CHAPTER 11

2 2 0
                                    

CHAPTER 11

AFTER MEETING with Jeremy, dito ako sa office dumiretso. Naalala ko, wala nga palang tao sa bahay ngayon. Wala rin akong makakasama roon kung uuwi ako ng ganitong oras. Kaya rito na lang ako nagtungo bago mag-lunch pampalipas oras.

Hindi na rin ako nagtagal kasama si Jeremy. Thirty minutes nga lang yata ang itinatagal ko roon sa café kasama siya. Pagkaubos ng kape ko, nagpaalam na agad ako sa kaniya na aalis. Wala naman nang dahilan pa para magtagal ako kasama siya, eh. Hindi ko pa rin kasi talaga kayang matagalan ang presensiya niya, kahit pa ngayong pumayag na akong makitungo sa kaniya ng kaswal.

Hanggang ngayon, wala pa ring kupas ang kakulitan ng lalaking 'yon. Hangga't hindi siya napagbibigyan, hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Siya yata ang pinakamakulit na taong nakilala ko. At hindi ko akalain na hanggang ngayon ay gan'on siya. Mas malala nga lang siya dati.

I really want to refuse him, but I also thought that I have nothing to do with him anymore kaya pumayag na lang ako. Ayaw ko na ng masiyadong kunsomisyon pagdating sa kaniya.

And aside from that, naisip ko rin na baka nga iniisip na niya na bitter ako the way I act every time he's in front of me. Well, I'm not bitter or what, 'no. Masiyado lang talagang pangit ang nakaraan namin, lalo na nang maghiwalay kami.

And I can't just forget that memory with a jerk like him. That's a big lesson for me that I shouldn't forget even though that's already almost ten years ago.

I know he's really trying to have a good conversation with me, but maybe he also felt how I distance myself from him. I know he's also trying to have a casual communication with me like how I want to as well. Pero siguro, ako rin ang dahilan kung bakit nangingimi siyang gawin 'yon.

So now, I finally let him.

Jeremy's a good guy, I know that even before. Ako lang talaga ang laging may issue sa kaniya, aminado ako roon. Para kasing ang presko ng dating sa akin ng personality niya the way he makes friends with everyone. Siya 'yong tipo ng tao na madaling napapakisamahan because he's an energetic and confident kind of a person – that I misunderstood from the very beginning.

Ang tingin ko sa kaniya, lagi siyang uhaw sa atensyon kaya gustong-gusto niyang nagpapasikat sa lahat. Kinakaibigan niya ang lahat kahit ang ayaw makipagkaibigan sa kaniya – tulad ko.

I can still remember the day how he tried his best to communicate with me and how I found myself suddenly talking to him, too.

"Here,"

Nalipat ang pansin ko sa kung sinong nag-umang ng snacks sa harap ko habang narito ako sa room namin at busy sa pagbabasa ng libro. It's break time so I found time to do this.

Nag-angat ako ng tingin sa nagmamay-ari n'on. And there I saw Jeremy with a usual wide smile on his face while staring straight at me.

"Tanggapin mo na. it's for you," aniya.

Pero sa halip na gawin 'yon, nagbawi ako ng tingin at binalik ang pansin ko sa binabasa kong libro.

Why is he doing that?

"Ito naman! Hanggang ngayon, tinatarayan mo pa rin ako?" komento niya sa ginawa ko, pero hindi ko na siya pinansin. "O sige, iiwan ko na lang 'to rito tapos babalik na 'ko r'on kina Kevin sa canteen. Nag-aalala kasi 'yong mga kaibigan mo kung nakapag-snacks ka na ba,"

Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya, wala pa rin akong kibo. Sinalubong ko ang tingin niya, wala na 'yong ngiti niya. Halos nakanguso na siya ngayon at tila bigo ang kislap ng mga mata.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon