CHAPTER 12

8 2 2
                                    

CHAPTER 12

"HELLO, MY LOVELY FABU!" buong siglang bati sa 'kin ni Laura pagdating na pagdating 'ko sa coffee shop nila. Nasa pinto pa lang ako ay nakasalubong na siya agad sa 'kin. Pero agad ding nangunot ang noo nito nang makita ang reaksyon ng mukha ko. "Oh, why? Are you okay?"

Pinaikutan ko ito ng mga mata. "Paanong magiging okay? Eh, kahapon pa nasa pagawaan 'yong sasakyan ko! Ang hassle mag-commute,"

True! Nasa pagawaan nga ang sasakyan ko ngayon. Naroon nga ako kanina sa pinagdalhan kong talyer nang tumawag si Laura at pinapapunta ako rito sa coffee shop nila. Actually, kahapon pa ng umaga 'yon naroon, eh. Pero nang binalikan ko nga kanina, hindi pa rin daw okay dahil may kailangan pa raw silang palitan na piyesa.

Ang wrong timing nga, eh. Kung kailan ang dami kong pinuntahan kahapon, saka pa siya nasira! Puro commute tuloy ang ginawa ko kahapon. Hindi ko naman mahingan ng tulong sina Gucci at Sydney para sana makisabay dahil may kaniya-kaniya rin silang larga kahapon.

Didiretso na sana ako kung nasaan sina Gucci at Sydney na narito rin nang mapansin ko ang buhok ni Laura.

"Ano na namang trip 'yan, Laura Denisse? Bakit pink?" kunot-noong tanong ko sa kaniya na nakaturo pa sa buhok niya. Gusto ko ring matawa kasi kung anu-ano na lang talaga ang trip ng babaeng 'to sa buhok niya.

"Why? It's Rosé's hair color this time! You know, 'yong hair color niya sa 'Love Sick Girls'? I'm also BLINK, remember?" proud na proud pa niyang sabi habang feel na feel pa sa paghawi ng buhok niyang ngayon ay kulay pink na nga.

Member ng KPOP girl group na BLACKPINK and sinabi niyang pangalan. BLINK naman ang tawag sa fans ng group na 'yon.

Mukha ngang paninindigan niya talaga ang sinabi niyang gagayahin niya ang hair color and style ng bawat member n'on. Pangatlo na niya 'yan, eh.

Doon siya nag-start sa black bob with light blonde highlight na hairstyle ni Lisa. It was a short hair with bangs na may blonde underneath color sa sides ng hair niya.

Sumunod naman ay 'yong nagpa-two-toned haircolor siya noong humaba na ang buhok niya. Pinaitiman niya 'yong blonde underneath haircolor niya at 'yong humaba naman niyang bangs ang pina-blonde niya to show the two-toned. Hairstyle naman daw 'yon ni Jennie, na siyang huli niyang hairstyle bago nga itong color pink niyang buhok na kay Rosé naman daw. Plain light pink ang kulay ng buong buhok niya ngayon.

At lahat ng hairstyles na 'yon ay nagawa niya sa loob lang ng ilang buwan. Per quarter yata ang trip ng babaeng 'to, eh. Every three months kasi ang pa-salon niya at last year lang siya nagsimula.

Sinakyan na lang namin ang trip niya. Bagay rin naman sa kaniya, eh. Lahat naman yata ng hairstyles na gawin ng babaeng 'to, eh, kayang-kaya niyang dalhin.

Well, fun fact – Laura was a fashion model before bago pa man kami mag-start sa business namin. Halata naman 'yon sa height pa lang niyang 5'7, tapos napaka-sexy pa ng bruha. Laura is indeed gorgeous kahit pa walang make-up.

"Ganda ko, 'no?" tanong niya pa sa 'kin habang nag-ti-twinkle-twinkle ang mga mata at hinahawi pa rin ang buhok niya sa harap ko.

"Oo na lang, Lola!" at nilagpasan ko na siya para dumiretso na sa table nina Gucci at Sydney.

"Hindi pa rin daw okay ang sasakyan mo, fabu?" Sydney asked after I took a seat with them. I sat on the chair beside Gucci. Si Laura naman ang naupo sa tabi ni Sydney.

"Hindi pa raw. May kailangan pa raw silang palitan na piyesa," sagot ko sabay inom d'on sa coffee cup na nasa tapat ko. Mukhang para sa 'kin talaga 'to dahil café machiatto ang coffee at may kasama pang choco mousse. Nilingon ko si Laura. "Ito na 'yong peace offering mo?"

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon