CHAPTER 24

4 2 0
                                    

CHAPTER 24

WEEKS HAVE PASSED at mas dumalas pa ang pagkikita namin ni Reena para sa pag-aayos ng kasal nila ni Harold. Tinotoo nga ng bruha ang sinabi na sasamahan niya 'ko sa lahat ng kailangan kong asikasuhin at kausapin. Nalaman na nga niya ang routine ko sa paghawak ng mga events, eh. Gan'on daw pala 'yon ka-busy.

Hindi na rin muna ako tumanggap ng ibang events para nga makapag-focus na lang ako sa kaniya. Pinasa ko na lang muna roon sa tatlo ang mga kakilalang gustong magpa-book ng event sa 'kin. Naiintindihan naman nila 'yon.

Isang araw ay nagkita-kita naman kami kasama si Engelyn. We took it as a free day na rin at madalang na rin kasi kaming makalabas ng ganito. Wala na naman nga si Ryca dahil nasa Japan ngayon ang loka! Bakasyon yata kasama ang boyfriend. Kaya video call na naman ang uwi niya para lang makumpleto kami kahit papaano sa girls' date naming 'yon. Just like what we had from the past dahil ito nga lagi ang malayo.

"I really want to see you again, girls! I want to hug you, I want to kiss you, tapos mag-iingay ulit tayo kung nasaan tayo! I miss you so much!" halos maiyak pa yata si Ryca sa kabilang linya.

"Heh! Kasalanan mo rin naman 'yan. Buti nga sa 'yo, 'no! Kung saan-saan ka naman kasi napapadpad, bruha ka! Ang hirap-hirap mo kayang hagilapin!" singhal sa kaniya ni Reena.

"Grabe naman kayo sa 'kin! Natataon lang talaga na nasa ibang lugar ako kapag nagyayaya kayo, kaya kayo ang madaya!" at talagang binalik pa niya sa 'min ang sisi, ha?

Natawa na lang kami.

"Siguraduhin mo lang talaga na makakapunta ka sa kasal ko next month, ha? Kung 'di, kakalbuhin talaga kita!"

"Oo naman, 'no! Hindi ako mawawala sa very special day of your life. Taray! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikaw ang unang ikakasal sa 'tin!"

"True, 'yan din ang sabi ko sa kaniya n'on, bessy. Masyado kasing bulag si Harold sa kaniya, eh!" sang-ayon ko naman sa pang-aasar kay Reena.

"Grabe sa nabulag, ha? Bakit? Sino ba ang inaasahan niyong mauunang ikasal?"

"Si Engelyn!" sagot agad ni Ryca, pero napatingin na rin ako sa binanggit nito.

"Oh, bakit ako?" hindi makapaniwalang komento naman ng isa.

"Ah, kasi nakakadalawang set-up na ang Mommy niya sa kaniya ng dapat ay pakakasalan niya?" tanong ni Reena pero nang-aasar ang ngiti kay Engelyn.

Napaismid naman 'yong isa. "But we always didn't work out dahil masyadong mga pasaway 'yong anak ng mga amiga ni Mommy na ni sine-set up nila for me. Ayaw ko namang matali sa mga gan'on ugali, 'no. Kahit hindi na lang 'yong dream guy ko, basta mahahalin na lang ako ng totoo, okay na sa 'kin 'yon. Just like how your boyfriends love you, mga bessy. Gusto ko pa rin maging masaya tulad niyo," Engelyn reasoned out.

Napatango-tango ako sa sinabi nito, sumasang-ayon. Well, who wouldn't want that for themselves too, right? Lahat naman tayo ay 'yon ang gusto para sa isang relasyon, Even I want that for myself.

"So, true, bessy. You still deserve someone better. At sana, 'yang si Papa Drew na nga ang for you. He loves you naman, right?" Reena advised her. Kahit na gan'on ay may boyfriend pa rin naman ngayon si Engelyn. Ang alam ko, hindi na 'yon reto lang sa kaniya ng Mommy niya. At hindi pa rin naman yata sila nagtatagal, months pa lang din.

"Yes, he loves me naman. And I hope for that, too," Engelyn agreed.

I'm so happy to see my high school friends again and have this nostalgic comfortable conversation girls' talk with them. Alam niyo 'yon? 'Yong kahit napakadalang na lang naming magkita at magkamustahan ng ganito ay hindi pa rin talaga nagbabago ang closeness namin kapag nagkikita-kita ulit kami. Gan'on pa rin ang turingan namin sa isa't isa. Gan'on pa rin ang ingay nila.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon