CHAPTER 19

4 2 0
                                    

CHAPTER 19

"ARAY NAMAN!" daing ko sabay sapo agad sa ulo ko. Itinuktok kasi ni Gucci sa ulo ko 'yong isa sa mga dala niyang bottled water na binili niya sa loob ng convenience store kung nasaan kami ngayon.

Sila na ang humila sa 'kin kanina palabas ng bar pagkaalis na pagkaalis nina Jeremy at Darwin. At dito nga kami nagtungo, sa isang convenience store na malapit. Narito kami ngayon at nakatambay sa stall nito sa labas.

Mabuti na lang talaga at naiuwi na ni Darwin si Jeremy bago pa man ako tuluyang matauhan kanina mula sa pagkakabigla. Dahil kung hindi, ma-ka-karate ko talaga si Jeremy sa sobrang gigil!

Bwisit na damuhong lasing na 'yon!

"'Yan ang bagay sa 'yo! You're a liar! You're a bad, bad girl!" gigil na gigil pero akala mo batang singhal sa 'kin ni Gucci. Naupo na rin ito sa upuan sa tapat ko na iniwan nito kanina para nga bumili ng tubig sa loob.

Ibinigay niya 'yong iba kina Sydney, Lola, at Blue. Padabog naman nitong binuksan ang kaniya saka ininom habang nanlilisik pa rin ang mga mata sa 'kin.

Napaismid naman ako. Hindi makakibo kasi guilty.

Bigla namang napahilot si Lola sa sentido. "Mas lalo yatang sumakit 'yong ulo ko sa nalaman ko kaysa roon sa nainom ko, ah?"

"Sinabi mo pa!" tili na naman ni bakla bilang pagsang-ayon.

"Wow! Tama ba talagang narinig ko kanina? Hindi kaya lasing lang ako?" wika naman ni Sydney.

"Gaga! Paano kang malalasing, eh, puro tubig lang naman yata ang nilalaklak niyo kanina ni Leanna?" ito naman ang binalingan ni Gucci sa pagsusungit.

"T-That's also my point!" kibo ko. "H-He's drunk! Do you really believe what he just said, huh?"

Nakakunot pa ang noo ko nang sabihin ko 'yon. Medyo kailangan ko ng acting para mapaniwala ko sila.

Pero napadaing na naman ako nang si Blue na ang pumitik sa noo ko. Ito kasi ang katabi ko ngayon.

"Girl, don't you believe in the saying na, 'maniwala ka na sa lasing, 'wag sa bagong gising'?"

Bigla namang natawa si Laura sa sinabi nito. "Loka! 'Magbiro' 'yon hindi 'maniwala'! 'Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising'!" at napahalakhak pa ito habang naiiling. "I think, you already lost your Filipino thinking for staying so long in New York, girl!"

Umirap si Blue. "Ah, basta! 'Yon na rin 'yon! Naroon din naman ang point ko, eh. Hindi mo kasi pinatapos ang sasabihin ko!"

Pero tinawanan pa rin ito ni Lola. Nakitawa na rin si Syd at Gucci.

"Okay, my point is... 'yon na nga, eh. Lasing siya. 'Di ba kung kailan tayo lasing ay saka tayo nakakapagsabi ng totoo? So, definitely, what he has said was true! So don't use that as an excuse, Lee!" he really even corrected his thought.

"Yes! Yes, that's true!" panunumbalik ni Gucci. "And I think, kahit hindi lasing si Mr. Coronel, he has no reason to say it as a lie! Bakit siya magsisinungaling o mag-i-imbento, right?"

"Lulusot ka pa, Lee, ha?" nakangising kantyaw naman sa 'kin ni Lola. Wala na 'kong ibang magawa kung 'di ang umirap sa kanila.

"So, now explain, Leanna Rose!" Gucci dramatically spoke. He's even pointing himself with a dramatic look on his face. "We deserve an explanation! We deserve an acceptable reason!"

"Ay! Papa P is that you?" Blue exclaimed while chuckling.

"Ay, wit! Ako 'yong jowa niya!" then Gucci even popped his lips after saying that then waved his short hair.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon