CHAPTER 5

7 2 0
                                    

CHAPTER 5

10 years ago
#HighSchoolDays

"NAKAKAINIS! Mas gugustuhin ko pa talagang mag-super-duper long quiz kaysa mag-ganito!" bulalas ko sa sobrang frustation.

Bakit ba kasi ang init-init ngayong araw, eh, nitong mga nakakaraang araw panay naman ang ulan? Grabe! Nahiya ako sa pasikat ni Haring Araw today!

Nasa field kami ngayon, practical exam kasi namin sa PE—softball ang sport.

Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat, 'yong nabababad sa init! Hindi naman sa maarte ako, ha? Nakakairita kasi, tapos ang bilis ko pang hingalin. Ang weak ko kaya sa mga physical activities! I'm not a sporty kind of a person. Ito ang weakness ko.

Nagpa-practice kami ngayon habang hindi pa dumarating 'yong teacher namin. Hingal na hingal na ko kakapulot ng bola, lalo na kapag napapadpad ito sa malayo. Kahit anong practice yata ang gawin ko, hinding-hindi ako makaka-score!

Hindi katulad ng sa actual game ang magiging practical exam namin, more on catching and batting lang ang ipapagawa sa amin ng teacher namin. By 5s ang magiging laro. Isang thrower, isang batter, isang catcher, at 'yong dalawa ay fielders. Tapos switching ang lima na 'yon sa positions sa laro hanggang sa makatapos. Nakabase naman sa dami ng tira at salo namin ang magiging scores.

At 'yon nga ang problema ko. Dito pa nga lang sa practice namin hindi ko na magawang makasalo ng bola, paano pa kaya mamaya sa actual na? Ni hindi rin ako makapalo!

Naduduling ako kapag papalapit na 'yong bola sa akin. Lalo na kapag mabilis! Nawiwindang ako lagi. Pero paniguradong mas mawiwindang ako mamaya sa magiging score ko – kung magkakaroon nga ba? Tsk.

Nang mapulot ko ang last ball na tinira ni Ryca, na siyang partner ko ngayon sa practice, hindi ko na ulit binato 'yon sa kaniya. Sa halip, ibinato ko 'yon sa tapat ko at sumalampak sa damuhan habang naghahabol ng hininga.

"Break muna, 'di ko na keri!" saka ko idinipa ang kamay ko kay Engelyn para manghingi ng tubig. Tinatamad na 'kong pumunta sa bag ko, eh. "Be, pahingi naman!"

Inabot naman agad nito sa akin 'yong tumbler niya, dali-dali ko itong tinungga. Grabe! Sandali yatang naging disyerto ang lalamunan ko sa pagkatuyo.

"Salamat, be!" at inabot ko na ulit kay Engelyn 'yong tumbler.

Pagkaabot ay nakangiwing itinaas nito ang tumbler sa harap ko. "Oo, you're welcome, be. Inubos mo lang naman ang tubig ko!" anito na sarkastiko, na siyang ikinatawa ko sabay 'peace sign'.

Sasarapan ko pa lang sana ang pag-upo ko sa damuhan nang matanaw namin si Reena na tumatakbo palapit sa amin.

"Nand'yan na si Sir! Mag-i-start na raw!" pahiyaw na anunsiyo nito, sapat na para makuha ang atensyon ng lahat.

"Ay, ano ba 'yan?! 'Di pa ko marunong pumalo!" natatarantang bulalas ko. Pagtayo ko ay gan'on na lang ang paghagilap ko sa softball bat na gamit ko kanina.

Hindi na talaga 'ko magtatakha kung itlog makukuha ko rito! Dios mio!

Yayayain ko pa lang sana si Ryca na mag-practice ulit, pero inunahan na kami ng PE teacher namin pagdating nito. Wala na raw magpa-practice at magsisimula na raw kami sa practical exam namin. Napasimangot na lang ako habang paakyat kami sa bleachers. Wala na talaga akong pag-asa!

Hawak ni Sir 'yong index card namin, doon niya kasi bubunutin kung sinu-sino ang mauuna o kung sinu-sino ang mga magsisimula na.

Siyempre, kinakabahan ako ng bongga! Ayokong maging buena mano, alam kong mapapahiya ako panigurado. Dios mio! 'Wag naman sana.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon