Natapos ang klase doon at nagpatuloy kami sa susunod na klase.
Unlike our past classes in warfare. Kasama namin ang tatlo pang klase kaya napuno ang kalahati ng field.
"Gaya ng mga nakaraang pagsusulit ay magrugrupo muli kayo. Pero hindi gaya noon, makakasama niyo ang mga estudiyante mula sa ibang klase.
Ibibigay na namin ngayon ang pagsusulit na gagawin niyo at ibibigay ang mga susunod na araw para makapaghanda sa itinakdang araw para sa pagsusulit." Anunsiyo ng isang kabalyerong kasama ni Sir Magnus. Sunod namang nagsalita ang huli.
"Ang lahat ng klase ay binubuo ng dalawampu hanggang limampung katao kaya't isang daan at anim na pu ang bilang niyo.
Magkakaroon ng pitong grupo at mahahati ang mga miyembro sa patas na paraan. Kami na rin ang namili ng mga mamumuno at miyembro ng bawat grupo kaya maghanda kayo at iaanunsiyo kung sino ang magkakagrupo." Dagdag nito. Kita ko naman ang papel sa kamay ng isa pang lalaki na kasama nila.
"Sa mga unang tatawagin namin, tumuloy kayo rito sa harap." Lalo namang nakinig ang mga kasama naming estudiyante.
"Rodrigo Castro." Naglakad papunta sa harap ang tinawag na lalaki habang pumapalakpak ang mga kasama naming estudiyante. The general.
Pumalakpak din ako pero walang tunog at tatlong beses lang lumapat ang mga kamay ko sa isa't isa.
"Inigo Rosillo." Tawag sa kasama naming makisig na naglakad patungo sa harap. Nakipagtanguan pa ito kay Rod.
Nagpatuloy iyon hanggang sa ako na lang ang naiwan sa puwesto namin kanina.
Wow!
The space on my spot made me somehow more noticeable.
"At ang mamumuno sa huling grupo, Alexandra Aragon." Anunsiyo nito dahilan para mapataas ang isang kilay ko.
Ako?
"Ms. Aragon." Tawag ni Sir Magnus na nakatingin sa akin. Nasundan iyon ng marami pang tingin at halos lahat ay pagkadismaya ang naramdaman noong makita ako.
Lalo namang napataas ang kilay ko.
Wow sa inyo!
Nagtataka man ay nagtungo pa rin ako sa harap at tumabi sa mga kasama ko. Nakangiti sa akin si Stanley at George habang nakangisi si Inigo ganoon din si Rodrigo. Yung dalawa naman kalmado.
Tinaasan ko ng kilay si Stanley na iba ang tingin sa akin. Napatingin naman ako sa katabi ko. Kaya pala may malisiya sa tingin niya sa akin.
Napangiwi na lang ako at tumingin na sa harap. Nakasalubong ko ang ilang mapanuyang tingin na kulang na lang ay harap harapang sabihin na hindi ako karapat dapat sa posisyon ko.
Umayos ako ng tayo at ipinakita ang mukha kong tahimik na sinisigawan silang 'wala akong pake!'.
I fixed my hair to my back and released my strict aura. I almost feel regal.
Pinabayaan ko na sila sa kanilang panghuhusga at hinintay matapos ang paggugrupo sa amin.
Naghiwalay ang mga estudiyante ayon sa grupo nila at tumapat sa mga leader nila.
At halos lahat sa mga kagrupo ko ay masama ang tingin sa akin.
"And we are done. Does anyone have concerns about the groupings?" Tanong ng kasama ni Sir Magnus.
Kita ko ang kagustuhan nilang umalma pero walang nagbalak na magtaas ng kamay. Mga duwag!
"No one? Okay—Yes Ms. Aragon?"
Napatingin ang lahat sa akin noong magtaas ako ng kamay.
"Can I refuse this position?" Seryosong tanong ko at tumingin sa mga kagrupo ko.

BINABASA MO ANG
Switched Worlds
FantasyA person's mind is never really open. We never really know what they're thinking, what's going on with them. Those things that we don't know and they don't wish for us to know, are known as secrets. And if it's secrets, Alexandra can be regarded as...