CHAPTER 32

6 2 0
                                    

CHAPTER 32

PINILIT kong kalimutan 'yong nangyari sa 'min ni Jeremy kagabi, pero hindi talaga ako tinigilan ng kunsensya ko sa mga nabitawan kong salita sa kaniya kaya hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi.

Nakakainis na kasi siya, eh! Nakakapikon na! Hindi niya lang isang beses ginawa sa 'kin 'yon, tapos pag-iisipan pa niya 'ko ng gan'on? Bakit? Gan'ong klaseng babae ba ang tingin niya sa 'kin? Na kaya kong lokohin si Robin, gan'on?

Alam kong mali ako sa pagkukumpara ko sa kanilang dalawa, hindi ko dapat sinabi sa kaniya 'yon. Pero hindi ko na talaga napigilan 'yong bibig ko, eh! Pino-provoke niya 'ko! Tapos talagang nakakahiya pa roon kay Mr. Gonzales 'yong ginawa niya. Ano kayang iniisip n'ong tao ngayon sa 'kin dahil d'on sa ginawa niya?

Tapos ngayon, 'eto na, kunsensya ko naman ang kalaban ko ngayon. Oo at totoo rin naman talaga ang mga sinabi ko, pero alam kong mali rin talaga 'yong nagawa ko. Na sinabi ko sa kaniya 'yong mga salitang dapat ay isinasaisip ko lang.

So, ano dapat ang gawin ko? Mag-sorry sa kaniya dahil d'on? Dapat siya ang mauna dahil siya itong nang-akusa ng kung anu-ano sa 'kin!

Pero gan'on naman talaga tayo kapag talagang galit na galit na, 'di ba? Hindi na natin ma-control ang sarili nating emosyon. Para talaga akong sinapal n'ong mga sinabi niya, eh. Tagos na tagos!

Eh, siya kaya? Ganito rito kaya siya sa 'kin ngayon? Nakukunsensya rin kaya siya sa mga paratang niya sa 'king maling-mali naman? O baka ako lang ang ganito kasi talagang plano niya talagang gawin 'yon?

Tss!

Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa inis. Mas lalo pa yata akong naiinis ngayon habang naaalala ko ang mga 'yon.

"You okay, fabu?"

Napukaw ako sa pagmamaktol sa aking isip nang marinig ko ang tanong na 'yon ni Laura. Nasa harap na pala ito ng table ko at mukhang paalis na yata.

"H-Ha?" gulat kong reaksyon. Kanina pa kaya siya nand'yan? Hindi ko man lang napansin.

"Okay ka lang ba?" tanong ulit nito. "Parang may inaaway ka kasi sa isip mo based d'yan sa mukha mong hindi na maipinta, eh. Tapos, mapupunit mo na 'yang sheet ng journal mo sa higpit ng hawak mo," at ininguso pa nito ang journal ko.

Napababa naman agad ako ng tingin sa tinukoy nito. At totoo nga, nakalamukos nga ang kamay ko sa pahina ng journal ko!

Ano ba 'yan?!

Halos padabog ko itong isinarado at saka ako napabagsak sa backrest ng swivel rest ko sabay hinga ng malalim.

"You look stressed out. Sino na naman ang dahilan n'yan?" tanong na naman ni Lola habang may nagdududang titig sa 'kin.

Umiling ako. "Wala, masama lang gising ko kaninang umaga," at iniba ko na agad ang usapan sa pagbabalik-tanong sa kaniya. "Aalis ka?"

Tumango ito. "It's already lunch time, fabu. That's why I'm here to invite you. Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang 'di mo naman ako naririnig kaya lumapit na 'ko,"

"A-Ah, gan'on ba?" Gan'on ako ka pre-occupied?

It's Jeremy's fault!

She nodded. "Are you done now? Let's have lunch with Blue!" anyaya nito malaunan.

"Yeah... natakatapos din naman," malamya kong sagot sa kawalan ko ng mood. "Okay, ayusin ko lang 'tong mga 'to," at kumilos na nga ako sa pag-aayos ng mga gamit kong nagulo na napagbalingan ko rin kanina para lang mawala si Jeremy sa isip ko. I turned off my laptop as well after I saved the presentation I'm doing. After that, kinuha ko na ang bag at phone ko para sumama na nga kay Laura. Kinapitan naman agad ako nito sa braso at sabay kaming lumabas ng office.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon