10

56 3 0
                                    

They trained according to my plan.

Sure it was a little weird, but it's a good plan. A very good one.

It's so good I wanna praise myself.

Dumaan ang ilan pang araw at dumating na nga ang araw ng exam namin para sa warfare.

Tahimik at ramdam ko ang kaba ng mga kasama ko. Pero karamihan sa kanila ay ang mga baguhan.

Ang lahat ay nakagayak ng uniporme namin sa hapon pero ang suot ko'y iba sa kanila. Ito yung pinatahi ko noon.

Mas komportable kasi ako dito. May maliit na takong ang sapatos ko hindi gaya sa mga babae na flat lang ang suot.

I want to exert dominance in many ways, included in that is my height. It's a good feeling when you stand face to face with your enemy and you stare down on him.

Satisfaction!

Hindi pa naman sinabing magtipon tipon kami pero mas gusto yata nilang manatiling magkakasama.

Nasa academy pa lang kami pero mula dito ay papasok kami sa isang portal na magdadala sa amin sa gubat, hiwalay sa ibang grupo.

Inayos ko ang pagkakasuksok ng kutsilyo sa mga pinaglagyan ko.

Bukod kasi sa pang-ibaba ko ay gumawa rin ako ng holster.

It was like a belt bag kung saan nakalagay ang ilang kutsilyo at ang tali na nakasabit sa gilid ko.

May kadugtong ito na nakalagay sa kanang hita ko kung saan may nakalagay ding kutsilyo.

"Masiyado mo yatang pinaghandaan ang laban, binibini." Isang boses ng lalaki ang bumungad sa akin.

Pagtingala ay nakita ko si Rodrigo sa harap ko. Pinagpag ko ang aking kamay at tumayo.

"Siyempre, kailangan ay maganda ako sa pagtatanghal ng panalo namin." Sagot ko sa kaniya at ngumiti.

"Naniniwala naman ako sa kakayahan mo, pero hindi ka sigurado. Lalo na't malalakas ang makakalaban mo." Singit naman ni Inigo na nakangisi sa akin. Aba!

"Mabuti at nakikilala mo ako, hindi na siguro kayo magugulat kapag nanalo kami." Sagot ko sa kaniya na siyang ikinangisi niya.

"Huh! Continue fantasizing, but we're bringing with us the trophy." Stanley said from the side.

Ano to? Payabangan?

"You're all acting like kids. Di niyo gayahin si Aeron, seryoso." George commented kaya napalingon kami kay Seth na nakaupo sa isang bato at seryosong nililinis ang espada niya.

O~kay?

"Everybody line up with your groupmates!" Anunsiyo ng kasama naming kabalyero kasama si Sir Magnus at isang grupo na ngayon ko lang nakita.

Luminya nga kami gaya ng utos nila, ako na ang nanguna sa grupo at siniguradong nakaayos sila. May pagkapilyo pa man din ang iba.

Muling nagpaalala si Sir Magnus sa amin.

"Isang araw ang ibibigay sa inyo. Pagsapit ng ganitong oras bukas ay kusa kayong maibabalik dito gamit ang kapangyarihan nila." Paliwanag niya at itinuro ang isang grupo ng mga 'di ko kilalang taong kasama nila who were already doing their work.

Connecting themselves with us.

Kita ko ang mga pising lumabas sa kamay ng isang lalaki na dumugtong sa buong grupo ni Clyde.

Ganoon din ang nangyari sa iba pang grupo at ang pising 'yon ay lumobong parang bola na humapit sa katawan namin.

"That will be your protection. Sa oras na mabasag ang harang niyo ay hihilain nila kayo pabalik rito."

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon