CHAPTER 30

4 2 2
                                    

CHAPTER 30

UMUWI NA agad kami matapos ang tatlong araw na stay namin sa Tagaytay. I can say na even though our vacation went like a retreat for us, it still helped us a lot. A-few-day escape from our reality in the city became an effective treatment for us, most especially for the three.

Until we went back to Manila, I can't still believe those things my friends confessed one night when we went for a bonfire. Kahit wala pa 'yong bakasyon namin ay ramdam ko nang may kaniya-kaniya talaga silang problema. Pero hindi ko naman akalain na gan'on nap ala kalalim.

Hindi ko akalain na sa loob ng maraming taon na pagkakaibigan namin, may mga hindi pa rin pala kami nalalaman tungkol sa isa't isa. Ang akala ko ay ako lang ang may inililihim sa kanila tungkol sa nakaraan ko, sila rin pala. At akala ko ay masyado nang malaki 'yong inilihim ko, mas grabe pa pala 'yong sa kanila. At grabe! Pare-pareho pala kaming hinahabol ng nakaraan namin ngayon, my goodness!

Sa bahay ako dumiretso, siyempre, pagkauwi namin galing Tagaytay. Sila ang naghatid sa 'kin dahil sasakyan lang naman ni Laura ang dala namin.

Saktong-sakto nga na naroon pa sina Mama at Papa pagdating ko. Kaya 'yon, na-corner agad ako, lalo na ni Papa. Panay nga agad ang tanong na akala mo reporter, pero akala mo rin abogado na pilit pinapaamin ang akusado at ako 'yon. Siyempre, ano pa nga bang magagawa ko? Eh, 'di nagkwento na nga ako sa kanila. Nagbitaw rin naman kasi ako ng salita bago ako umalis.

S-um-egway pa nga ako ng pagkukwento sa kanila. Inuna ko 'yong experience namin magkakaibigan doon sa Tagaytay, kung gaano kaganda roon at kung ano ang mga ginawa namin doon. Pero si Papa, siya pa rin ang nagliliko ng usapan patungo kay Robin.

"'Di ba siya rin 'yong lalaking naghatid sa 'yo rito noong college ka? Bakit kasama mo pa rin 'yon?" paninita nga nito.

"Wow! Naaalala niyo pa 'yon, 'Pa?" tila namamangha kong komento. Pero inismiran niya lang ako. Parang hindi talaga ako pwedeng magbiro o magpalusot sa pagkakataong 'to. "Opo, siya nga rin po 'yon. His name is Robin. Galing po siya ng New York, professional photographer po kasi siya roon. 'Yon din po ang dahilan kaya siya umalis noon, kaya hindi niyo na rin siya nakita ulit mula noong araw na 'yon na hinatid niya 'ko,"

"Manliligaw mo ba 'yon, anak? O baka naman boyfriend mo na?" singit naman ni Mama.

"'Wag mo sabihing sinagot mo nga agad 'yon, Leanna Rose, ng hindi man lang namin nakikilala?" angil naman agad ni Papa.

"H-Hindi po! Hindi ko po siya boyfriend... pero nag-de-date po kami," napayuko na lang ako bigla at napakagat sa pang-ibaba kong labi pagkasabi n'on.

"Anong 'date-date'? Ibig sabihin ay nililigawan ka na nga? Bakit hindi mo man lang pinapunta muna rito? Tapos, sumama ka agad d'on sa Tagaytay?"

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa intense na mga tanong ng tatay ko. Good decision talaga na hindi ako nagsabi agad sa kanila tungkol kay Robin bago kami umalis kasi talagang hindi kami matutuloy n'on! Pero ngayon nga ako nagigisa, tss.

"'Pa, inimbitahan niya po kasi ako. Hindi ko naman po mahindian 'yong tao dahil... dahil malapit naman po kami sa isa't isa, magkaibigan din po kasi kami,"

"Magkaibigan pero nagliligawan na kayo?" pasaring pa nito habang lukot na lukot ang mukha. "Siguraduhin mong pupunta 'yan dito sa bahay, Leanna Rose, ha? Dapat magpakilala siya ng maayos sa 'min kung gusto ka nga niyang ligawan!"

"Hay, naku, si Papa! Hayaan niyo na ngang mag-jowa 'yan si Ate!" biglang sulpot naman ni Leona dito sa kusina at nakisali nga sa usapan. "Matanda na 'yan, alam na niya ang ginagawa niya! Ikaw nga 'tong bash nang bash sa kaniya dahil wala siyang jowa, 'di ba, 'Pa? O, eh 'di ngayon, hindi mo na siya i-ba-bash!" wika pa nito sabay diretso sa ref para kumuha ng tubig.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon