"Miss Aragon, this is the last time that I want you here because of your failing grades. And please, pakidala ang magulang mo rito bukas. I need to talk to them." Sabi ng guro sa harap ko habang hinihilot niya ang kaniyang sentido. Lagi namang masakit ang ulo niya basta nandito ako sa cubicle niya.
My adviser.
"Hmm." I hummed in approval bago ako tumayo habang nakahalukipkip parin. Hindi ko na pinansin ang iilang matang nakatingin sa akin.
Look at me all you want, I won't take anything seriously. I don't have any interest in doing my best at something I don't like.
Babayaran lang 'yan ni papa, pasado na ako. Bakit pa ako magseseryoso kung maidadaan naman pala sa pera?
Lumabas na ako ng faculty room at bagot na naglakad sa napakahabang corridor ng paaralan tungo sa klase namin.
Don Joselio High School is the oldest private school in town so expect elites here.
Break time ngayon kaya marami ang nagkalat na estudiyante, pero karamihan sa kanila ay pabalik na ng klase dahil malapit na ang bell ring, and speaking of which. The bell rang.
Nagsitakbuhan ang mga estudiyante tungo sa kani-kanilang classroom at baka maabutan sila ng teachers nila o ng SSC patrol.
Unlike them, mabagal akong naglakad. What's the use of rushing kung makakapasok din naman ako? At saka ayaw ko rin namang pumasok, Filipino ang susunod naming klase at kaaway ko ang matandang nagtuturo sa amin doon.
Kinainisan kasi ako ni tanda noong unang linggo ng eskwela at nagtanong siya kung may tatanungin kami. I can remember sighing and saying "Sasagutin mo ba?" under my nose. Everyone in class heard it at namula sa galit si ma'am noon.
Sinakto daw ba naman kasi ang pananahimik nila noong nagsalita ako, edi narinig talaga niya.
Kung ano ano ang sinabi niya, kesyo wala akong respeto, tamad, walang patutunguhan, tanga. And she also said the Tagalog b-word.
Ayon binanatan ko. Siyempre tamad ako kaya hindi ko binanatan nang pisikalan. Pinaulanan ko ng tanong na dapat alam niya ang sagot pero nag-walk out lang si tanda, 'di kasi makasagot.
Mula noon mainit na ang ulo niya sa akin.
Napaismid na lang ako sa alaalang iyon.
It's August na and it's only been two months since then pero nakakatawa pa ring isipin.
Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng aking palda. Pinasadya ko talaga itong palda ko para dalawa yung bulsa ko, sanay ko kasi. And I also cut it shorter to defy the school rules. It should be knee-length but I wore it a few inches shorter.
Maganda naman ang legs ko at saka sanay na rin akong magsuot ng ganito. I did join a few comicon and cosplayed a few from games and animes.
I paired the skirt with my blouse's two buttons open and my necktie just hanging loose. Sometimes I would wear it with a statement shirt underneath my open blouse.
And to complete the ensemble I wore big boots, or chunky sneakers, and anything stylish but never the black shoes that they want me to wear.
Wala akong ganoong sapatos. Binilhan ako ni mama pero tinapon ko lang, hindi rin naman tama ang size!
Pagdating sa building namin ay nakasalubong ko na naman ang SSC President a.k.a. Juliano Aragon, my twin brother. His name was changed last week, it is now Julian. And his name always leads to people trying to guess my name.
Juliana ang lagi nilang sinasabi. Baduy!
Julianne, pwede rin. Pero masiyadong pambabae. Tunog mahinhin e hindi naman ako mahinhin, galawang tamad lang.
BINABASA MO ANG
Switched Worlds
FantasyA person's mind is never really open. We never really know what they're thinking, what's going on with them. Those things that we don't know and they don't wish for us to know, are known as secrets. And if it's secrets, Alexandra can be regarded as...