18

31 2 0
                                    

And true to that, naghihintay sa labas ang ilang babae at lalaki na kaibigan yata nitong tatlo. Nandoon din ang secretary ni Headmaster. Siyempre hindi pwedeng si Raven ang maghintay dito dahil isa siyang mahalagang panauhin sa loob.

"Bakit ang tagal niyo? Kanina pa ako nag-aalala." One guy asked Tina. Ngumiti lang si Tina dito habang ipinaliwanag ni Rod sa sekretarya ang nangyari.

Hahawakan ko na sana ang damit ko noong makitang duguan ang kamay ko. Gosh!

"Alex!" Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at napairap noong makita sina Stanley kasama ang lima pang lalaki, isa doon si Kansil.

Bakit ba lagi nilang kasama iyan eh halata namang takot sa akin. Kung makatingin para akong papatayin pero takot naman.

"Bakit ang tagal niyo? Tanong ni Stanley at saka pinasadahan ako ng tingin. Yellow dress, fixed hair, white skin, bloodied hands.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ni Kansil na nagpairap sa akin.

Pake mo?

"Sinugod kami ng mga bandido kanina. But we're fine." She answered and used the last line to assure her friend, if he is, kasi mukha silang mag-MU.

The boys looked at me.

"What she said." Iyon na lang ang sagot ko at kinuha ang kapa ko kanina. Pagtaas pa lang ay may tumulo na doong dugo.

Ano ba 'yan!

Kung wala lang talaga akong gagawin dito sa palasiyo ay hindi na ako nagpatuloy pa mula kanina. Nakakainis naman!

"Sorry, where's the washroom?" I asked irritated.

Nanlalagkit na ang kamay ko dahil sa dugo. Mabuti na lang at walang talsik ang damit ko.

"Washroom?" George.

"Oo washroom, CR, banyo ano man ang tawag niyo diyan basta may tubig na panghugas." Ratrat ko dahil sa tanong nito. Tulala lang sila sa akin kaya napairap ako.

"Bilis na kasi mukha akong humugot ng puso gamit kamay ko dahil sa dugong 'to. Ang shunga ba naman kasi nung dalawa at hindi man lang nakaramdam. Tsk."

Ayun! Walang gumalaw.

Umalis na rin ang grupo nila Lana at Tina pati ang sekretarya ng punong guro. Baka magrereport sa amo.

"Masiyado ba akong maganda? Makatitig kayo wagas. Dukutin ko kaya mga mata niyo!" Asik ko at nauna na akong naglakad. Wala yata silang planong sumagot.

Doon na lang ako sa nakita kong maliit na fountain sa kaliwa.

Umupo ako sa gilid at saka naghugas ng kamay. Humalo ang dugo sa tubig at nagkulay kalimbahin ito hanggang sa humalo ito nang humalo at nawala ang dugo sa tubig. It's like the water purified itself.

Nice.

Mabango rin ang tubig at parang may bulaklak.

Wala na ang dugo sa kamay at hindi na rin ito amoy malansa.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa likuran kung saan may naglalakad na lalaki. He was dashing as always pero iba ang aura nito ngayon. He looked a bit more dangerous.

"Hindi." I answered at saka tumayo na. Iwinisik wisik ko sa banda niya ang kamay ko dahilan para mapapikit siya.

"Gutom na ako." Dagdag ko at bumusangot. Nakakain naman ako kaninang pananghalian pero konti lang dahil nawalan ako ng gana dahil sa pag-uusap ng mga kababaihan sa paligid ko. Lahat sila nakikipagkompitensiya para sa kamay ng prinsipe.

Some even warned me. Gaya ni Lana.

Ni wala nga akong planong sumali sa handaan eh. I came here for another reason not because I want to have a fantasy with a prince. Di ko siya trip.

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon