6

81 5 0
                                    

"What was that?" Nagugulumihanang tanong ko. I looked at my hands and it was the same.

I looked at Seth and he was about to ask something pero dumating na ang mga guards.

"What happened here?" The headmaster asked. I immediately got up at pinilit si Seth na i-assist ako.

Magsasalita na sana ito pero kinurot ko ang likod niya.

Ako ang magsasalita!

"Why are you here?"

The headmaster asked. And because I know my map, I immediately had a false alibi.

"Papunta sana ako sa clinic." Which is just after the library.

"I was at the entrance of the building when I heard a crash and cries of pain. The door was locked so I tried opening it, ang hindi ko alam ay may patungo palang pasabog sa pinto. It exploded, resulting to my injuries. But I saw four people inside after the explosion.

A girl in a black cape disappeared into the smoke while the other three fled. The group of three seems to have been fighting with the black girl." I answered. I'm good at script writing. Napakagaling ko, pero minus points na naman ako sa langit.

I am using this for my advantage.

"The girl you're talking about must be the girl I left here." Sabat ng librarian.

"How did she appear to you?" Tanong ni Headmaster.

"Hindi ko siya gaanong namukhaan dahil hindi ko suot ang salamin ko kanina. Ngunit itim ang suot nitong damit at nakaayos ang buhok." Sagot ng librarian at nakakunot noong tumingin sa akin si Raven.

Ako ang pinaghihinalaan nito. But I don't match the librarian's description because apparently I am wearing a red dress with my hair not fixed.

"She must be an elite student. Ngayon ang pahinga nila." Sir Magnus said.

"Sir! The books are missing!" Sigaw ng isang guard mula sa taas. I felt the tension inside as everyone who knows what it contained was alarmed.

"Aeron, bring her to the clinic. Wait for me there." Sir Magnus said and they went on for the investigation.

At dahil tapos na ang interview ay lumayo na ako sa kaniya. My body is aching. Really aching.

Ilang beses akong naibalibag. Yung pagkakatama ko sa poste kanina, tapos yung pagkatilapon ko, yung tama ko sa tiyan noong sinipa ako. Tapos yung paa kong nadaganan ng bato na mula pa sa pader ng library.

Halatang galit ang lalaking nagpakawala ng kapangyarihan na iyon. Wasakin daw ba naman kasi ang buong pintuan.

Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala akong hawak. Problema ko pa 'yon, hindi ko alam kung paanong pumasok yung libro sa kamay ko.

Paika-ika akong naglakad palabas. Bahala sila diyan.

Napahiyaw ako sa gulat at sakit noong biglang may bumuhat sa akin, lover's carry.

"Nananadya ka ba?" Tanong ko kay Seth. Bigla ba naman akong buhatin eh parang bali bali na nga ang buto ko sa balikat, likod, at tadyang.

Hindi naman siya umimik at naglakad na. I placed my hands on his shoulder at baka subukan niya akong ihulog. Mahulog pa ako at madagdagan ang sugat at bali ko.

Did I say that this body can withstand injury?

Ngayon lang nanuot yung sakit kaya halos mapaiyak ako habang iniinda ang sakit ng katawan ko.

It was like the calm before the storm. Baka dahil sa adrenaline kaya hindi ko masiyadong naramdaman ang sakit kanina, ngayong wala na ang adrenaline ay biglang buhos na ang sakit. Parang nabasag ang wall ng dam at binaha ng sakit ang buong katawan ko.

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon