CHAPTER 17
UNTIL NOW, I can't believe what I just discovered about him that night. It seems that my mind can't be able to process all of it even after few days. Those are just too much to take in just a night!
Kapag naaalala ko ang lahat ng nalaman ko noong gabing 'yon, natutulala na lang ako at iniisip ko kung talaga nga bang nalaman ko ang lahat ng revelations na 'yon nang isang gabi lang.
Imagine, 'yong taong kinamuhian ko ng halos sampung taon ay isa palang napakabigating tao! Ang hirap talaga na hindi ko siya nakilala nang husto noon. Eh, 'di sana hindi ako ganito kawindang ngayon, my goodness!
And also, I never thought that he's now engaged. Kahit nga ang pagkakaroon niya ng girlfriend ay hindi ko man lang naisip, eh. Kahit isang buwan din kaming nagkatrabaho.
Grabe... Grabe talaga!
Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap noong gabing 'yon dahil naging abala na kami pareho. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aasikaso ng mga staff and suppliers katulong si Gucci, habang siya naman ay abalang-abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga bisita na binabati siya sa pagkakaluklok niya sa panibagong posisyon at kasama pa niya ang fiancée niya noong gabing 'yon. Nang matapos naman ang event ay hindi ko na siya nakita pa hanggang sa makauwi na kami ni Gucci.
And speaking of Gucci, hindi na muna ako kinulit ng baklang 'yon na magkuwento tungkol sa nalaman niya kay Mr. Secretary, saka na raw kapag nagkasama-sama ulit kaming apat. Alam ko rin kasing pagod na rin ito noong gabing 'yon para makipagdaldalan pa. Ako rin naman. Wala na akong lakas na magkuwento pa noong gabing 'yon. I was drained physically, mentally, and emotionally.
"Okay," sa kabila ng aking pagmumuni-muni rito sa balcony ay narinig ko ang boses ni Papa. "Anong iniisip mo bukod sa wala kang jowa?"
Sumimangot ako. "Tss! Basher,"
Nginisihan ako ni Papa at nilapitan. Nag-iwas naman ako ng tingin at tumanaw na lang ulit sa madalim na kalangitan na puno ng stars. Ang sarap sa feeling na pagmasdan ito ngayong gabi.
Hindi na 'ko nagulat nang tabihan ako ni Papa dito sa bench na kinauupuan ko. Sa paglapit pa lang nito ay alam ko na.
Ilang sandali munang namayani ang katahimikan sa pagitan namin bago ko naisipang magtanong.
"'Pa, may tanong ako," kuha ko sa atensyon nito.
"Hmm?" tipid lang nitong tugon but I know he's already all ears for me.
Ngumuso ako at nagbaba ng tingin, pinagmasdan ko ang aking mga paa habang nagdadalawang isip kung dapat ko nga bang ilabas ang katanungang ito sa isip ko.
But I really want to bring this is out of my head before it made me insane just by thinking about it and left it unsaid!
I cleared my throat and spoke. "Hindi naman masamang magsabi ng totoo, 'di ba?" I first asked. "I mean... pinalaki niyo kami na dapat laging nagsasabi ng totoo kasi ang pagsisinungaling ay walang maihahatid na tama para sa 'min,"
"Hmm, oo. Kahit kailan, hindi naging masama ang pagsasabi ng totoo. 'Yon nga ang laging tinuturo namin ng Mama mo sa inyo, 'di ba?"
Tipid akong napangiti at napatango.
Oo, lagi nilang pinapaalala sa amin 'yon noong mga bata pa lang kami. Na ang pagsasabi ng totoo ay ang tanging susi sa kaluwagan ng loob ng isang tao. Kasi kung itatago mo ang katotohanan at tatakpan mo ito ng kasinungalingan, para mo na ring ikinulong ang sarili mo na walang kaluwagan ng loob.
Kaya nga gan'on ang lagi kong ginagawa. I am always saying what I truly feel towards other people. I am always trying to be honest on all people around me and close with me even though I know it's hard for others to accept it.
BINABASA MO ANG
Extensyon (EX SERIES 1)
RomanceLeanna is a known NBSB by her friends. They believed that she has never been into a relationship that's why she was always teased by them because of that idea. But that's what they only know. They never know that she also had a past to tell but only...