CHAPTER 35

4 2 0
                                    

CHAPTER 35

MULI AKONG napalingon sa cellphone nang mag-alarm ito sa pangatlong pagkakataon. At katulad ng ginawa ko sa una at pangalawa, in-snooze ko lang ulit ito saka binalik sa bedside table. I know it will alarm again after thirty minutes. Gan'on ang ginagawa ko, pero inilalaan ko lang ang oras sa pag-iisip sa halip na bumangon.

Kanina pa 'ko gising, mula pa nang unang alarm ng phone ko. Pero hindi naman ako kumilos dito sa higaan ko. Gising na ako pero pinanatili ko lang ang sarili ko na nakahiga at malalim na nag-iisip.

Tuluyan na 'kong nawalan ng gana na umalis ngayon ng bahay. Actually, noong isang araw pa ako ganito. Pinilit ko lang talaga ang sarili ko noong mga nakakaraang araw dahil may kailangan akong gawin. At ngayon nga, nag-alarm ako dahil may kailangan din akong kitain na client, pero wala na talaga akong ganang gumalaw at lumabas ng bahay ngayon.

Ang dami-dami ko na namang iniisip, at isa nga roon ang pag-alis ng bahay ngayong araw. Nang mapagtanto ko na wala na talaga akong balak na umalis, dinampot ko ulit ang cellphone ko para i-text si Mr. Gonzales habang maaga pa. Ipapa-reschedule ko na lang ang meet-up namin bukas kung pwede. Magdadahilan na lang ako na may emergency.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nakapag-reply. Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumayag ito.

Napahinga rin ako ng malalim dahil d'on. Paninindigan ko na nga itong 'di ko paglabas ng kwarto maghapon. Magkukulong na lang ako at mahihiga habang lumulutang ang isip ko sa kung anu-anong isipin. Kaysa 'yong ganito ako habang nasa labas. Ayaw ko namang maaksidente dahil lang sa sarili kong kalutangan dahil mahal ko pa ang buhay ko.

Kabababa ko pa lang ng cellphone ko nang bigla naman itong mag-ring. Kunot-noo ko itong nilingon ulit at dinampot, at nakita ko na si Gucci ang tumatawag. Sinagot ko naman agad.

"Hello?"

"Fabu, where are you?" tanong agad nito. "Are you going here in the office today?"

"No, dito lang ako sa bahay ngayon. Masama ang pakiramdam ko, eh. Why?" matamlay kong sagot.

"Oh, gan'on ba? Kaya pala anong oras na, wala ka pa rin dito. Kaya nga tinawagan na kita,"

"Bakit? May kailangan ka ba, fabu?"

"Hmm, oo sana. May hihingin akong data sa 'yo saka sample ng event plan mo, eh. Kailangan ko sa isa kong client,"

"Pwede bang daanan mo na lang dito sa bahay? Narito rin kasi sa bahay 'yong mga gamit ko, naiuwi ko kahapon. Hindi na kasi ako nakadaan sa office kahapon bago umuwi. I-re-ready ko na agad para i-aabot ko na lang sa 'yo,"

"Sige, okay lang naman. Dadaanan kita bago ako dumiretso sa client ko. And one more thing, fabu. May isa pa kasing may kailangan sa 'yo," he added at the end. He paused for a while before proceeding. "Jeremy went here just a minute ago, hinahanap ka naman ng Lolo mo, bakla ka!"

Natigilan ako nang binanggit nito si Jeremy.

Si Gucci rin ang naabutan ng lalaking 'yon n'ong huling punta niya roon sa office pero hindi ko siya hinarap. Nagtago ako n'on at pinagdahilan ko nga si Gucci na wala ako. Ayaw ko siyang harapin, eh. Hindi pa 'ko handang harapin siya ulit.

"Tell me nga, Leanna Rose. May nangyari ba sa inyong dalawa at bakit pinagtataguan mo 'yong tao ngayon?" sita na nga sa 'kin ng kaibigan ko.

"A-Ano bang nangyari ang sinasabi mo? And hindi ko naman siya pinagtataguan, eh..."

"Lokohin mo ang sarili mo, Leanna Rose! 'Wag kaming mga kaibigan mo! Hindi ka magaling magsinungaling, girl! Alam ko 'yan, dahil napaka-honest mong tao. Pati tono at gestures mo napaka-honest kaya hindi mo kami maloloko. I know there's something fishy between the two of you that's why you're like that,"

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon