CHAPTER 34
"W-WHAT WAS THAT?" naguguluhang tanong ko kay Jeremy nang makita ko siya rito sa balcony sa second floor nitong mansyon.
Iniwan ko sila nina Mrs. Feng kanina dahil kinailangan kong puntahan 'yong staff ng isa sa mga supplier. Para na rin makatakas sa kahihiyan.
Pero pagkatapos ay hinanap ko rin siya. Gusto ko siyang kumprotahin sa mga pinagsasasabi niya sa ginang kanina at dito ko nga siya nahanap. Nakahilig siya roon sa railings habang nakatingin sa malayo nang maabutan ko. Walang ibang taong narito dahil abala ang lahat sa bulwagan.
Mabilis ko namang nakuha ang pansin niya, ngunit naging mabagal ang kaniyang naging paglingon.
Napatitig ako sa kaniya pabalik nang titigan niya pa muna ako ng seryoso ng ilang segundo. Unti-unti namang bumalik ang misteryosong tibok ng puso ko nang sumilay na ang ngiti niyang hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.
"What?" he asked back, then looked away again.
"You know what I'm talking about," I sighed, then I stepped closer to him until I am already beside him, leaning also on the railings, but I made an enough distance from him.
Tulad niya ay tumanaw rin ako sa malayo habang naghihintay ng isasagot niya sa tanong ko. Ang gaganda na naman ng mga bituin sa langit ngayon, mas lalong pinapaganda ang liwanag na dulot din naman ng buwan.
Tumagal pa ang ilang sandali ay hindi na talaga siya kumibo, tila wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.
"Bakit mo sinabi ang mga sinabi mo kanina?" inulit kong muli ang tanong ko nang hindi ko na makaya pa ang pananahimik niya.
Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya. "Alam kong gusto mo lang sakyan ang biro ng Mama ni Mrs. Feng, p-pero hindi mo na kailangan pang magsabi ng gan'on," sita ko na sa kaniya.
Alam kong hindi ko na dapat gawing big deal pa 'yon, naiintindihan ko naman kung bakit kailangan niyang sabihin 'yon para lang magkaroon ng biro na kakagat sa biro ng matanda. Oo, wala akong dapat seryosohin doon, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, eh. Gusto kong liwanagin niya 'yon at ipabawi sa kaniya.
Nilingon na rin niya 'ko. "Why? Does it matter? That was a compliment anyway," balik niya naman sa 'kin.
It does matter! You have to make it clear before it made trouble in my mind! "Oo nga, alam ko. Pero hindi mo kailangang kumagat ng gan'on para lang sakyan 'yon sinabi n'ong matanda, Jeremy! Sana tinama mo na lang, 'di ba? Nagkunwari at nagsinungaling ka pa," saka ako napaikot ng mga mata.
"Oo, sinabi ko ang mga sinabi ko para lang kumagat sa biro ng matanda," natigilan ako nang bigla na lang siyang humakbang ng isa palapit sa 'kin habang seryoso ang kaniyang mukha. "Pero paano mo nasabi na kasinungalingan lang 'yon? Gan'on ka ba talaga kahusay bumasa ng takbo ng isip ng tao, Leanna Rose? I think... you're not,"
Natahimik ako sa sinabi niya, naguguluhan din. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kaniya, gan'on din naman siya sa akin.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Anong hindi kasinungalingan 'yon?
"You are very good in reading people just based on your judgments, just on what you observe them. But I found out that it is also your weakness, your mistakes proved it," he said.
Umawang ang bibig ko at ilang beses din akong napakurap. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya sa 'kin ng diretsahan 'yon ngayon.
Pero tama naman siya, eh. Aminado na 'kong magaling talaga ako sa pag-judge ng tao base lang sa nakikita at naoobserbahan ko kahit hindi ko naman ito gan'on kakilala. Kaya nga sa huli ay ako pa rin ang mali. At oo, alam niya 'yon dahil minsan ko nang nagawa sa kaniya 'yon.
BINABASA MO ANG
Extensyon (EX SERIES 1)
RomanceLeanna is a known NBSB by her friends. They believed that she has never been into a relationship that's why she was always teased by them because of that idea. But that's what they only know. They never know that she also had a past to tell but only...