CHAPTER 31
IT WAS another busy day for me. Heto nga at nasa café ako ngayon ni Laura ngayon habang nag-ta-trabaho. Dito na lang ako nagpunta kaysa roon sa office dahil alam kong mag-isa na naman ako roon. Abala pa rin kasi sa kaniya-kaniyang buhay ang mga kaibigan ko kaya madalang na talaga kaming magkita-kita ngayon mula nang makauwi kami galing Tagaytay.
Kasalukuyan akong nagtitingin ng mga saved aesthetic pictures sa gallery ng laptop ko para sa ni-re-ready kong presentation sa isang client, nang mapunta 'yon sa mga pictures ko na kuha ni Robin sa 'kin that day when we went for a fun ride with his motorcycle.
These are the stolen shots of me taken by him with the beautiful sunset scenery on the seaside. Napangiti na naman ako sa ganda ng pagkakakuha niya ng mga ito. I even set one of it as the background picture of my laptop. Hindi ko pa nga siya na-a-upload sa Instagram ko kasi naging busy nga ako.
While looking at these, hindi ko rin napigilang maalala ang sinabi niya noong naroon kami. His words never leave my mind since that day.
"Kung pwede lang... sana ako na lang lagi ang dahilan ng bawat pagngiti mo..."
I don't know why, but I kept on wondering why did he say that or why does he have to say that? I told him I'm happy with him, isn't it obvious that I smile because of him? O meron pa bang dapat ay maging dahilan ng pagngiti ko bukod sa kaniya?
Naiisip ba niya na magkakaroon pa 'ko ng iba?
Mas lalo yata akong na-bothered sa ideyang 'yon.
Pero bakit niya naman iisipin 'yon, 'di ba? I don't have anyone but him.
Nasa gan'ong kalalim akong pag-iisip nang mag-ring ang cellphone ko na nasa gilid lang ng laptop. 'Yong client na i-mi-meet ko mamaya ang tumatawag. So I quickly answered it.
"Hi, Mr. Gonzales! Good afternoon," bungad ko.
"Good afternoon, Ms. Leanna," he greeted back. "I'm now coming to the coffee shop where we're going to meet. Sorry, mapapaaga ng kaunti. May dadaanan pa kasi ako mamaya before six, eh,"
"Oh! No, it's okay! Actually, I'm now here. Naghihintay na lang ako ng oras sa meet-up natin. Hindi na rin naman ako busy. Mas mabuti nga para mas maaga tayong matapos,"
"Really? Oh, thank you! Okay, see you in few minutes, then,"
"Okay, see you!" at binaba ko na rin agad ang cellphone ko pagkatapos ng tawag.
I saved first the presentation that I'm doing before exiting it, then I opened another document that I'm going to show Mr. Gonzales later for a short discussion.
I take a look on my wristwatch to see the time. It's now quarter to five in the afternoon. Hindi naman aabutin ng isang oras 'yong pag-uusapan namin about sa event na ipapa-organize niya sa 'kin since this is our first meet up.
Ilang minuto pa ay dumating na nga si Mr. Gonzales. I recognized him since I checked his profile on Facebook. Through messenger niya kasi ako min-essage for this.
"Nice to meet you, Mr. Gonzales!" I even offered my hand to him for a handshake.
He quickly took it as he greeted me back. "Nice to finally meet you, too, Ms. Leanna,"
I smiled. "Let's have a seat,"
Tumango naman ito at doon naupo sa katapat kong upuan.
"The event is a marriage proposal, right?" I asked.
"Hmm, yeah. It's my marriage proposal,"
Mas lalo akong napangiti rito. "Wow! Another couple to settle down in this world,"
BINABASA MO ANG
Extensyon (EX SERIES 1)
RomanceLeanna is a known NBSB by her friends. They believed that she has never been into a relationship that's why she was always teased by them because of that idea. But that's what they only know. They never know that she also had a past to tell but only...