CHAPTER 26

7 2 0
                                    

CHAPTER 26

"WHAT?! Wala nang jowa 'yong ex mong si Mr. Prince Charming?!" bulalas ni Gucci matapos kong magkwento sa kanila isang araw. Kinuwento ko sa kanila na hiwalay na nga si Jeremy at Ms. Diana. Actually, kay Gucci lang dapat, eh. Kaso narito na rin 'yong dalawa at nasabi ko na rin kaya wala na 'kong nagawa.

"Seryoso ka, fabu?" dagdag pa nito. Hindi na 'ko magugulat sa reaksyon niyang 'yan. Kahit ako naman ay talagang nawindang din.

Tumango ako. "Oo, siya mismo ang nagsabi n'on noong kasal ni Reena. Lahat nga rin kami ay nagulat," kumpirma ko sabay subo sa baked mac ko.

Narito ulit kami sa usual restaurant na pinupuntahan namin to have lunch. Ngayon na lang kami ulit nagkita-kita. Dalawang buwan akong naging abala dahil sa kasal ni Reena, pero aware naman ako sa mga kaganapang nangyari sa mga panahong 'yon sa mga kaibigan ko. Hindi lang ako ang nakaranas ng mga shocking revelations sa buhay, sila rin. Mabuti na lang talaga at nakahanap ulit kami ng oras na magkasama-sama ulit ng ganito.

"Bakit daw naghiwalay?" nang-iintriga namang tanong din ni Lola.

I shrugged my shoulders. "He said, they are not working out so well anymore that they have to finally let go of each other," I told them.

Pero siyempre, hanggang doon lang ang sasabihin ko sa kanila. Hindi ko na sasabihin pa sa kanila ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila na in-open up sa 'kin ni Jeremy noong araw ng kasal ni Reena.

Ilang araw na rin ang nakalilipas mula noong araw na 'yon. At ilang araw na rin 'yong laman ng isip ko at hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko. I never thought that I would hear too much shocking revelations about his life after ten years.

Palihim na lang akong napahinga ng malalim dahil d'on.

"Ilang taon na nga rin ang tinagal nila, fabu?" Gucci asked again.

"Five years," sagot ko sabay inom naman this time sa avocado shake ko.

"Oh, ang tagal din pala," Lola commented. "Pero sa tinagal nila, na-fall out lang din,"

"Baka naman may third party,"

Napalingon kami kay Sydney sa biglaang pagkokomento nito sa pinag-uusapan. Nagulat ako dahil natumpak niya 'yon, ha?

Napakibit ito ng balikat nang mapansin ang biglaang pagbaling namin sa kaniya. "Why? May possibility naman, 'di ba? 'Yan din kadalasan ang nagiging dahilan ng paghihiwalay ng matagal nang mag­-jo-jowa nowadays," anito sabay kain sa cake.

"Hmm, pwede rin. May possibility nga. Pero sino naman kaya ang may third party?" that was Gucci again.

"Si Jeremy?" Lola guessed sabay baling sa 'kin. "Tingin mo, fabu? Baka jerk pa rin 'yon hanggang ngayon?"

"No, hindi pa rin ako naniniwala na gan'on nga si Mr. Prince Charming!" mabilis namang kontra ni Gucci. "Hindi ko talaga kayo paniniwalaan sa part na 'yan dahil kahit na isang gabi lang 'yon, I got to observe him very well that night. And I could say that he's not really like that, he's an angel-like! Kaya, no! Hindi si Mr. Coronel ang may third party kung 'yon nga ang dahilan,"

"Then, that Ms. Diana was the one who cheated?" salita na naman ni Sydney. Napalunok ako kasi kahit hindi niya alam ay natutumpak niya ang hula niya.

Pero siyempre hindi ko 'yon kukumpirmahin.

"Hindi ko alam, mga fabu! Ang sabi naman niya, okay naman daw silang naghiwalay. No hard feelings. Kaya 'wag na lang din nating intrigahin ang talagang paghihiwalay nila dahil buhay nila 'yon, okay?" sabi ko na lang.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon