CHAPTER 29

4 2 0
                                    

CHAPTER 29

"JEREMY..." wika ko sa pangalan niya habang gulat na gulat pa rin akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko talaga inaasahan na makikita namin siya rito, at sa ganito pang tagpo! I'm very sure na nakita niya 'yon!

"Hey, bro! You... came," mukhang hindi rin siya inaasahan ni Robin.

He still has the same expression, very serious and cold. Muling nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa 'min ni Robin hanggang sa bigla siyang tumikhim.

"Yeah... kararating ko lang," he answered. "I already greeted Tito and Tita when I saw them. Medyo sinermunan nga ako ni Tita, bakit daw late ang dating ko. Sabi ko naman sa kanila susubukan ko. Even if I'm busy, I don't want to turn down Tita's invitation," then he explained.

"That's great!" nakangiti na ngayon si Robin sa kaniya. "Niyaya ko kasi si Leanna na maglakad-lakad matapos naming kumain kaya hindi namin nakita ang pagdating mo,"

Tumango si Jeremy. "Oo, sabi nga ni Tita,"

Natahimik na kami pagkatapos n'on. Tila pare-pareho kaming hindi pa makahuma sa pagkakagulatan. Hanggang sa napaiwas na lang ako ng tingin.

Sobrang awkward nito!

"Then... I think we should go back there now. You should eat, bro," basag ni Robin sa katahimikan saka lumingon sa 'kin. "Let's go," he smiled at muli niyang hinuli ang kamay ko. Hinila na rin niya 'ko pabalik na nga roon sa cottage hall.

Mas lalo akong nailang nang huminto kami sa mismong harap ni Jeremy. Nakatitig siya sa magkahawak naming kamay ni Robin kaya mas lalo akong naiilang. Gusto kong bitawan ang kamay ni Robin pero ayaw ko namang pag-isipan niya ng kung ano ang gagawin kong 'yon.

Gusto ko na lang na kainin ako ng lupa ngayon! I can't take this!

"Let's go there, bro. Sasamahan ka naming kumain," wika ni Robin sa kaniya.

Walang kibong tumango na lang si Jeremy. Nanguna na rin siyang tumalikod at nagtungo roon. Napasunod naman ako ng tingin sa kaniya. Pero napabalik din agad ang pansin ko kay Robin nang pukawin niya ang pansin ko. Sumunod na rin kami kay Jeremy.

Muli nga kaming bumalik sa table kung saan naroon pa rin ang pamilya ni Robin. Mas lalong umingay ang kwentuhan nang makisali na si Jeremy sa kanila.

Ito ang tipikal na Jeremy na kilala ko. Nakikisabay siya sa ingay ng tawanan ng lahat na akala mo siya pa rin ang Jeremy na nakilala ko noon. Pero alam ko, sa pagkakataong 'to, maskara na lang niya ito. Dahil kitang-kita ko ang pagiging down niya kanina. Kitang-kita ko 'yon sa kaniyang mga mata at 'yon ang hindi ko maintindihan.

Dahil ba sa nakita niya?

Ayaw kong isipin na baka dahil naapektuhan siya dahil d'on dahil imposible 'yon! Bakit kung gan'on nga, 'di ba? Walang rason para maapektuhan siya ng dahil lang sa nakita niya.

Nanatili akong tahimik at nakikinig lang sa kwentuhan at tawanan nila. Walang duda na malapit talaga na magkaibigan sina Jeremy at Robin dahil kitang-kita ko kung gaano kalapit at kakumportable si Jeremy habang kausap ang buong pamilya ni Robin.

"Naku, hijo! Mukhang magkakar'on na ng rason itong kaibigan mo na mag-extend pa rito sa bansa kahit hanggang sa matapos ang project niya! Nahanap na niya ulit 'yong naiwang inspirasyon niya, eh," wika ng Mama ni Robin na gumulat sa 'kin. Kahit hindi nito diretsahang binanggit ang pangalan ko, alam kong ako ang tinutukoy nito.

Agad namang sumang-ayon ang iba at napuno ng asaran kay Robin.

"'Ma, ano ka ba..." saway niya sa Mama niya. Halatang nailang din siya dahil d'on.

Extensyon (EX SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon