw na naman ng mga salitang kahit na totoo ay baka pagsisihan ko na naman sa huli. Pero pini-provoke niya 'ko, eh!

Napahinga ako ng malalim at napaayos ng upo para mas maharap ko siya ng maayos.

"Okay! I admit it," panimula ko na. He wants me to say it, right? "Yes, I really did lie to my friends about you. Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa kanila ang tungkol sa 'yo at naniwala nga sila na wala pa 'kong naging boyfriend buong buhay ko. Kasi hindi naman na nila kailangang malaman 'yong sa 'tin, eh. After all, what we had was just kept as a secret. Kahit 'yong mga kaibigan natin noon, hindi nila nalaman 'yon, 'di ba? So, bakit kailangan pang malaman ng mga kaibigan ko ngayon?" I blurted out.

"That's not the point, Leanna. You don't really get it, do you?" napahinga pa muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Iba 'yong pagsisinungaling sa simpleng pag-de-deny, eh. You could just tell them that, yes, you had me in the past but it's over now. Hindi 'yong paniniwalain mo sila na parang hindi ako nag-exist sa nakaraan mo,"

It hits me. I admit it. Because that's what I really did. Hindi ako basta nag-deny lang sa kanila dahil pinaniwala ko nga sila na wala ni isang lalaking naging parte ng nakaraan ko. Na wala akong Jeremy na nakilala noon.

Pero ano ba talagang gusto niyang mangyari ngayon? Ang sabi niya, he's not making it a big deal. But what's this?

"Well, what should I expect from you? You really hated me to death, so why am I expecting otherwise?" he said sarcastically. "But don't you think it's unfair to my part, Leanna? Did you know how does it feel like to be denied by someone became part of your past? Kahit na maikling panahon lang 'yon, may pinagsamahan pa rin tayo! Sa tingin mo, ano kayang mararamdaman mo kung ikaw naman ang i-deny ko ngayon?"

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. I can see and feel how pissed he is right now. And every words he said, I know he really meant it, I can feel it.

Pero hindi ko pa rin talaga mawari kung bakit binibigyan niya ng big deal ngayon ang kung anong natapos na sa nakaraan.

This doesn't feel right!

"So, ano ba talaga ang ibig mong palabasin ngayon, ha? Inamin ko na, ah? Na hindi nga kita binanggit sa mga kaibigan ko at pagsisinungaling nga ang ginawa ko sa kanila tungkol sa 'yo. Kasi nga ayaw ko nang maungkat pa 'yon! Ayaw ko mang aminin 'to sa 'yo ngayon at baka sabihin mo na naman na katabilan 'tong gagawin ko, pero 'yon ang totoo! Ayaw ko nang maalala kung anong naging sa 'tin noon, Jeremy. I already buried it deep after we broke up that day.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon