CHAPTER 9

4 2 0
                                    

CHAPTER 9

SABAY-SABAY kaming magkakaibigan na napabalikwas ng bangon sa gulat nang bigla na lang kumalabog pabukas ang pintuan.

Oh, my goodness! Pare-pareho pala kaming nakatulog na lang sa kakahintay kay Laura kagabi. At ngayon lag nakauwi.

Napahinto ito sa pintuan at halatang gulat din na makita kami rito sa unit niya.

"Bruha kang Lola ka!" naiinis pero puno rin ng pag-aalala na singhal dito ni Gucci nang matauhan na. Umakto pa ito na sumasabunot sa ere dahil sa gigil.

Narito kaming tatlo sa unit ni Laura. Dito namin siya inabangan kagabi dahil wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Si Gucci ang huling kasama nito sa bar, silang dalawa ang nag-wa-walwal doon pero itong si Laura na naman daw ang nagyaya, as usual. Pero dahil humarot din itong isa, nakaligtaan na nito si Lola na paniguradong naparami na nang inom that time. Hanggang sa pagbalik niya raw sa pinag-iwanan niya rito, wala na ito. Ilang beses daw niya itong tinawagan pero hindi naman sumasagot. Kaya nga nag-'911' na ito sa amin kagabi.

Well, sa aming dalawa ni Sydney, ako nga ang mas naunang nakapag-respond dahil abala pa ito sa concert kagabi. Kaya nga pinasunod ko na lang ito. Pero panigurado, 'yon na rin ang naging dahilan nito para takasan din si Darwin. Hindi kasi nagtagal, nakasunod din agad ito sa akin.

"A-Anong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong ng lukaret na si Lola nang tuluyan na ring matauhan.

"Seriously, Lola? Tatanungin mo kami ng ganyan?" hindi makapaniwalang tanong ko naman pabalik habang naniningkit ang mga mata.

Dahan-dahan akong tumayo at pinameywangan siya. "Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa 'yo dahil hindi namin alam kung saan ka hahagilapin kagabi? Namuti na 'yong mga mata namin dito kakahintay sa pag-uwi mo, pero ngayon ka pa lang pala uuwi? Saan ka ba nanggaling?!" bulyaw ko na. Napansin ko pa ang pagngiwi n'ong dalawa sa lakas ng boses ko. Nakakagigil, eh!

"Totoo, gaga ka!" Sydney added. "Muntik na kaming tumawag ng pulis para ipahanap ka. Naisip namin na baka na-kidnap ka na, eh. Aba, wala kaming pangtubos sa 'yo, bakla!"

"Tarush!" sang-ayon naman agad ni Gucci. "Maldita ka! Halos maging si 'Sisa' ako na naloloka sa biglaang pagkawala mo kagabi sa club! Na-warshocked ang brain cells ko, gaga ka!"

"Ano, ayos ka lang ba? Ano ngang nangyari sa 'yo? Teka, bakit ba naka-bra ka lang–" pinanlakihan ako ng mga mata nang may pumasok na masalimuot na ideya sa isip ko. Mabilis akong humakbang palapit sa kaniya sabay suri sa kabuuan niya. "A-Ano, kinidnap ka nga? Pinagsamantalahan?!" Oh, my god!

Lumapit naman sa akin si Gucci at marahan akong tinapik sa balikat. "Bakla, easy. 'Yan na talaga ang suot niya kagabi n'ong gumora kami sa club. Hindi 'yan basta bra, bralette 'yan, 'yong pang-awra? Alam mo naman 'yan," pagtatama nito.

Ah, oo nga pala. Bakit ba nakalimutan ko na may pagka–liberated nga pala 'tong kaibigan naming 'to? Idol nga rin pala niya si Dua Lipa mula ulo hanggang paa! Pero hanep naman! Anong iisipin ko kung ganitong pinag-aalala niya kami, 'di ba?

"So, ano? Sumagot ka nga!" gusto ko na siyang sabunutan sa gigil lalo pa at ayaw niya pa kaming sagutin ng matino.

"H-Ha?"

Nangunot agad ang noo ko, hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. Matapos ang sandamakmak na mga tanong ay 'yon lang ang lumabas sa bibig niya.

"'Ha'? Anong 'ha'?"

"Hotdog..." nasupalpal ako sa sagot niyang 'yon. Pero nagulat na lang din ako nang bigla na lang siyang kumapit sa magkabilang balikat ko at tila nagsusumamong tinitigan ako. "Hotdog, fabu... gusto ko ng hotdog..." at wala ring atubiling nilagpasan niya lang kami na para bang wala lang nangyari. Dumiretso ito sa kusina.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon