CHAPTER 23
Ten years ago
#CollegeLife"WAIT, LEANNA!" Sydney, one of my classmates who I first came to know in our class, called me when I was about to go out of our room.
Napahinto naman ako para lingunin 'to. Nakita ko na halos patakbo na siyang lumapit sa 'kin.
She smiled at me, then asked. "Are you going to eat lunch now?"
"Ah, yes. Ikaw rin?" I asked back.
She quickly nodded. "Sabay na tayo?"
Nakangiting tumango na lang din ako at sabay na nga kaming nagtungo sa cafeteria nitong college namin.
Maagang natapos ang huling klase namin kaya mapapaaga rin ang lunch namin ngayong araw. Mula Lunes, wala pa kaming nagiging regular na klase sa lahat ng subjects namin. Kahit hanggang ngayong last day of the week. Puro getting-to-know pa lang ang ginagawa namin dahil ito nga naman ang week na first time naming na-meet ang classmates namin, pati na rin ang mga professors and instructors namin.
Mamaya nga ay kailangan naming um-attend ng program sa auditorium dahil para 'yon sa mga katulad naming freshmen. Pero after lunch pa naman 'yon. May dalawang oras pa bago kami magpunta r'on.
"Order na tayo ng food habang hindi pa mahaba ang pila," Sydney suggeted when we finally get to the cafeteria. Tinanguan ko na lang ulit siya at sumunod na roon.
Simula pa noong first day ng klase, si Sydney na ang kasa-kasama ko. Pareho kasi kaming wala pang kakilala sa mga kaklase namin. Unlike others na magkakakilala na dahil ang iba sa kanila ay magkaka-dormmates. Hindi naman kasi kami naka-dorm.
She was the one who reached out to me first to know my name. And since I found her friendly, I introduce myself to her until we quite became close to each other. Hanggang ngayon ay nagkakakilanlan pa rin kami. Isang linggo pa lang naman kasi ang nakakaraan nang magkakilala kami, that's why.
"Sabay na rin tayong pumunta sa auditorium mamaya, ha?" aniya sa gitna ng pagkain namin.
"Sure! Wala rin naman akong ibang makakasama. Honestly, I'm thankful to have you right now kaya hindi ako mag-isa,"
She smiled of what I said. "Me, too!"
Matapos kumain ay kung saan-saan na lang kami nagpunta ni Sydney. Napagpasyahan naming pumasyal muna around the university para magpalipas oras. And that's when we got to know each other more. We were talking about our lives in high school while we were walking around outside.
Hanggang sa sumapit na ang ala-una at magsisimula na ang program. Nagtungo na nga kami agad sa auditorium. Halos makalimutan pa nga namin 'yon dahil masiyado kaming naaliw sa pagkukwentuhan.
It's just a program for all freshmen, a usual program. Having an intermission numbers from student entertainers, greetings from the heads of this university, and a discussion about all the things that freshmen have to know. Mataman lang naman kaming nanood ni Sydney sa lahat ng 'yon.
Tumagal din ng tatlong oras ang program. Mabuti na lang talaga at nand'yan si Sydney kaya may nakakausap ako from time to time. Hindi 'yong mag-isa lang ako. Masiyado siguro akong ma-bo-bored kung gan'on.
"Are you going home now?" she asked after we went out of the auditorium.
"Hmm, oo. Wala naman akong ibang pupuntahan pa,"
"Pareho tayo," natawa pa siya. "Sabay na rin tayo hanggang sa gate," aniya na tinanguan ko na lang din ulit.
Pero hindi pa man kami nakakalayo nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Extensyon (EX SERIES 1)
RomanceLeanna is a known NBSB by her friends. They believed that she has never been into a relationship that's why she was always teased by them because of that idea. But that's what they only know. They never know that she also had a past to tell but only...