CHAPTER 28

5 2 0
                                    

CHAPTER 28

NANG HUMINTO ang sasakyan ni Robin sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong humalik kina Papa at Mama na talagang sinundan pa ako rito sa labas nang magpaalam ako sa kanila kanina.

"Bye, alis na 'ko! Kitakits na lang tayo ulit pag-uwi ko after three days!" mabilis na paalam ko ulit sa kanila at lumapit na agad ako sa sasakyan ni Robin.

Nang magtama ang paningin namin ay sinenyasan ko agad siyang 'wag nang bumaba. Mabilis akong nagtungo sa backseat at basta ko na lang na ipinasok doon ang luggage ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko. At pagkatapos, patakbo na akong sumakay sa passenger seat.

'Yong tatay ko, ang bilis pa ring nakasilip sa loob at nanlaki agad ang mga mata sa gulat nang makita si Robin! Sumilip din kasi si Robin sa kanila.

Binanggit ko naman sa kanila kagabi itong lakad ko ngayong araw, pati 'yong pag-i-stay ko ng tatlong araw sa Tagaytay kasama sina Sydney, Laura, at Gucci. Pero itong tungkol kay Robin, hindi ko sinabi sa kanila. Malamang, hindi matatapos ang gabi namin sa kaka-interview sa 'kin ni Papa na may halong sermon kapag binanggit ko pa sa kanila 'yon.

"Leanna Rose!" naninindak na tawag pa sa 'kin nito.

Tila nag-worry naman si Robin dahil d'on. "I think I should go outside first to greet them?"

Akmang bubuksan na niya ang pinto palabas nang mabilis ko siyang pinigilan sa braso. Gulat naman siyang napalingon sa 'kin.

"No, 'wag na! Hindi tayo makakalarga agad kapag bumaba ka pa," wika ko. Baka nga hindi pa kami matuloy!

Nalilitong napatitig muna siya sa 'kin ng ilang sandali bago sinilip na nga lang ulit sina Mama at Papa sa labas. "Good morning po, Tito and Tita!" bahagya pa siyang yumukod at nginitian ang mga magulang ko.

Bumati pabalik si Mama at ngumiti. Pero si Papa, hindi na maipinta ang mukha. Sinindakan pa nga ako ng mga mata!

"Alis na kami! Saka na po 'ko magpapaliwanag pagbalik ko, ha? Bye-bye!" paalam ko na lang ulit sa kanila. Kumaway pa 'ko at ngumiti.

"O, sige. Mag-iingat kayo sa biyahe, ha? Enjoy kayo r'on!" nakangiting tinanguan pa ni Mama si Robin.

"Anong–" hindi naituloy ni Papa ang gagawin pa yatang pagkontra nang pisilin ito ni Mama sa braso.

"Let's go!" mabilis na anyaya ko na kay Robin na agad din naman niyang sumunod. Binusinahan na lang niya ang mga magulang ko nang malagpasan na namin ang mga ito.

Nakahinga naman ako ng maluwag at napasandal sa kinauupuan ko nang makatakas na nga kami sa mga ito.

Good job, Leanna! Naisalba mo ang sarili mo at si Robin sa posibleng kahihiyang matatamo mo sa Papa mo!

"Mukhang may pasaway na batang hindi nagsabi ng totoo sa Papa niya, ah?" ilang sandali ay biglang pasaring niya sa 'kin.

Napalingon ako sa kaniya at kitang-kita ko ang mapanuksong ngisi niya kahit habang nagmamaneho.

"Grabe sa pasaway, ha?" singhal ko nga sa kaniya pero napangisi na lang din. "Baka kasi hindi pa tayo matuloy kung binanggit ko na kasama rin kita,"

"Ayaw pa rin ba sa 'kin ni Tito?" aniya. Nakangisi pa rin.

"Hindi naman sa ayaw niya sa 'yo. Ang ayaw n'on ay 'yong ideya na lalaki ang kasama ko. Kahit na panay ang bash sa 'kin n'on, wagas pa rin 'yong umangil sa mga lalaking nakikita niya sa paligid ko," paliwanag ko at napailing na lang ako dahil d'on.

Kapag nag-trenta na kaya ako at wala pa ring jowa gan'on pa rin si Papa?

Knock on wood! 'Wag naman sana, 'no! Diyos ko po!

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon